5. 21. 18
Start: 1:00 am
End: 1:15 am>>Makikita mo sa kalawakan<<
Dito sa dako ng mundo
Wala kang masusuyo
Dito sa dako ng aking puso
May makikita kang buo
Pagmamahal.Dito sa gilid, ang rosas na kulay ay lamyos ng lambing
Na wari'y putla ng dugong mahinhin
Ang tela ng blusa na sa ganoong anyo ang bibilhin
Ang kulay ba ito'y siyang pipiliin
PagmamahalHalimuyak mo'y kasing bango ng bagong silang na bulaklak
Sa isang luhang di-naituloy ang pagpatak
Bumalik sa dating halakhak
Tagos hanggang pumalakpak
PagmamahalIkaw ay isang bukod tanging oras
Pinag-hugutan ko ng buhay kong hiyas
Sa iyo inutang ang lumipas
Nang ako'y umiyak, walang landas at wagasPagmamahal ko sa iyo'y walang katapusan
Tunguin pa ang kamatayan
Kumakandili rito't gumagabay
Ang kaibigan kong nagbigay sa buhay
Kong walang kulay.
BINABASA MO ANG
Space [Wattys2019]
PoetryFOR WHAT ITS WORTH : ITS NEVER TOO LATE TO BE WHOEVER YOU WANT TO BE ---- Ang librong ito ay naglalaman ng mga pinagtipon-tipung mga ideya at kaalaman tungkol sa milagrosong bagay na lantad sa aking paningin at mga na-aapuha sa mundong ginagalawan...