Chapter 5 | Officially Married

34 2 0
                                    

KATHLYN

Natapos na ang wedding ceremony. Nandito na kami ngayon sa reception. Ang ganda dito kasi garden tapos may mga different color ng lights sa taas. Medyo tahimik nga lang kasi konti lang ang bisita. Pero grabe ha. Ang daming handa. Para namang dalawang buong barangay ang pupunta. WAHAHAHA. Nakaupo kami ni Terrence sa pinaka harap. Ine-entertain nya yung mga business partners ng dad nya. Hindi sila kasama sa ceremony at dumeretso nalang sa reception. Nako ah kain lang ata habol. HAHA De joke.   (.___.  )

GAAAH. Pinipilit ko lang libangin ang sarili ko para makalimutan ko yung bwisit na bridal kiss kanina! Kung pwede ko nga lang saksakin ngayon 'tong Terrence na'to baka kanina ko pa ginawa! Pinag-mukha niya akong ewan kanina! Akala ko ba naman eto na ang precious first kiss ko! TAE!

*Ang nangyari nung bridal kiss...

"You may now kiss the bride." sabi nung pari kay Terrence. OMAGAWD. Ito na ba? Sya na ba? Ang kauna-unahang lalaking lalapit ang mukha sakin at dadampi sa aking labi? TAE. Ang corny ng iniisip ko ah. Eto na for real, humarap siya sakin ng nakangiti. Hindi ko maiwasang mapatitig sa mga mata niya. It was jet black. His eye lashes are long and perfectly curled.

Napatingin ako sa labi niya. It was pinkish and it looked so soft. Tinalbugan pa ang labi ko na akala mong na El nino sa sobrang dry at bitak bitak. Nakakahiya! Inangat na nya ang veil ko. He held my hands. Feeling ko namumula ako. Feeling ko lang. Unti unti niya nilapit ang mukha niya sakin. Pumikit ako at hinanda ang lips ko. (    ^3^) Naramdaman kong iangat niya ang kamay ko. Then he kissed me. ON THE TOP OF MY HAND.

Humarap siya sa mga tao with a victory smile. I was left dumbfounded. Kinagat ko ang labi ko at yumuko. NAKAKAHIYA!

Kung pwede lang talaga pumatay! AARGH. Kanina pa niya ako iniinis. Ano bang problema niya sakin? Ede sana tumanggi siyang ikasal sakin kung ayaw niya. Tusukin ko siya ng heels ko eh. Makakaganti din ako sa kanya! Hmp.

"Huy, tahimik mo naman jan." sabi ni Kuya Kei na naka-upo malapit sakin. "Wala lang kuya, naa-amaze lang ako sa ganda nitong lugar."  sabi ko kay Kuya sabay smile. Ayokong sabihin sa kanya na gusto kong murder-in tong napangasawa ko. Maya-maya mag-start na yung party kaya nag-pay attention na ako. Dumating na yung host at nag-start na. Pumunta kami sa arch kasi dapat daw may grand entrance. Charot.

"A round of applause for our newly wedded couple! Mr. Terrence Valmonte and his wife, Mrs. Kathlyn Chloe Feliciano-Valmonte!" sabi nung host with energy reaching the sky. HAHAHA kaloka. Humawak ako sa braso ni Terrence at nag-simula kaming mag-lakad. Nag-smile lang ako hanggang sa makarating kami sa pwesto namin.

Humarap kami sa madlang people at kumaway at nag-smile ulit. Umupo na kami at nagsalita ulit yung host. "Ayan. They look so good together! Hhaha. I can't wait to know more about them.." sabi nung host habang papalapit samin. "Hoy, sakyan mo nalang mga sasabihin ko ah?" bulong ni Terrence. Tumango nalang ako. "Okay so, Mr. Valmonte. Can you tell us what you feel right now?" tanong nung host kay Terrence. Ngumiti naman si Terrence at sumagot ng "Ofcourse I'm happy. Actually I never imagined na ikakasal ako ng ganito kaaga but, Im happy because I'm married to her. Kahit na mukhang katulong siya HAHAHA." tapos tumingin siya sakin sabay ngiti. Bruho. Ang plastik. -____-

Yes, we're MARRIED.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon