6.7.18
Kalikasan
Kalikasan ating pangalagaan
Buhay susunod sa tindig ng kapalarang
Dinanas ng sambayanan
Luwalhati'ng ipinaghahapo, ang liwanag na kailanmay hindi umunlad, aking kaibigan.Kalikasan, ating ingatan
Itago ang kapos-palad na pag-uugaling hindi dapat ipakita nino man
Humayo! Panindigan
Ang responsibilidad na hindi dapat hayaan
Nakatiwangwang ang presensya ng basurang amoy na amoy dahil sa malansang isda na inyong itinatapon.
Ipakita ang bansa
Hindi ba't riyan ka ipinanganak?
Riyan ka lumaki't nakatira
Pasikot-sikot na yerong, nagbubusangot sa daan
Hindi mo ba nakikita?
Pulutin mo upang hindi makagambala.Hindi ba kayo nandidiri?
Hindi ba kayo nagsasawa?
May ulirat ba kayo sa inyong tinatapakang lupa?Nakakalula.
Nakakapagtaka ang inyong ginagawa.
Tapon, doon. Tapon dito.
Kapaligara'y naluluha sa mga kaparaanang
Walang pahintulot
Walang kahahantungan.
BINABASA MO ANG
Space [Wattys2019]
PoetryFOR WHAT ITS WORTH : ITS NEVER TOO LATE TO BE WHOEVER YOU WANT TO BE ---- Ang librong ito ay naglalaman ng mga pinagtipon-tipung mga ideya at kaalaman tungkol sa milagrosong bagay na lantad sa aking paningin at mga na-aapuha sa mundong ginagalawan...