Kinabukasan pumasok uli siya sa kanyang trabaho. Ang sabi pa ni Sir Tres ay yung absent niya kahapon ay with pay. Kaya naman masayang-masaya siya at nakatulog na rin siya ng mahimbing kagabi.
"Max, tanggal ka na ba sa trabaho?"
"Hindi ah!"
"Bakit wala ka kahapon?"
"Sa field nila ako pinagtrabaho." Pagsisinungaling niya.
"Mabuti naman. Akala naming tinanggal ka na."
"Buti nga at hindi nagalit si Sir Tres."
Pagkatapos ng trabaho niya ay dumiretso siya sa kanyang eskwelahan. Ang klase niya ay six hanggang ten ng gabi.
Pagkatapos ng klase niya nakita niya ang boyfriend niya, si: Miguel Salas. A tall, white handsome man. He was a call center agent, eleven to seven, night shift.
"Migz!" tawag at bati niya dito.
"Max." Ganting bati nito sa kanya.
"Bakit nandito ka?"
"Sinusundo ka."
"Bakit?"
"Delikado na ngayon ang panahon. Ihahatid na rin kita para may peace of mind ako."
"Ang sweet mo naman..."
"Halika na, para umabot ako sa shift ko."
"Hmmm..."
"At malapit na ang Valentines. Maraming mangho-hold up at nangho-hold-up para may pambili sila ng regalo sa girlfriends nila."
"Uh huh. Pero... ganon ba yun?"
"Ikaw naman, minsan na nga lang akong magbiro, sakyan mo na." kunwari ay pagtatampo nito.
"Oo nga naman. Uso talaga yun ngayon. Marami noon sa news."
Magkahawak-kamay sila sa jeep habang nakahilig ang ulo ni Maxene sa balikat ni Miguel. Hindi namalayan ni Maxene ay nakatulog na siya. Sa sobrang pagod, hindi na niya naaasikaso ang sarili niya.
Naghahanda siya sa pagpasok sa trabaho niya ng may nag-text sa kanya.
'D ka pa ba magba2yad ng utang mo?'
'D pa. La pa aq pera. Pro sa sweldo q try q hulog kht 1k.' sagot niya sa text.
'Pag d ka pa hulog papu2lis kta' sagot nito.
'hulog aq. Pramis. Wag pulis. Cra future q.' sagot niya at hindi na nag-reply ito. Napa-buntong hininga na lang siya.
"Ate, may problema ba?"
"Wala naman, Nika. Marami kasi akong babayaran. Katiting na naman ang matitira sa atin."
"Ayos lang yun, Ate."
Sa edad na bente-tres ay napakarami na niyang iniintindi. Dahil maaga siyang naulila. Kung minsan ay napapagod na rin siya at sumusuko na siya. Ngunit hindi pwede dahil mamatay sila ng kapatid niya ng dilat.
Dahil absent ang receptionist siya ang tumao. At dahil wala naman masyadong tao inilabas niya ang kanyang ever reliable blue notebook. Blue dahil iyon ang paborito niyang kulay.
Ang laman ng blue notebook ay ang goals niya; dream; plan for future at utang.
Mayaman na siguro sila kung wala silang utang. As of now mayaman sila, sa utang nga lang.
YOU ARE READING
Closer You and I
Ficción GeneralSynopsis: "I love him but we're not meant for each other..." -Maxene- "I know she loves me, but I love her more and she needed to know it, badly." -Treize- Anong gagawin mo kung ang inutangan mo ng milyones ay naging kaibigan mo nang hindi mo nalala...