Kabanata 10 Selos
Si marcus ay kasalukuyang nakikipag landian sa bago niyang girl friend. Hindi ko alam kung anong ginagawa nila pero its really making me really mad. Hindi ko alam kung ano ba itong nararamdaman ko pero isa lang ang nararamdaman ko.
Galit ako..
Ewan ko kung saan ko hinuhugot tung galit ko at nadadamay ang emosyon ko.
" neth .. may pinagdadaanan ka ba ?" tanong ni Fran pero wala akong masabi dahil hindi ko alam ang isasagot ko. at wala akong balak na sagutin ang tanong niya. basta ang alam ko ay nakakaramdam ako ng galit sa tuwing nakikita ko ang dalawa na ang sweet sa isat isa.
Hindi ako naiiyak pero nakakaramdam ako ng galit.
Hindi ko mawari kung ano ba dapat ang iakto sa harapan nila kasi parate silang nag PPDA sa harapan ko na para bang sinasadya nila. I want to say something to them so they stop disturbing the hell out of me but if I do then marcus will know that im affected. Hanggat maaari ayaw kong magpakita ng kahit anong affection at baka iyon pa ang maging dahilan para asarin ako ni Marcus. Ayaw ko lang na pinapaasa ako kahit na bakla ako ay syempre nasasaktan padin kame pag mahal namen sa buhay ang involve pero sa kaso ni Marcus ?
Wala akong masabe.
Kumbaga wala akong sagot sa mga tanong ko sa utak ko.
Mga tanong na sa tutuusin ang daling sagutan pero hindi ko magawa, para bang sumalang ako sa hotseat tapos hindi na ako makatayo. Yung feeling na kalaban ko ang sarili ko sa isang laban ng na hindi ko magagawang mailabas ang tunay na nilalaman ng damdamin.
Natatakot ako..
Natatakot akong ma fall ...
Tapos walang sasalo sa akin..
Hanggang saisang hapon, habang naglalakad ako ay napatunghay ako sa daan at doon ko nakilala si Xander Pier . ka batch din namen siya pero hindi kame parhas ng college na pinapasukan at okay siyang kausapin he even ask my gender at nalaman niya.
Umpisa palang pala alam na niya kaya nga lang gusto niyang makasigurado kung totoo ang hinala niya. after ilang linggo nawala sa utak ko si Marcus panandalian at natuwa ako sa company ni Xander. Kasama ko si Xander at si Fran habang naglalakad.
Xander is always acting like a Gentleman in front of me and my bestfriend. Natutuwa ako dahil sa pagiging maalaga niya. at sobra akong napapangiti tuwing nagjojoke na siya sa tuwing kumakain na kame ni Fran.
Kasi naman parateng Wrong timing yung pag jojoke niya.
Kahit na ang corny na minsan ng joke niya ay napapatawa pa rin ako tapos si Fran din. Si fran naman mabilis lang yan mapatawa at ewan ko kung bakit. Basta hindi niya kayang pigilan ang tawa niya kaya siya yung mabilis na napapatawa kaagad ni Xander.
Dumaan ang araw at naging busy kame ulit ni Fran at si Xander naman ay napapadalas sa condo namen ni Fran. Xander knows about sa pagtira namen ni Fran sa iisang condo. At nakuwento ko sa kanya iyon kamakailan lang.
" saan ka nahihirapan diyan ? tulungan na kita .." pagaaya ni Xander na tulungan ako.
" dito sa chapter 2 na ginagawa ko ang Hirap kasi.." sabi ko at kaagad niya akong tinulungan at si Fran naman parang timang na naniningkit ang mga mata na nakatingin sa akin.
Inaasar niya ako kay xander at ako naman hindi nagpapaapekto no.
Hindi ko crush si Xander at sinabi ko na yon sa kanya, nung umpisa palang kaya alam niyang wala siyang pagasa. Pero pumayag ako na mging parte na siya ng pagkakaibigan namen.
Kinabukasan ay nangalahati na ako sa mga Gawain namen sa school at malapit na din kameng matapos sa paggawa ng mga thesis namen ni Fran, buti na lang tinutulungan kame ni Xander.
Hanggang sa hindi inaasahang napadako ang mga mata ko sa parateng pwesto namen ni Fran at Xander. Nakita ko doon si Marcus na kasama niya ang Girl Friend niya. napaka sweet nila, imblis na paalisin namen sila ay doon naman kames a parate nilang pwesto na tumambay.
Doon na nagumpisa si Xander na mangulit at sa ginagawa niya para na siyang tanga sa mga ginagawa niyang pagpapatawa.
Natatawa ako sa facial expression ng mukha niya kasi mukha talaga siyang ewan sa mukhang yon.
Hanggang sa humiga ako sa pwesto namen at tumabi sa akin si Xander. Humiga din siya sa tabi ko at hindi ko namalayan na hinihimas nap ala ni Xander ang ulo ko.
Hindi ko alam ang nangyari pero bigla ako nakaramdam ng kakaibang mangyayari hanggang sa si Marcus nga ay lumapit sa amin.
" tumayo kayo dyan sa pwesto namen.. dyan na kame.." sabi ni marcus at tulad ng sabi niya tumayo kame at naglakad papunta sa pwesto namen. Kita sa mata niyang sobra siyang galit, bakit ? anung nangyari sa kanya, diba kanina ang saya saya pa nilang dalawa na naglalandian kanina sa pwesto namen ?
Nabigla ako ng hawakan ni Marcus ang kamay ko at nangungusap ang mata niya sa mga nangyayari. Hindi ako makasagot dahil hindi ko alam ang sasabihin. At wala akong ganang kausapin siya.
Kita sa mata niya nag alit nag alit siya pero hindi niya magawang sabihin o ilabas. I know that side of him na masyadong maingat at kung kakayanin ay pipilitin niyang wag gumawa ng gulo, hindi tulad ng dalawa niyang kaibigan na gunggong. Gwapo nga pero parang bata naman ang utak.
Hindi ko mailabas ang gustong sabihin ng utak ko pero siguro ramdam na niya kung paano mabalewala.
YOU ARE READING
Hindi Mo Lang Napansin
Romance# 7 in boyxboy~~ ang storyang ito ay tungkol sa isang Highschool Graduate na dating Basag Ulong Tao na nalaman niyang isa pala siyang Gay sa hindi inaasahan. kaya nung nag college niya ay pinili niyang sa pilipinas mag aral kesa sa states dahil sa...