April 29.2019 (9:55 pm)
"Kandila"
Itong aking tula ay alay sayo, o aking sinta
Sabay kinabisa, inisip mulang pagkabata
Hanggang sa ika'y nawala, mapantuksong tadhana
Ang lahat sa mundo'y sadyang nag-iiba
Ang puso ng isang tao ay tila batingaw
Ang matalim na sugat mula sa rimarim ng kaibuturan nito'y umaalingawngaw
O, giliw ko, huwag kang gagalaw
Nariyan si kupido't naliligaw
Babahagya ko nang sa ising ihip ng hangin mahagkan
Ang isang yakap na makapigil-hiningang nag-uunahan
Ngunit ang persepsyon ko'y nasa tiwarik ng bulag na katotohanan
Luha ang dumapo ng napagtanto kong ako'y nanaginip lang
Kung sadya ngang ang pag-ibig ay maihahalintulad sa isang kastilyo
Kung sadya ngang ang pag-ibig minsan baluktot, minsan di-maiwasto
Kadalasan naman, itong si kupido ay sinusugpo ng pagkasiphayo
Bakit sa mundo, tayo'y pinatagpo?
Ngunit kung ikaw nga ay nakatadhana
Sana sa simula pa lang, nagkamabutihan na
At ngayo'y nag-iisa, sa isang sulok walang kasama
Pinipigilan ang tila karayom na tumutusok sa nadarama
Niyakap ko ang madilim na bangungot na sumulasok sa buong katauhan ko
Patuloy sa kakarampot ng nadurog na puso
Sa bawat pagtara ko ng mga numero sa kalendaryo
Bakit, ikaw pa rin ang naiisip ko?
BINABASA MO ANG
Space [Wattys2019]
PoesíaFOR WHAT ITS WORTH : ITS NEVER TOO LATE TO BE WHOEVER YOU WANT TO BE ---- Ang librong ito ay naglalaman ng mga pinagtipon-tipung mga ideya at kaalaman tungkol sa milagrosong bagay na lantad sa aking paningin at mga na-aapuha sa mundong ginagalawan...