KA(I)BIGAN

6 0 0
                                    

KA(I)BIGAN

[Magic Poetry]

KAIBIGAN KITA, ka-ibigan kita.

SA LUNGKOT AT sa saya

SA PIGHATI, ikaw ay laging kasama.

HILING KO'Y WALA NANG MAKAKAPAGHIWALAY SA ATING DALAWA sapagkat ikaw ay itinadhana upang aking maging kapareha.

ORAS MAN AY LUMIPAS ngunit huwag sanang lilipas.

Ang ating pagkakaibigan— SABAY NATING IPAGLABAN SA PAPARATING NA BUKAS.

Sa bukas na bubuo sa ating samahan,

SA BUKAS NA NAKAKAALAM NG ATING KAPALARAN,

SA BUKAS NA BUNGA NG NAKARAAN, at sa bukas na magkakaroon ng kabuluhan.

HILING KO'Y HUWAG SANANG MAGBAGO, pagkakaibigan natin ay papahalagahan ko.

ATING PAGKAKA-IBIGAN AY BABAUNIN KO hanggang kamatayan, ako ay sa'yo.

SA HUKAY AY DADALHIN NG WALANG LUMBAY, sapagkat sarili ko sa iyo'y inalay

BUHAY KO MAN ANG NAKASALALAY, huwag kang mag-aalala at ako'y hindi magpapakatay ng buhay

KA-IBIGAN KITA, iyong pakatatandaan

Kaibigan kita, ILANG KAIBIGAN MAN ANG DUMAAN

Sa saya at pighati, AKO'Y ISANG TAWAG LANG

Ikaw ay aking pinahahalagahan KAHIT PA AKO'Y IYONG KAIBIGAN LANG.

Unheard PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon