CHAPTER FIVE

1 0 0
                                    


"Maxene, what's up?" puna ni Tres sa kanya. Tinapunan niya ito ng tingin.

"Come on Maxene, I know there is something wrong. Pareho lang tayo. Tignan mo nga nag sarili mo. Sigurado ako pag tinanggal mo iyang salamin mo, mugto ang mga mata mo." Tinignan niya ulit ito.

"Break na kayo ni Princess...?" tanong na alanganin nito dito.

"Exactly. I'm sure kayo din. Ipinagtapat sa kin ni Cess na malaki ang pagkakagusto niya kay Miguel."

"O-oo nga... Break na kami..."

"Look Maxene, huwag mong pag-aksayahan ng panahon ang lalaking iyon. He's a total jerk." Sa sinabing iyon ni Tres sumungaw nanaman ang luha sa kanyang mata.

"A-ano bang nagawa kong mali? Pinagbigyan ko lahat ng gusto niya pwera lang sa isa dahil kabilib-bilinan sa aking ng aking mama na ibigay ko lang daw iyon kapag sigurado na ako. H-hindi ko siya niloko. Pinagsilbihan ko siya at ibinigay a ng bung pagmamahal ko."

"We shared a kiss. Nakaganti ka na."

"Hindi pa din pagtataksil iyon! Gusto ko..."

"Ano?"

"Wala."

"Maybe we need a little drink. Later, after office hours." Sabi nito ngunit hindi diya kumibo.

Nang natapos ang office hours ay isinama siya nito.

"Saan ba tayo pupunta?"

"Maglalabas ng sama ng loob."

"Ayoko nga."

"Magkaka-cancer ka niyan."

"Bakit naman?"

"Dahil may itinatago ka diyan sa loob mo. Dapat diyan nilalabas mo."

"Ayoko. Kaya ko naman ito. Magpapakatatag ako."

"Kahit na. Dahil maaga pa, sarado pa ang mga bar. Doon tayo sa secret place ko."

"Secret place?! Anong gagawin natin doon?"

"Basta."

"Anong basta? Hindi pwedeng batsa!"

"Maxene, wala akong gagawin sa iyo okay? We are going to help each other."

"Anong klaseng help?"

"Yun ang pag-uusapan natin."

Nakarating na sila sa isang abandonadong basketball court ngunit malinis. Umibis sila ng sasakyan. May kinuha naman si Tres sa compartment ng sasakyan.

"You know what Cess told me why she wants to break-up with me? It's because I Don't have enough time for her. For the past few years hindi siya nagrereklamo. She is very understanding. Hindi siya mapaghanap that is why I am thinking of proposing to her. Pero ito, ito nag nagyari. Na-in love siya sa boyfriend mo-"

"Ex. Ex boyfriend mo."

"Okay. Fine. Ex-boyfriend mo."

Nagsalin si Tres ng alak sa dalawang plastic cup at ibinigay sa kanya ang isa.Tinikman niya muna at saka idiniretso nang inom. Hindi siya nasarapan ngunit sa tingin niya ay makakatulong ito sa kanya.

"Pwede bang tumalikod ka? Hindi ko kailangan ng audience sa pag-inom ko at pagiging miserable ko."

"Hindi pwede, baka magpatiwakal ka!"

Closer You and IWhere stories live. Discover now