“Si Chase nasa ICU .. I think kelangan mo ng pumunta dito Guia.”
Natulala ako sa sinabi ni Ice .. dahan dahan na dumulas yung phone ko sa pagkakahawak ko .. at mabilis na tumulo yung luha ko ..
“Girly!” sabay bukas ng pinto ng kwarto ko .. napatingin ako kay Carmi .. nagkatitigan kami .. makahulugan ..
“No .. hindi totoo yun.”
Mabilis na lumapit sa kin si Carmi at niyakap ako ..
“Wala akong alam .. hindi ko alam .. but you need to go with me .. it’s now or never .. sabi ni Ice nas ICU daw si Chase .. baka hindi na natin sya-“
“No Carmi!” umiiling pa din na sabi ko .. nagtakip ako ng tenga para hindi marinig ang mga sinasabi nya .. “Nagkakamali ka .. magkasama lang kami kanina .. he kissed me .. he said he love me too .. ako lang daw yung babaeng minahal nya .. he even sung in front of our classmate right? Nakita mo yun diba? Isn’t sweet?” umiiyak na tanong ko sa kanya.
“I know. I know Girly. But we should go now. Sumama ka na sakin.”
Umiiling pa din ako .. trying to avoid what she’s saying. Hindi totoo yun! No. my chase is alive. He’s healty!
“Girly tara na .. pangalan mo ang tinatawag ni Chase kanina pa .. hinahanap ka nya.” Sa sinabing iyon ni Carmi ay tuluyan akong napahagulgol ng iyak.
Wala na akong nagawa ng hatakin nya ako at hilahin patayo .. hindi pa din ako nagpapalit ng damit .. I’m wearing our couple shirt.
Tahimik ang hallway ng hospital ng dumating kami .. may tatlong tao sa labas. Dalawang matanda .. at si Ice.
“Guia!” salubong samin ni Ice.
Wala akong masabi. Walang salitang gustong lumabas sa labi ko. Napatingin ako sa loob ng ICU. Pero agad din akong napatungo kasabay ng pagsinghap ng makita ko si Chase na nakahiga doon. Maraming nakakabit na tubo sa katawan nya .. nakamulat ang mga mata nya .. nanginig ang tuhod ko .. naghina ako’t hindi makatayo ng deretso, napahawak ako sa salamin habang nakatungong umiiyak .. when I took a glance lalo akong napaiyak ng makita syang nakatingin sa direksyon ko ..
“Chase ..” pinipigilan kong umiyak habang nakatakip ang kamay ko sa bibig ko.
‘Guia ..’ I smile bitterly ng mabasa ang lumabas na salita sa bibig nya at ang pag galaw ng daliri nya.
“Ikaw pala si Guia ..” napatingin ako sa matandang babae .. “Ikaw ang dahilan kung bakit hindi sya nagpa heart transplant .. natatakot syang baka maiba ang tibok ng puso nya .. funny .. dahil lahat ng nangayayari sa buhay nya ay ikaw ang inaalala nya. Imbes na pumunta ng ibang bansa para magpasurgery mas pinili nyang dumito sa pilipinas at mag aral sa school mo .. he really loves you Guia .. mahal na mahal ka nya.”
Napaiyak ako habang nagkekwento yung Mommy ni Chase.
“Guia .. nkikiusap ako sayo bilang ina .. please convince my son to take the transplant surgery .. please?” umiiyak ang Mommy ni Chase and at the same time .. kitang kita ko din sa mga mata nya ang pakikiusap.
“Kabaligtaran man ang pinapakita nya sayo ay mahal na mahal ka pa din nya Guia .. ayaw nyang malaman mo ang sakit nya dahil ayaw ka nyang makitang umiiyak.”
Napangiti ako sa sinabi ni Ice.
“Mabubuhay po ba sya kapag nagpa heart transplant sya?” pumipiyok na tanong ko ..
Hindi pa masyadong nag sisink in sa utak ko ang sakit ni Chase ngayon naman kailangan kong pag isipan ang tungkol sa pagconvince sa kanyang magpa heart transplant.
BINABASA MO ANG
I'll be
Roman pour AdolescentsNagmahal ka, minahal ka ba? Minahal ka, pinaglaban ka ba? Pinaglaban ka .. Alam mo kaya? Alam mo .. pero may saysay pa ba? - I'll be ( a short story )