KATHLYN
"Kids! Eto na ang pinaka hihintay natin! Please welcome, Jollibee!!!" sigaw ng host ng party. Eto na. Sasayaw nanaman ako gamit tong mabigat na costume ng malaking bubuyog a.k.a Jollibee.
Sumilip muna ako sa pinto at kumaway sa mga bata na halatang excited at masaya nung binanggit ang name ni Jollibee. Pumunta na ako sa mini stage at kumaway ulit sa mga bata.
"Okay kids, say hi to Jollibee!" sabi ni Kuya Jin, ang host ng party. "Hi Jollibeeeeee!" hyper na sagot ng mga cute na bata. Kumaway naman ako sa kanila.
At kasama sa plano, kinalabit ko si Kuya Jin at pag tingin nya, winasiwas ko ang malaking pwet ng bubuyog na si Jollibee habang nakataas ang dalawa kong kamay sa ere. "Oh! Kids, gusto nyo daw bang makitang sumayaw si Jollibee?" tanong ni Kuya Jin, sabay lapit sa dvd player sa likod ng cabinet. "Opoooooo." sigaw naman ng mga bata.
Pumwesto na ako at nung nag simula ang tugtog na "Sa Jollibee bida ang saya" pumikit ako at kusang umindak ang katawan ko. It's like my body has its own life. Hindi problema ng katawan ko ang malaki, mainit at mabigat na costume. Basta tuloy lang ako sa pag sayaw.
Nung natapos na, nag finishing pose ako at lumapit ulit si Kuya Jin sa akin. "Oh ano kids, nagustuhan nyo ba ang performance ni Jollibee?" sabi ni Kuya Jin. "Yeeeeees!" sigaw naman ng mga bata. "Okay kids, pwede na kayong mag papicture sa kanya!" pasunod ni Kuya Jin. Haaay. Eto yung pinaka ayokong part ng pagma-mascot bukod sa mabigat na costume.
Ang picture taking. Di ko kasi alam kung sino uunahin ko sa sobrang dami ng batang sumusugod eh. Pero pag nakikita ko naman na masaya sila, syempre go lang. Sumasaya na din kasi ako dahil dun. Nawawala ang pagod ko.
After 7 minutes. Tapos na. Sa wakas. "Oh, kailangan na bumalik ni Jollibee sa JolliTown! Say 'Bye bye Jollibee!'" sabi ni Kuya Jin. "Bye bye Jollibee!" sabi ng mga bata na medyo malungkot. Yung iba teary eyed pa. Bakit mahal na mahal nila si Jollibee? Tsk.
Pumunta na ako sa dressing room at nagpalit ng damit. "Haaay! Nakahinga din ng maluwag. Finally." sabi ko sa sarili ko. After ko magbihis, dumeretso ako sa office ni Manager Kim para kunin ang sweldo ko.
"Kath! You did great kanina ah. Ang dami mo nanaman napasaya. Heto sweldo mo. Sa susunod ulit ha!" sabi ni Manager Kim. Tinanggap ko yung sweldo tapos nagpasalamat na ako at umalis. Naglakad lang ako papuntang bahay. Gusto ko rin kasi lumanghap ng sariwang hangin. Makulong ka ba naman sa loob ng malaking bubuyog. Tignan ko kung di ka ma-suffocate.
BINABASA MO ANG
Yes, we're MARRIED.
Teen FictionA poor high-school girl gets married with an arrogant young man. Will they fall for each other? Or they will fall for each other?