Pumasok si Maxene sa opisina ni Tres.
"Good morning Sir Tres.." Bati niya dito.
"Good morning Maxene." Bati din nito sa knya. "You can get Cess's stuffs at the side."
"Pakisabi po kay Ma'am Cess na maraming salamat."
"Sure, Maxene, your first project will be the Valentine production. I want you get Spongecola to sing the new jingle of our commercial. And get Kathryn and Daniel to be the lead."
"Ahhh..."
"Also, we need to be prepared about the annual Lovapalooza. Since the valentine will fall on Saturday, let's make it Saturday midnight so they can spend the whole Saturday together and at midnight, they can go to the Lovapalooza."
"Saan po ang venue ng Lovapalooza sir?"
"That would be talk about on tomorrow's meeting." Paliwanag ni Tres.
"As of now, Ken will teach you everything you need to know okay?"
"Okay"
Sinundo siya ni Ken at inilibot sa buong building. May mga tao rin na ipinakilala sa kanya. At ngayon ay may mga pinapabasa at pinapakabisado sa kanya.
Nagbabasa siya ng mag-ring ang kanyang cellphone.
"Hello?" sagot niya.
"Maxene."
"Sir Tres?"
"Yes. Halika, lunch tayo."
"Huh? Pwede ba yun?"
"I'm the boss. Come on."
Nagkita sila sa lobby. Sa isang carinderia niya ito dinala.
"Bakit dito?" tanong ni Tres sa kanya.
"Gusto ko lang ituro sa iyo kung paano magtipid."
"I am rich."
"Sir Tres, hindi habang buhay sa iyo ang kayamanan. Isa pa Sir Tres, hindi nasusukat ang sarap ng pagkain sa presyo. Puro kaartehan lang naman ang mga kinakain natin doon. Mas masarap dito. Pangalan lang ang babayaran mo doon dahil sikat. Dito dahil masarap. Hindi ka nga lang bagay dito pero hintayin mo kapag natikman mo na ang pagkain dito." Mahabang paliwanag niya.
"Yes Ma'am."
"Ate, apat pong kanin, isang menudo, isang bistek, isang sinigang at adobo. Palamig din po."
"Ilan?"
"Dalawang palamig po. Dito sir Tres, busog na busog ka pagkatapos mong kumain.Doon sa mamahaling restaurant, hindi."
"Parang ang dami mo yatang inorder?"
"Ayos lang iyon. Hindi pa iyon aabot sa kalahati ng binayaran mo doon sa kinainan nating noong nakaraang araw."
"Alam ko na iyon. Kahit hindi mo na ipaliwanag sa akin." Paliwanag ni Tres. "By the way, ano pa bang hilig mo?"
"Hilig ko?"
"Mga ginagawa mo kapag may free time ka."
"Mahilig ako mag-internet at hilig ko iyon. Ang kaso nga lang para makatipid ay bihira ko lang ginagawa. Parang texting din ang kaso sayang ang load. Kaya nanunuod na lang ako ng T.V. o di kaya nakikinig sa Radyo. At kapag tipid sa kuryente, naglalakad-lakad lang ako hanggang sa kung saan ako makarating."
YOU ARE READING
Closer You and I
General FictionSynopsis: "I love him but we're not meant for each other..." -Maxene- "I know she loves me, but I love her more and she needed to know it, badly." -Treize- Anong gagawin mo kung ang inutangan mo ng milyones ay naging kaibigan mo nang hindi mo nalala...