'Munting Mundo'
TUMIGIL ANG PAG-IKOT NG AKING MUNTING MUNDO
KAPAG NAKIKITA ANG IYONG NGITING KASING LIWANAG NG
ARAW-ARAW NINANAIS MARINIG
Ang tawang siyang tumutunaw sa pusong giniginaw sa lamig ng lumipas
Ngunit kahit magkaharap
Dito ay bumabagyo
Ngunit diyan, umaambon lamang
Akoy nakatayo sa lilim ng iyong yakap at halik
Ngunit nalulunod pa rin at nangangarap na maanggihan man lang ng pag-ibig mong binihag ng mga ulap.
Paano ba patitilain ang bagyo kung ang gusto mo lang ay ambon?
BINABASA MO ANG
Space [Wattys2019]
PoetryFOR WHAT ITS WORTH : ITS NEVER TOO LATE TO BE WHOEVER YOU WANT TO BE ---- Ang librong ito ay naglalaman ng mga pinagtipon-tipung mga ideya at kaalaman tungkol sa milagrosong bagay na lantad sa aking paningin at mga na-aapuha sa mundong ginagalawan...