Kabanata 5

452 26 0
                                    


Kabanata 5 Hindi Inaasahang Tagpo

Sabado ngayon at kasalukuyan akong namimili ng mga lulutuin namen sa bahay, alam ko kasing walang future sa pagluluto si Fran pero nagtatry siyang magluto dahil magiging ina din siya at kailangan niyang matuto ng magluto.

Nasa Meat Section ako na kasalukuyang pumipili ng karne na kukuhain ko hanggang sa nakapili na ako at kaagad ko itong kinuha at nilaay sa plastic. Masaya ang magluto lalo na kung may pagbibigyan ka ng niluto mo. Nalasahan ko ang niluto ni mama na with love at masasabi kong masarap nga kasi yung mahal niya ang pinaglulutuan niya ng pagkain.

Ako naman natural na masarap talaga ako magluto at hindi ko maipagaakila na mag galling ako sa loob ng kusina.

Hanggang sa naglalakad ako patungo sa vegetables section ay may nakita ako.

Si Marcus.

Kaagad akong lumiko ng daanan pero huli na nung napansin na niya ako. His walking towards to me at nakangiti pa siyang naglalakad patungo sa akin.

My ghwad..

Hindi ko alam ang gagawin..

" Hi .. Kenneth.." sabi niya at ako naman ay napangiti ng pilit at napakamot ng batok.

" bakit ka umiiwas sa akin ? affected ka bas a nangyari sa banyo ?" pagtatanong nito sa akin pero hindi ako kumibo sa halip ay muli kong itinuon ang pansin ko sa rutang dadaanan ko.

" aminin.. affected siya.." nakangising sabi nito at doon na ako mas lalong napamulahanan ng mukha.

Gosh ..

Hindi ko na alam ang gagawin..

" hindi ako affected it just that im busy sa mga Gawain sa school.." sagot ko sa kanya at nagtangka pa akong maglakad palayo ng hawakan niya ang cart na tinutulak ko.

" hindi ka affected ?then samahan mo ko mamalengke please ?.." pangaasar niya.

Naku..

Paano na tuh ?

Paninindigan ko ba ang sinabi ko ?

Kaagad kong niliko ang Cart ko sa kinaroroonan niya at tulad ng sinabi niya ay sinamahan ko siya sa pamimili. He even talk to me kung anong magandang kunin sa dalawang product na kinuha niya. nagluluto ba ito ? parang hindi siya sure sa pinamimili niya.

Tinuturo ko na lang ang mga products na familiar sa akin at yung iba na hinde familiar sa akin ay hindi ko pinipili.

Hanggang sa isinabay ko na din sa pamamalengke niya ang pagpili sa bibilhin ko. hindi ako makaalis sa taong ito at ayaw ko na talagang ma affected sa kanya kaya I try my best to hide my feelings towards him. I want to erase my affection to him para wala siyang masabi. Kahit bakla ako may kahihiyan din naman ako no ..

Discreet ako at lalaki ang pormahan ko kaya walang makakaalam na binabae pala ako pero nalaman nung crush ko na isa ako sa mga yon at yung dalawa niyang kasamang hudas. Na walang ginawa kundi ang mantrip sa loob ng school.

" salamat sinamahan mo ako sa pamamalengke.. gusto mo ilibre kita ?" pagaaya niya at sasagot na sana ako ng wag na pero hinila na niya ako papunta sa malapit na Fast Food Chain.

" dyan ka lang ha.. oorder lang ako.." sabi niya at kaagad siyang pumunta sa counter at pumila doon. Hindi ko ramdam ang mga nangyayari pero alam kong yung pagtatangi ko sa kanya bumabalik. Para bang nasayang yung pinaghirapan kong mga araw na tanggalin sa siya sa Crush List ko.

Umabot ng trenta minutes hanggang sa makabalik siya sa inuupuan namen may spaghetti at chicken siyang inorder para sa amin at isang chocolate sundae naman tigisa kame.

Kumain lang kame ng tahimik at doon ko napagmasdan pa lalo ang mga features niya. his amazingly handsome at hindi ko maipagaakila yon.

" alam mo sayang ka eh.. dapat naging lalaki ka nalang sayang yang katawan mo.." sabi niya sa akin.

" hindi ko naman ginusto itong nangyayari sa akin.. high school pa ako nun at marame akong affair sa mga babae pero nung lasy year ko na sa High school doon ko nadiskubre na hindi pala babae ang hanap ko kundi sarili kong kasarian.." siwalat ko sa kanya. His shocked sa part na nagkaroon ako ng affairs sa babae.

" so lalaki ka dati pero natuklasan mo lang last year ? how .." pagtatanong niya sa akin at ako naman napabuntong hininga.

" natuklasan ko ito nung makakita ako ng isang real couple na nagmamahalan .. parehas silang babae at masayang masaya sila .. ako nakatuklas na sila na pero tingin sa kanila magkaibigan lang.. nagtataka ako sa tuwing nanonood ako ng bold ay hindi manlang ako tinatamaan ng libog pag lalaki sa babae ang pinapanood ko.. hanggang sa naligaw ako at kung anung pinagpipipindot yan nakapanood ako ng isang beses non.. at doon ko na nalaman ang kasarian ko.." paliwanag ko sa kanya.

Tumango lang siya at kita sa mukha niya ang pangunawa.

" ah .. ganun pala yon ?" sabi niya at napakamot siya ng ulo.

" pero aksidente lang yung part na nakapindot ako ng kakaiba hanggang sa napunta sa kakaibang video.." pagpapaliwanag ko at sa oras na yon ay para bang nasa hot seat ako.

" hindi mo naman kailangan mag paliwanag .. na gets nga kita eh.. pero may tanong ako sa iyo .." seryoso niyang sambit sa akin at doon napunta ang atensyon ko.

" gumagawa ka ban g milagro sa kapwa mo lalaki ?" pagtatanong niya.

" actually , hinde pa at hindi ko pa na try.." sagot ko at kita sa kanya ang pagkashocked.

" weh .. lahat ng kilala ko hindi na virgin.. tapos ikaw ? hahahaha .." sagot niya na may tawa pa.

Nainis ako sa sinabi niya at doon ako napuno sa tawa niyang nanlalait.

" hindi lahat ng bakla ay kaagad na ibibigay ang virgibity nila.. meron paring nagpapahalaga sa sarili nila.." panunumbat ko sabay sikmura ko sa kanya. Umalis ako doon at hindi ko namalayan na umiiyak nap ala ako. I don't know what to say..

Bakit kasi nanging Crush pa kita ?

Hindi Mo Lang NapansinWhere stories live. Discover now