Kabanata 20 Pagwawakas
Kinakabahan ako sa aking paglalakad sa stage at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko pero ang sabi sa akin ng mga professor ko ay kailangan kong ngumiti lang at iwasan ang pagiging emosyonal habang umaakyat sa stage at kinukuha ang diploma na pinaghirapan kong makamtan.
Hindi sa pinipigilan ko pero kailangan kong gawin para maganda ang kuha sa akin sa mga litrato ni mama sa akin. Kita ko pa nga si Bunso na nakaupo sa gilid at kausap siya ng isang lalaki na pkapitbahay namen. Ewan ko pero nakakaramdam ako ng para bang kailangan kong magpaka kuya sa kapatid ko.
" Kenneth Neil Fouster .. Cumlaude.." sabi ng principal ng paaralan na kung saan ay emosyonal na rin ito dahil mawawalan ang school ng mga magagaling. Mula sa kanya ay nakitaan namen siya na nagenjoy siya sa taon na ito at dahil raw sa amin ay ang school ay nakahakot ng ibat ibang parangal at papuri mula sa ibat ibang school.
Kinuha ko ang diploma ko at kinamayan isa isa ang mga special guest na nakatayo sa stage. Sinabitan na din ako ng medalya mula sa pagiging MVP of the Year and also Good Leadership Medal. Hindi lang yun ang parangal na nakuha ko pati nadin sa academics. Bumaba ako at kaagad akong umupo sa designated nameng upuan at lumingon ako sa kinaroroonan nila papa at mama at kita sa mukha nila na proud sila sa achievement na nakuha ko sa pagaaral ko sa paaralan na ito.
Hindi ko ito makakamit at hindi hindi talaga kung wala ang suporta nila at syempre ang inspirasyon ko sa pagaaral. Si Marcus at sina Xander at Fran. Kung hindi dahil sa kanila ay wala ako sa kinalalagyan ko at kung hindi dahil sa kanila ay hindi ko ito makakamtan..
" Francia Novella Impreon ... Cumlaude.." umakyat si Fran sa stage at kita sa mukha niya na maiiyak na talaga siya. Ewan ko dito matapang kasing babae si Fran at kita naman yon sa Strong Personality niya. hindi nga lang mahahalata dahil sa minsan napakapabebe niyang gumalaw.
Hanggang sa ang tinawag na ang iba pang may awards hanggang sa may narinig ako na pamilyar na pangalan.
" Marcus Deil Dela Peña ... Magna Cumlaude.." sabi nung principal at nabigla ako sa kinauupuan ko. Magna Cumlaude pala siya pero hinde niya sinasabi sa akin. Kinuha niya ang mga parangal sa kanya at sobrang dame nito kumpara sa awards na nakuha ko.
" Please Proceed to say your Ending Speech.. Mr. Dela Peña .." sabi nung principal at humarap sa amin ang Magna Cumlaude.
" to all of you have a pleasant day to all,
Gusto ko lang sabihin ang mga gusto kong sabihin sa pamamagitan ng lengwaheng tagalog para malaman ng iba ang gusto kong ipakahulugan sa sasabihin ko mula sa kinatatayuan ko.
Hindi ko inaasahang makakamit ko ang araw na makakatapos ako ng walang nangyayaring maganda sa buhay ko pero nagiba yon nung napagdesisyunan kong pumasok dito sa paaralan na ito..
Itong paaralan na ito ang naging daan para makilala ko ang pinakamamahal ko at ngayon ay gulat siya dahil sa ako ang itinanghal na magna cumlaude..
Dahil sayo ay yung boring kong buhay ay naging makahulugan nung nakilala kita, hindi ka lang patunay na hindi lahat ng tao ay masaya parate at sinabi mo rin na lahat ng tao ay dumadanas ng kahirapan at kasarapan sa buhay pero nung nakilala kita yung part ng buhay ko ay nabigyan ng daan papunta sa kakaibang daan na kung saan-saan ko hinahanap at nagpapasalamat ako dahil kaagad kitang nahanap sa mundo na kung saan na may populasyong bilyong tao higit pa..
KAMU SEDANG MEMBACA
Hindi Mo Lang Napansin
Romansa# 7 in boyxboy~~ ang storyang ito ay tungkol sa isang Highschool Graduate na dating Basag Ulong Tao na nalaman niyang isa pala siyang Gay sa hindi inaasahan. kaya nung nag college niya ay pinili niyang sa pilipinas mag aral kesa sa states dahil sa...