"Kamusta na yung kapatid mo?"
"Maayos naman na. Nung una ayaw niya pumasok sa school. Pero medyo okay na siya ngayon. "
"Kamusta school mo?"
"Sa awa naman ng Diyos dalawang sem na lang matatapos na ako."
"Wow!Bigatin ka na pala!"
"Baka dito na rin ako mag-OJT."
"Buti ka pa makatatapos na. Baka next time CPA ka na."
"Maaari."
"Kamusta naman iyong inutangan mo?"
"Iyon ang anghel sa buhay ni Nika. Ang kaso ay mula sa dalawang taon, five thousand pa lang ang nababayaran ko dahil sa pag-aaral ko. Ang kaso ay hina-harass na ako. At ang sabi pa pusher daw siguro ako. Ang kapal noh? Pero ayos lang dahilan dito na ang kapatid ko."
"Guardian angel?"
"Sige Ann, mauuna na ako sa iyo. Doon ako magpo-promote."
Binibilang niya ang mga pwede pa niyang i-promote na toothpaste. Ang kaso ay bumagsak siya sa lapag.
"Aw!" May nakabanga sa kanya.
"Oh, I'm sorry. Hindi ka kasi nakatingin sa dinadaanan mo."
"Excuse me. Ang laki ng daan. Bakit hindi ka doon magdaan? Sa iyo ba to?"
Hindi siya pinagtuunan ng pansin nung lalaki. Bagkus ay nilagpasan pa siya.
"Walang modo!" sigaw niya.
"Miss, you have the guts. Isa kang promoter at pinapasweldo niya. At lahat ng abot tanaw mo dito ay sa kanya."
"Sino ba siya?"
"Si Sir Tres."
"Puwes sabihin mo diyan sa Sir Tres mo na magtutuos pa kami."
"Ken, come on."
"Yes, Sir Tres."
"By the way miss. I heard you loud and clear. I can't wait for that day."
"Huh! Talaga!" sabi niya at umais na si Tres.
"Yes! Maxene Gaspar is the name!"
"Aba't kailangan."
"wag kang mabibigla at baka bukas wala ka na trabaho."
"At bakit naman?"
"Dahil si Sir Tres ang anak ng may-ari nito at ang bagong nagpapatakbo ng Kompanya."
"Halah!" Nanlalaki ang mga matng bulalas niya.
"Tutulungan kitang maghanap ng trabaho. Wag kang mag-alala."
Nang gabing iyon ay hindi iya makatulog. Bakit ba kasi ang pagiging mainitin ng ulo niya ay kay Tres pa na iyon umatake? Ganoon ba talaga siya kamalas? Nakakalungot lang dahil naghihirap na sila magkapatid may milyon pa silang utang at mawawalan pa siyang trabaho. Dalawang beses na nga lang sila kung kumain. At maswerte na sila noon.
"Lord, mabait naman ho siguro si Sir Tres. Hindi ko naman talaga sinasadya yung nangyari. At saka totoo naman na malaki yung daan at pwedeng hindi na niya ako mabanga. At saka si Sir Treize John sana hayaan niya pa akong bigyan ng panahon. Kapag naman naging accountant na ako babayaran ko din siya."
YOU ARE READING
Closer You and I
General FictionSynopsis: "I love him but we're not meant for each other..." -Maxene- "I know she loves me, but I love her more and she needed to know it, badly." -Treize- Anong gagawin mo kung ang inutangan mo ng milyones ay naging kaibigan mo nang hindi mo nalala...