Kabanata 8

456 26 0
                                    


Kabanata 8 Respeto

Pasukan na at balibalita sa classroom na break na si Marcus at nung Grilfriend niyang si Stella. Misteryo daw kung bakit ang bilis naman ng relasyon nila mag tapos at hanggang ngayon ay nabuburyo na ako. Simula pa nung orientation ay yan na ang usap-usapan.

At sawa na ako satopic pero sila hindi sila maka Move On sa topic. Hindi ba uso ang Move On sa kanila. Anyway nagpasalamat sa akin si Fran kinabukasan nung pagkagising niya. hanggang sa school ay pinapasalamatan niya ako at ako naman at tango lang ng tango.

Minsan si Fran nakakairita pero hindi mababago ang pagkakaibigan ko sa kanya dahil napamahal na siya sa akin at para bang itinuturing ko na siyang kapatid. Sabi ko lang sa kanya na ituring na lang niya akong Big Bro niya pero Big Sis pala ...

Hanggang sa hindi ko na matiis yung pag ththank you niya kaya ang sabi ko ilibre mo na lang ako ng McFloat. Binilhan niya ako with fries pang kasama. Hindi ako nag expect na may kasamang fries yung ibibigay niya.

Nagumpisa ang 2nd Sem pero di tulad ng 1st sem ay mas magiging busy kame dahil sa marameng activities sa sem na ito at ang isa na doon ang foundation day ng school. Na kung saan inaabangan ng lahat ang lahat ng mga contestants sa Mr and Miss Demunian. Marameng studyante ang sumasali sa event pero isa lang ang talagang nananalo sa taunang patimpalak.

At sure ako na ako ang ilalaban ng section o si Marcus. Dahil kame lang dalawa ang may pinaka may itsura sa lahat ng lalaki dito sa classroom. Pero sa taong ito siguro hindi muna ako sasali dahil mas gusto ko na nakatuon ang atensyon ko sa pagaaral ko maliban na lang kung kinulit ako ng mga kaklase ko o mga teacher namen.

Lumipas ang mga araw at bawat PE namen ay todo bigay ako sa paglalaro kahit na bakla ako ay mahilig din naman ako sa basket ball at valleyball. Lahat ng sinasalihan ko ay nananalo pero tago pa din ang pagiging bakla ko. minsan nga ay nahuhuli akong maligo at pinapauna ko na silang maligo. Napapansin na yon ng mga kaklase ko pero wala akong sagot sa mga binibintang nila na totoo naman.

Sa tuwing naglalaro ako ay nararamdaman ko na nakikipagtagisan ng galling sa akin si Marcus pero binabalewala ko lang dahil wala siya sa pinagdaanan ko nung high School. Si papa mismo ang Coach ko sa pagbabasketball kaya alam kong lamang ako sa kanya pagdating sa skills na napapansin ni Coach. Nagtangka siyang isali ako sa team pero huminde ako dahil ang sabi ko ay Priority kopo ang Grades ko.

Tuwing Valleyball naman ay walang kaibigan sa pagitan namen ni Fran. Para kaming mortal na magkalaban sa Ring. Yun ang parate niyang sinasabi sa akin na pag valleyball na walang kaibi-kaibigan. At nananalo siya dahil sa galling niyang magi sip at mag counter sa bawat tira. Kumbaga siya ang Spiker at defender ng team nila at also Joker ng Team dahil madalas niya akong maloko sa mga fake Moves niya. at doon siya nakakalamang sa akin.

Coach invite Fran pero gaya ko huminde din siya dahil priority niya ang studies pero tulad ng mga coach na yon ay looking forward sila sa pagsali name sa kupunan nila. Pwede akong mag extra if they want pero hindi ako sasali sa team. Yun ang sabi ko sa kay Coach at naintindihan naman niya.

Ganun din si Fran sa coach niya. kumbaga on hold lang kame.

" nakakapaogd ang mga araw neth .. kahit tag ulan na hindi parin mawawala na pagpapawisan ka ng matindi after ng PE .." sabi ni Fran sa akin at ako naman ay tumango lang habang umiinom ng tubig. Hingal na hingal kasi ako at ang gusto ko lang gawin ang uminom ng tubig. Nasa kundisyon pa naman ang katawan ko kaya alam kong hindi kaagad ako hihingalin masyado it just that uhaw lang talaga ako. Nakalimutan ko kasing bumili ng Gatorade kaya sobrang uhaw ako.

" oo nga eh.. sa susunod nga Fran ipaalala mo sa akin na bumili ng Gatorade pag mag PPE tayo .." sabi ko sa kanya.

" copy.." sabi niya with salute.

Hinimas ko lang ang buhok niya dahil nakasanayan ko nang gawin yon sa kanya. Siguro kung nandito lang yung bunso kong kapatid nako alagang alaga yon sa akin. Mahilig pa naman ako sa mga bata.

Naglakad na ako hanggang sa makarating ako sa shower room. Pumasok ako doon at tulad ng kinasanayan ko ay sa dulo ako parate nakapwesto sa tuwing maliligo ako. Papasok na sana ako ng marinig ko ang paglagaslas ng tubig sa dulong banda ng shower.

Kaya sa isang Shower Room ako pumasok at sakto walang tao kaya naligo na ako. Binuksan ko ang Shower at kaagad na dumaloy sa katawan ko ang mga butil ng tubig na naaggagaling sa taas. Para bang ulan kung tutuusin pero hindi ko mapigilan ang pagiimagine ko na nasa isa akong daan at masayang naglalakad sa ilalim ng malalakas na pagdapo ng ulan sa kalupaan.

Hanggang sa nakarinig ako ng mga boses na papasok sa shower room kaya minadali ko ang pagligo ko para kaagad akong makaalis sa lugar. Kahit bakla ako may kahihiyan pa rin naman ako about sa mga ganong sekswal na tagpo.

Minadali ko ang pagligo hanggang sa lumabas ako ng shower room na nakatapis. Kita tuloy ng mga nagdadaanan yung abs ko na pinaghirapan kong gawin nung nasa High School ako. At hanggang ngayon nag pupush up parin ako para indi mawala ang abs ko. minsan nagluluto ako ng pagkain na pasado sa diet system ko kaya hindi kaagad-agad mawawala ang abs ko.

Habang palabas ako ng shower room ay nakita kong si Marcus pala ang naliligo sa dulo ng shower room. At ngayon kita ko ang napakaganda niyang katawan. His really handsome but hindi ko na siya crush.

Naglakad kaagad ako palabas papunta sa kwarto kung saan nakalagay ang mga damit kong pamalit.

Kaagad akong nagbihis at lumabas ng kwartong iyon. Bago pa man ako makalabas ay hinarangan na ako ng ka team ko sa basket ball.

" pree .. dito ka lang .. para ka namang hindi lalaki oh.." sabi nung kaklase ko na nangaalaska sa akin.

Tinitigan ko sila at pinatunog ko ang mga daliri ko sa kamay. Nakaramdam naman ng takot yung nagsalita kanina.

" hindi lang ako sanay na magbihis na may kasama.." sabi ko sa kanila at naintindihan naman nila.

" tama siya.. respetuhin nyo naman siya.. nirerespeto nga kayo niyan eh dapat kayo din.." sagot ni marcus mula sa likuran ko. hindi ko alam kung anung nakain ng mokong na ito kaya nagkaganyan. Kailan kaya niya natutunan ang salitang respeto.

" labas na ako.. pupuntahan ko na yung kaibigan ko.." sabi ko at kaagad akong naglakad palabas pero hindi pa ako nakakalabas ay hinawakan ni marcus ang kamay ko.

" simula ngayon nasayo na ang respeto ko.." sabi niya sabay ngiti sa akin. Yung ngiti niya ay kakaiba para sa akin. At ayaw ko mag overthink masyado dahil hindi ako umaasa.

Dahil, minsan ang mga ngiti ay nakakatakot hindi mo alam na may ibang kahulugan pala sa bawat ngiti na natatanggap mo bawat araw.

At natatakot ako sa ngiti niyang yon dahil tingin ko may ibig sabihin yon eh.

Hindi Mo Lang NapansinDonde viven las historias. Descúbrelo ahora