||Article #3||

21 4 3
                                    

Umabot na sa takdang panahon upang itakda na si Bungaw Ulol-Ul na maging isang hari ng kaharian ng Arandelle matapos mamatay mula sa sakit ang kanyang ama na si Binging-Ulo na hari noon ng Arandelle.Kung kaya't nagsimula na itong kumilos at magbigay pugay sa mga kababaihan sa kanilang bayan.

Tinitingala siya ng karamihan sapagkat siya ay makabayan,mabait at matulungin sa kanyang kapwa.Dati nang hiling ng kanyang mga magulang lalo ang kanyang ama na magkaroon ng asawa.Natupad nga ito ngunit hindi na naabutan ng kanyang mga magulang.Nagpakasal siya kay Orazon Amisha na Diwata ng mga kagandahan at puso.Sa sobrang pagmamahalan nila ay nabiyayaan sila ng dalawang anak na nagngangalang Ruaziza Sabulhina na dyosa ng langit at tagapangalaga ng mundo at Hisam Dama na diyos ng mga gubat. Sila ay malalaki na at ginagampanan ang kanilang responsibilidad.

Isang araw,naisipan ni Bungaw Ulol-ul na umalis ng kanilang bayan dahil nararamdaman niyang may kulang sa kanilang buhay na ipinagdadamot ng Diyos ng mga anak na si Moha Hasanorin.

Ginamit niya ang kanyang zikat na isang bagay na pamatay sa mga kalaban at ang kanyang mahiwagang sombrero na isa ring panlaban sa kanyang mga makakalaban sa paglalakbay at nakatutulong din sa pag-hanap kay Moha Hasanorin.

Halos 56 araw ang inabot ng kanyang paglalakbay.Naglakbay siya sa kapatagan,burol,dagat at mga kabundukan.Sa kanyang paglalakbay, nakalaban niya si Urzula ang diyosa ng dagat.

Inabot siya ng pitong araw upang kalabanin ito dahil sa sobrang lakas at tapang ni Urzula ngunit nagawa din na talunin ni Bungaw-ulol-ul. Pumunta siya sa iba't ibang bayan upang mahanap si Moha Hasanorin. Ilang buwan at ilang araw na niyang hinahanap si Moha Hasanorin dahil sa hindi ito Makita-kita.Nagpatulong siya sa diyos ng mga mata na si Bazuka.Pumunta siya sa kaharian ni Bazuka.

Bazuka: "sino ka at bakit ka nandito sa aking kaharian?"

Bungaw-ulol-ul: "ako si Bungaw ulol-ul anak ng dating hari ng Arandelle at kasalukuyang hari ng Arandelle ngayon"

Bazuka: "kagalang-galang kitang makita Bungaw-ulol-ul. Ako si Bazuka,ang diyos ng mga mata.Ano ang maitutulong ko sa inyo mahal na hari?"

Bungaw-ulol-ul: "Maari mo bang gamitin ang iyong kapangyarihan sa paghahanap kay Moha Hasanorin?"

Bazuka: "Opo mahal na hari"

Bungaw ulol-ul: " maraming salamat sa iyo Bazuka,tunay ka ngang kaibigan"

Ginamit ni Bazuka ang kanyang kapangyarihan upang hanapin si Moha Hasanorin,nakita nila ito at nagtatago lang sa mahiwagang puno sa kaharian ng Masaksak.

Naglakbay siya at nakita niya ito.Tuwang-tuwa siya at sinabi ang problema kay Moha Hasanorin.

Moha Hasanorin : " ano ang kailangan mo sa akin Bungaw ulol-ul?"

Bungaw ulol-ul : " may kulang ba sa aming pamilya?"

Moha Hasanorin : "tama ka,ngunit may kailangan ka munang kalabanin bago mo siya Makita at ito ay nagtatago sa kapatagan ng Mosaka."

Bungaw ulol-ul: " tama nga ang hinila ko na may kulang sa aming pamilya at iyon ay ang aking anak na babae.Inampun ho ba siya ng dyosa ng mga kapatagan? At bakit ngayon ko lang napagtanto na may anak pala ako? Dapat ay dati ko na siya hinanap at bakit hindi niyo sinabi sa akin?"

Moha Hasanorin : "sapagkat napakamakapangyarihan ng dyosa ng mga kapatagan.Siya ang pinakamalakas sa lahat ng diyos at dyosa sa buong kalawakan.Ngayon ko lang sinabi sayo sapagkat kailangan mo ng sapat na enerhiya at kapangyarihan upang kalabanin siya.Mayroon ako ditong mga kagamitan upang magamit mo sa pagkalaban sa kanya"

Bungaw ulol-ul : " ganun ho ba? Maraming salamat po sa mga kagamitan,pupunta na rin ho ako sa kaharian ng mga kapatagan upang harapin at kalabanin ang Dyosa ng mga kapatagan."

Ginamit niya ang kanyang zakuskan na isang uri ng bangka at ginagamit din ito upang mapadali ang paglalayag.Di umabot ng ilang minuto at narating niya na ang kaharian ng kapatagan.

Hindi palang nakaka-apak sa kanilang kaharian ay may biglang sumugod na isang taong mala-gubat ang dating.Isang mabalahibong nilalang at nakakatakot ito.Napakarami nila ngunit natalo din ito ni Bungaw ulol-ul.

Nagulat si Bungaw ulol-ul ng may isang napakaganda at lumilipad na tao ang kanyang nakita.

Azurkina Lasyu : "mahal na hari,wag po kayong matakot ako si Azukina Lasyu,ipinadala po ako ng inyong asawa na si Orazon Amisha.Sinabi niya raw na mag-iingat ka dahil napaka-panganib na kalaban ang dyosa ng mga kapatagan"

Ngumiti lang si Bungaw ulol-ul at umalis na rin ang diwata.

Nilibot ni Bungaw ulol-ul ang kanyang tingin sa kaharian ng dyosa ng kapatagan.Puro buto ng naglalakihang nilalang ang kanyang nakita ngunit hindi pa rin natatakot si Bungaw ulol-ul na kalabanin siya dahil para iyon sa kanyang nawawalang anak na babae.

Nakarinig ng boses ang hari,tila humihingi ng tulong at umiiyak ito.At ito na ang kanyang nawawalang anak o kulang sa kanilang buhay at pamilya.

Sumigaw siya ng sumigaw at narinig ito ni Abyang Conzuka

"Sino ka?" sambit ni Abyang Conzuka

"ako si Bungaw ulol-ul at kukunin ko ang aking nawawalang anak."

Tumawa lang si Abyang Conzuka,at bigla niya itong binigyan ng isang malakas na hangin na nagpatumba kay Bungaw ulol-ul.

Bigla rin na binigyan ni Bungaw ulol-ul ng isang malakas na hampas si Abyang Conzuka ngunit hindi ito tinatablan sa sobrang kapal ng kanyang balat.Sinugod siya ni Abyang Conzuka at hinampas ito ng kanyang mahiwagang salamin,na dahilan upang mawalan ng paningin at hininga si Bungaw ulol-ul.

May isang diwatang dumating at sinabi niya kay Abyang Conzuka na itigil ang pakikipaglaban dahil kapatid niya ang kanyang kalaban.

Agad naman na napatigil si Abyang Conzuka dahil sa kanyang narinig.Lumapit siya kay Bungaw ulol-ul at niyakap ito.Tila pinagsisihan ang lahat ng nangyari.Pinakawalan na rin niya ang nawawalang anak na babae.

Umiyak ang anak ng hari at si Abyang Conzuka.Mabilis itong kumalat sa kaharian ng Arandelle at pinuntahan ng kanyang asawa si Bungaw ulol-ul kasama ang kanyang dalawa pang anak.

Pagdating sa kaharian ay umiyak silang lahat dahil sa nakita.

Sa bawat pagpatak ng luha ay nakikita ang kanilang pagdadalamhati sa namatay na si Bungaw ulol-ul. Binuhay muli ni Moha Hasanor si Bungaw ulol -ul dahil sa nakita niya ang pagmamahal ni Abyang Conzuka kay sa kanyang kapatid na si Bungaw ulol-ul.Pinakawalan na rin ni Abyang Conzuka ang nawawalang anak na nagngangalang Mazyu Ishikawa.Pinuntahan ni Mazyu Ishikawa ang kanyang nanay na si Orazon Amisha at nagpapakilala ito pati na rin sa kaniyang mga kapatid.

"Napakasarap at napakaganda ng aking panaginip" biglang nasambit ni Bungaw ulol-ul.Tuwang-tuwa silang lahat dahil nagising pa siya.

Nang nagising si Bungaw ulol-ul ay bumalik siya sa kanyang kaharian kasama ang kanyang kapatid na si Abyang Conzuka at ang kanyang nawawalang anak na si Mazyu Ishikawa.

Namuhay sila ng napakaganda at hindi na kailan man na nakaramdam ng kakulangan si Bungaw ulol-Ul.

The end

Created by: Meizan Adil Badrudin

Cotabato City State Polytechnic College Laboratory Highschool.

Follow me on Facebook:Meizan Badrudin

Space [Wattys2019]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon