"Bagay"
Mga bagay na hindi kayang balikan
Ay mga bagay na nais sana nating subukan
Ang mga bagay na hindi na kayang limutin
Ay ibabaon na lang sa buwanSana ay masaya ka sa ginagalawan mong mundo
Kahit ako ay, hindi na.
Ang makita ka lang na masaya ay sapat na
Ang pag-ibig ko sayo'y tila bato.Batong naka-alumpihit lamang sa hangin
Naghihintay na damhin
Ang lasap ng maragsang sakit
Dulot ng malamyang kahapon
At aking pinipilit
Na ibalik ang nakaraang tayo nakangiti
Mula sa kawalanNgunit.
Huwag kang mag-alala
Ako rin ay magiging masaya
Alay ko sayo ang grasya
Sa kulay ng ating buhagharing mala-pantasya.Masaya ako na masaya ka sa piling ng ibang mas nararapat
Ang litratong iyan
Ay bumulusok sa aking durog na puso
Ngunit hindi ko hahayaang
ako'y malugmok mula sa bangungot na ibinigay sa akin
Dulot ng 'paglipas ng panahon'
Ako pa rin ay tatayo
Para sa pansaraling kaligayahanAabutin ko ang langit ng mag-isa
Tutuparin ko ang aking mga pangarap na lumipad
Tadhana, kahit saan mo man gusto akong mapadpad
ibabaon na lamang sa buwan ang mga bagay na mahirap
---limutin at balikan.
BINABASA MO ANG
Space [Wattys2019]
PoetryFOR WHAT ITS WORTH : ITS NEVER TOO LATE TO BE WHOEVER YOU WANT TO BE ---- Ang librong ito ay naglalaman ng mga pinagtipon-tipung mga ideya at kaalaman tungkol sa milagrosong bagay na lantad sa aking paningin at mga na-aapuha sa mundong ginagalawan...