Kaibigan ba?

4 0 0
                                    

"Kaibigan ba?"
Ni: Vesarious

Kamusta ka? Balita ko, sikat ka na ah.
Kamusta ka? Alam mo ba sa paningin ko— napakaganda mo?
Pero, pero bakit? Bakit ang simpleng pangangamusta ko lang ay hindi mo pansin?
Dahil ba ang ulam mo'y hamon at akin ay asin?
Ganoon ba ako sa paningin mo?
Kung anong ikinataas mo, siyang kinababa ko.
Nakatingala— sa'yo.
Ngunit hindi mo manlang kayang yumuko— kahit na lamang sa isang tulad ko.
Ano ang gagawin ko?
Para maibalik ang palakaibigang ngiti mo?
Magpapayaman na ba ako,
Para lang sa isang tingin mo?
Alam mo, napakababaw.
Sobrang babaw.
Minsa naitanong ko sa sarili ko, "Kaibigan mo ba talaga ako?" o "Kaibigan kita kahit hindi iyon ang turing mo?"

Unheard PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon