Pagkatapos manganak ni Maxene namasukan siya sa kung nau-anong part time job. Patuloy pa rin sa pag-aaral si Nika. Nang mag-isang taon si Maxpien , nagsimula nang mag-aral si Maxene. Isang taon na lamang naman tapos na siya.
Dumating na rin ang araw na malapit nang matapos si Maxene.
"Ate, ang galling! College na ako sa susunod at ikaw ate, graduate ka na! Hindi lang yun, multinational ang kumukuha sayo!"
"OO nga eh..."
"Yayaman na tayo!" pahayag ni Nika na ikinatuwa niya.
"Kaya ikaw, mag-aral ka mabuti."
"Oo naman ate."
Inimbitahan ni Maxene si Shy sa kanyang graduation. Ngayon lang din niya sinabi kung nasaan silang magkapatid. Sinundo niya ito kasama ang anak niya.
"Shy!"
"Maxene!"
Mahigpit silang nagyakapan. Saka lamang napansin ni Shy ang batang kasama ni Maxene. Bumitaw ito sa pagkakayakap sa kanya.
"Sino s-siya?"
"Oh! Siya si Maxpien, anak ko."
"Kay-"
"Ayoko pag-usapan."
"Pero kailangan! Marami kang kailangan malaman."
"Huwag muna ngayon. Hindi pa ito ang tamang oras. Maxpien greet your Tita Shy."
At that time Maxpien was two years old and three months.
"Eow.."
Ngumiti naman si Shy sa anak ni Maxene.
Dalawang linggong nagbakasyon si Shy sa kanila. Sa kabuuan ng bakasyon ni Shy nalaman ni Maxene na hinahanap parin siya ni Tres. Natuloy ang pagpapakasal-kasal ng dalawa pero ang hinala ni Shy ay hindi totoo ang lahat. In short, palabas lang
Kung tutuusin ay wala na siyang pakialam pero ang problema ay naaapektuhan siya.
Nagsimula na siyang pumasok sa The Platinum, isa itong medical supplies supplier mula sa iba't-ibang bansa. Accountant siya doon. Makalipas ang anim na buwan, napromote siya bilang Junior Executive. Mula sa five digits na sweldo niya, six digits na ngayon. Agad siyang nag-apply ng personal loan. Babayaran na niya si Benji. Kalahating milyon na langa ng utang niya dito dahil sa nakalipas na taon ay binabayaran niay ito. Si Tres na lang.
Sa nakalipas na anim na buwan ay nagkita sila ni Miguel. Naging sila muli. Tanggap nito si Maxpein at Masaya na silang muli. Namatay din si Princess sa isang car accident. Alcoholic na daw ito ang sabi ni Shy. Ngayon ay puspusan na ang paghahanap ni Tres kay Maxene.
Tama na ang minsang pagkakamali. "Kung uulitin ko pa, tanga na ako." Naisip ni Maxene.
Lumuwas na siya ng Maynila upang magbayad-utang at bisitahin na rin si Shy. Sinama din niya si Maxpien.
"Shy, doon muna kami ni Maxpien sa dating bahay. Wala pa naman daw umuupa doon ngayon."
"Mabuti naman kung ganoon."
Sinamahan sila ni Shy. Nang umalis ito ay naglaro muna sila ni Maxpien.
"Mommy, I want to have a baby brother or sister. How can I have one?"
"H-huh?" You can't have one yet , baby."
"But Papa Migz. What about Daddy?"
Naging maligalig si Maxene. Hindi niya alam ang isasagot.

YOU ARE READING
Closer You and I
General FictionSynopsis: "I love him but we're not meant for each other..." -Maxene- "I know she loves me, but I love her more and she needed to know it, badly." -Treize- Anong gagawin mo kung ang inutangan mo ng milyones ay naging kaibigan mo nang hindi mo nalala...