Kabanata 11

409 23 0
                                    


Kabanata 11 Natuklasan

Habang naglalakad ako pauwe ay hindi mawala sa utak ko ang nangyari kaninang tanghali na dapat hindi na nangyari. Sobra akong natanga nung oras na yon e ultimo sasabihin ko hindi ko masabi. Para bang napipe ako ng dalawang oras na para bang hinahadlangan ng kung anu man ang bibig ko sa pagsasalita.

Hindi ko dapat pang isipin ang mga iyon. Dapat pigilan ang nararamdaman habang maaga pa dahil sa ako din ang aako sa sakit sa bandang huli.

Hindi ko kasama si Fran dahil nauna na siyang umuwi at ako naman ay pumunta muna ng Grocery para bumili ng lulutuin namen sa bahay. Panigurado gutom na si Fran at ayaw pa naman nun na nahuhuli sa meals niya.

Binilisan ko ang paglalakad hanggang sa may naaninag akong pamilyar na pigura sa malayo. Nakita ko ang kasalukuyang girl friend ni Marcus na may kalandian sa eskinita habang yung isa namang kaibigan ay busy sa paghimas sa legs ng babae.

Nandiri ako sa nakita ko at bakit siya pa ang napili ni Marcus eh sa marame namang disenteng babae diyan na pagpipilian niya ?

Siguro hindi alam ni marcus ang tungkol dito.

Kaagad akong nagmadaling umuwi at kaagad akong nagluto, hindi alintana ang natuklasan sa paglalakad.

" Neth .. para kang tulala .. may nangyari ba sa daan ? hindi kana virgin ?!! " nagpanic kaagad si Fran sa pinagsasabi niya. lumapit ako sa kanya at binatukan ko siya pero mahina lang.

" hindi no.. virgin pa ako .. it just that may gumugulo lang sa utak ko.." sabi ko sa kanya.

" ano naman yon ?" pagtatanong niya at para bang curious na siya.

" hindi ko masabi eh .. para bang hinaharangaan ng dila ko at pinipigilan ako ng hangin sa dibdib ko.." paliwanag ko sa kanya.

" kung ano manyan sana kaagad mong malutas ... umalat kasi yung timpla mo sa Sinigang eh.." nakangiting sabi ni Fran at tinikman ko nga yung luto. Maalat nga kaya dinagdagan ko ng tubig at ininit ulit then nilagyan ng sinigang mix na kaunti.

" yan maasim na ulit yan.. less maalat version na .." sabi ko sa kanya at tumikim ulit siya.

" yan ang sinasabi ko sayo eh .. ang sarap padin ng luto mo .. you're the gay..." puri sa akin ni Fran pero ako hindi ako makangiti.

" o siya .. para mawala yang pagsesenti mo mag Movie Marathon muna tayo at wag mo munag isipin yang iniisip mo.. isipin mo lang na nandito tayo sa kwarto para magsaya.." sabi ni Fran at kinuha ang mga DVD niya sa kwarto niya at sinet-up niya sa living room.

Kaagad niyang sinalang yung mga movies na nakakaiyak.

I don't know what to feel pero ang nararamdaman ko ay naiiyak ako sa babaeng bida at sa lalaki na karelasyon nito.

" I don't have Reason to be angry with God.." sabi ng babaeng bida at doon na niya sinabi sa lalaki na may sakit siya na tinatawag na Leukemia.

"bakit kasi kailangan pang magkasakit ni Jamie ?!! " naiiyak na sabi ni Fran na parang nilalamon na ng sistema ng palabas. Kahit ako din eh nilalamon na, nadadala ako sa eksena na napapaiyak na ako dahil sa nakikita kong effort ni Landon para lang mapasaya si Jamie. He even make a Big telescope para lang makita ni Jamie ang isang Celestial being sa Universe na ngayon Spring lang dumadaan

" sana neth.. makahanap ako ng boyfriend na tulad ni landon na kayang gawin ang lahat dahil sa mahal niya ako.. gusto ko magkaroon ng tulad niya sa buhay ko.." sabi ni Fran at ngayon kita sa mata niya na mugto na ito dahil sa sobra na siyang naiyak nung part na ikinasal si Landon at Jamie sa simbahan at mismong tatay ni Jamie ang nagkasal sa kanila.

Naiiyak na din ako, mararanasan ko din kayang ikasal ako ? pero malabong mangyari iyon dahil lalaki ako at kung iibig ako ng kapwa ko lalaki.

Panandaliang nawala yung issue at na natuklasan ko at hanggang sa hindi na namen namalayan ay nakatulog nap ala kame ni Fran.

Kinabukasan ay napagdesisyunan kong bahala na siyang makaalam ng tungkol sa ginagawa ng babae sa kanya. I don't want to be the black sheep sa pagsasama nila basta makikialam na ako pag masyado nang nawawala sa landas ang mga pangyayari.

Hindi ko hiniling sa sarili ko na magkaroon ng kahit atensyon sa akin si Marcus pero simula nung may nalaman ako tungkol sa Girl Friend niya ay hindi na ako mapakali na hindi sila pagmasdan na kung saan nahahalata na ako ni Fran at Xander.

" akala ko ban aka Move On kana sa pagkakaroon ng crush kay Marcus .." sabi ni Fran at tumango naman si Xander na para bang may dinadalang problema nung napapansin na nila ang mga galaw ko.

" basta .. hindi nyo ko maiintindihan .." sabi ko at muling tumingin sa may gawi nila.

Biglang lumukot ang mukha ni Xander na para bang nagseselos pero hinde ko iyon pinansin baka kasi concern lang siya sa akin. I even tell xander na parehas kameng dalawa ni Fran na Virgin. Mga walang muang sa mundo ng kamunduhan.

Maaring maihanay ako sa mga ganon pero hindi na virgin ang utak ko dahil sa dame na rin ng napanood ko subalit tulad nga ng sinasabi ko ay wala akong karanasan.

Nung nalaman ni xander yon ay para bang parate na siyang dikit ng dikit sa akin. At doon ako kinutuban nab aka nagkakagusto na ito sa akin kaya habang maaga pa sinasabi ko na sa kanya na wala siyang pag asa sa akin kaya alam kong naiintindihan naman niya ako. I know that since 5 days before I tell him our secret. Even marcus know that im still virgin pati na din si Fran alam ni Marcus na virgin ito.

Hindi sa ayaw kong maging ganito siguro nakatadhana na akong ipunta sa landas na ganito. Sumapit na ang kalagitnaan ng sem at usapusapan na ang papalapit na event ng School. Ang foundation day ng school.

At bukod sa foundation day ay usap usapan din kung sino sino ang magiging contestants sa prestihiyosong pageant. At nakakaramdam na ako sa mga teachers ko at lahat sila nakatingin sa gawi ko kung iyon ang topic.

At sana sa mga araw na iyo ay gabayan nyo sana ang pagkadalaga ko na wag mawala. Hindi pa ako handa sa ganoong bagay.

Hindi Mo Lang NapansinWhere stories live. Discover now