||Tula #1||

288 13 3
                                    

5. 22. 18
Start: 10:00 am
End: 10:10 am

>>>Isang araw ng pagbati<<<

Aking kaibigan, iyong kaarawan
Buwan, araw at pag-asang akalang di mararanasan
Ang buhay ko'y sapat, sa dulo'y kumikislap
Luhat pagod ay papatak ngunit balang araw magiging 'palakpak'
Pinag-isipan at pinag-paguran
Upang maihandog lang sayo aking kaibigan
Sana'y matanggap mo ang mumunting alay
Pag-ibig ko'y lubos kong ibinigay
Dahil pagdating sayo'y ako'y uhaw
Sa karagatan iyong matatanaw
Ang pagmamahal kong mas malinaw
Sa tumataginting ba bulwagang araw
Sa aking mga palad iyong makikita
Ang hapdi kapag may kasama kang iba
Ngunit ang tuksong humihigop ay isang parirala
Kung saan, tagpi-tagpi, di-buo ang iyong makakapa
Saan ba ako hindi nasaktan?
Noong mga Sandaling ika'y napayakap.

Umiyak ako at tanging hilera ng kadenang puno ng duguang dulot ng hapo at bugso ng damdamin aking nadama
Sa langhap ng hangin, kumaripas ang hirap.
Hindi pala isang langit, ang saklap. Kundi mas mataas sa dalampasigang puno ng magagarbong busilak.
Tagaktak ng liwanag at pilak

Upang abutinang bituing nagniningning, susuyuin ang gandang kinimkim
Dahil sa mundong ito, aking dinadalangin na sana'y lagi tayong magkasama
Hanggang sa dulo ng bilog na kusang umiikot nang paulit-ulit
Walang hanggan- tulang ihahandog
Sa kaibigan Kong aso, este ginto!

Mahal kita, alam mo ba?
Mahal kita at sanay madama.
Mahal kita at sana'y hindi balewala
Mahal kita, aking kaibigan.
Alam Kong ang salitang iyon ay Hindi sapat
Sa dalawang taon, pagsasamahan, animo'y di matahak nino man
Salamat.
Kaya huwag ka nang umiyak
Nandirito ako sa iyong tabi mong humahakhak
Makita lang kitang masaya, sapat na
Friend, ubos ba ang aking kaalaman.
Kaya, pipilitin kong magpaalam
Sana'y iyong nagustuhan ang aking tula at liham
Ang pag-ibig na mas malalim sa balong puno ng patalim

Baging ng salitang aking ginawa mula sa diwa
Walang tugma, walang maayos na salita
Ngunit nanggaling ito sa aking puso, buong-buo. Maligayang kaarawan!


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Space [Wattys2019]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon