Kabanata 6 Paglayo
Sumapit ang lunes at sinubukan kong hindi mabagabag sa sinabi ni Crush sa akin. Oo ngat bakla ako pero hindi ako ganon na tulad nila na masyadong ata sa laman. Hindi ako ganong klaseng tao at hindi ko ipagwawalang bahala ang moralidad ko.
Hindi ako Cheap na tao na ilebel sa ganung tao. Pero kahit na hindi na virgin ay dapat paring igalang dahil sila yung mga taong nakakaranas ng confused stages pero sa kaso ko tinanggap ko na lang kaagad at hindi sumubok ng ganung bagay para malaman kung ano ang sekswalidad ko. hindi sa masyado kong nilalait ang mga tulad ko pero tulad din nila ako na napunta sa Confuse stage pero sa kaso ko hindi na ako nagalinlangan at hindi na ako nag overthink.
" Neth .. napakatahimik mo naman.." sabi ni Fran at doon ko siya tinitigan.
" wala lang toh.." sabi ko sa kanya at kaagad kong binuksan ang Cellphone ko at pnatugtog ang kanta ni Lady Gaga na Born This Way. Relate na relate ako sa kanta at marame kameng mga bakla na umiidolo kay Lady Gaga dahil sa kanyang Art of Expression.
" sigurado ka ah.. llinggo pa nung nagkakaganyan ka na eh.." paliwanag ni Fran at tumango lang ako.
Kasi nga binabagabag ako sa mga sinabi ni Crush este Ex Crush basta..
Ang gulo ko..
" kung ano mang bumabagabag sayo ... naku itigil mo nay an.. just focus na lang sa studies dahil malapit na ang finals.." sabi ni Fran at kaaagad pumasok sa utak ko ang mga exam at mga points of review na binugay ng teachers sa amin.
Habang maaga palang ay pinagrereview na kame at nagpapasalamat ako dahil may reviewer silang binigay.
" Okay fran.." kailangan ko palang mag review para dun sa subject na yon at kaagad na pumasok sa utak ko yung nakakabuisit na subject..
Pagkapasok namen ng classroom ay nakita ko yung tatlong ulupong na nakaupo sa kanilang pwesto at kami naman ni Fran ay tahimik na umupo sa upuan namen. Ayaw ko gumawa ng away namen hanggat maari at ayaw kong kami ni Fran ang magsimula dahil ayaw namen ni Fran ng Record sa school.
Nakinig ako sa lecture ng teacher sa harap at nakakasagot naman ako pag sa akin napukol ang atensyon ng teacher namen. Madalas akong tawagin ng teacher ko at nakakapansin na ako sa motibo nitong matandang ito. Pinapahirapan niya ang mga tanong na pinapasagutan sa akin.
" sir .. yung mga tanong mo para pong napaka advance.." pahayag ko sa guro pero nainis ito sa sinabi ko.
" hindi ka lang kasi nakikinig.." sabi ng teacher sa amin.
" no.. nakikinig ako.. kumpleto ako ng notes at handouts sa subject nyo gusto mo nang katibayan ?" sagot ko sa kanya at kita sa mukha niya ang pagkashocked.
" sinusubukan lang kita kung alam mo yung mg pinapasagutan ko sayo.. nakakaimpress dahil alam mo ang sagot.." sabi ng teacher na para bang na impress pero ako hindi niya ako maloloko.
Lumapit ako sa tenga ni sir at binulungan ko siya.
" Sir .. hindi po tayo talo at alam kong gaya mo lalaki din ang hanap ko.. kaya inuulit ko hindi po tayo talo.." sabi ko sa kanya at ngumiti ako sa kanya at siya naman na shocked sa sinabi ko.
Kaagad niya akong pinaupo at kita sa expresyon na hindi siya kumbinsido.
Pero kinindatan ko siya na siyang nagpatense sa kinaroroonan niya. pagkatapos ng klase ay kaagad siyang naglakad palabas ng classroom at hindi ako tinapunan ng tingin siguro nahiya sa akin dahil bakla pala ang sinusubukan niya.
Pagkatapos ng klase ay kaagad akong tumayo at hinatak si Fran para mmakaalis sa kwartong iyon. Nandoon pa kasi yung Crush ko na nilelebel ako sa mga taong may karanasan na.
" Hey .. Neth para kang tense na tense.. anung nangyayari sayo ?" tanong ni Fran sa akin at wala akong naisagot.
" si Crush nanaman bay an ? sabi ko sayo mag Move On kana.. paaasahin kalang nun .." sabi niya at ako naman para bang walang narinig. Kasi naman ilang beses na niya sinabi sa akin yung ganung kataga ? para ngang araw araw eh.
" hindi kadaling mawawala yun .. gusto kong masaktan, pag nakita ko siyang may iba edi doon ako talagang mag momove on.." sabi ko sa kanya with dedication. Basta tiwala ako na pag nasaktan ako ay madadala ang puso ko at yun dadating ang move on process.
" ang shunga nito.. gusto mo pang masaktan ? bahala ka nga diyan .." natatawang sabi ni Fran at nauna na siya papunta sa Library.
Ako naman binagalan ko ang paglalakad..
Kailangan bang masaktan muna bago mag move on ? or piloting mag move on para hindi masakit..
May point si Fran sa sinabi niya at alam niya ang makakabuti dahil siya kasi may experienced na about dun kaya hindi maitataggi na may point siya.
Sa puntong ito pipilitin ko na talagang mag Move On.
Kaagad kong binilisan ang paglalakaad ko hanggang sa makarating ako ng library..
Hindi ko maitatanggi na malalim ang pakakacrush ko sa lalaking iyo at ayaw ko nang madagdagan ang mga encounter namen..
Tama na ang nangyari sa Supermarket at sana hindi na madugtungan yon. Ilang araw na lang ang pagrereview at kailangan ko nang paghusayan ang pagaaral dahil malapit na matapos ang sem at mag eenroll kame ng sabay ni Fran.
Hindi ko namalayan na Exam na pala at masasabi kong napaghandaan ko ang exam dahil todo review kame ni Fran. Pero tulad ng inaasahan ay may mga tanong na hindi kame familiar dahil iniba ang pagkakatanong kaya na confuse ako pero konting pagaanalyze ay makukuha mo na ang sagot.
Matiwasay na natapos ang unang araw ng exam at dahil doon ay maaga kameng umuwi ni Fran at nagluto ako ng masarap dahil gusto namen mag bunyi dahil nalampasan namen ang exam nung masungit na teacher at yung eacher na kursunada ako. Yung teacher na yon hindi na niya ako pinapansin dahil nakausap niya mismo si Fran na walang namamagitan sa amin dahil nga sa discreet akong gay at nauunawaan naman niya ako.
He even salute to me dahil sa nagaaral ako ng mabuti at hindi pabaya sa grades. At natuuwa naman ako sa kinalabasan ng paguusap namen pero madalas niya parin akong tawagin dahil gusto niyang ma test kung gaano na kataas ng IQ ko.
He always congratulating me because of my performance sa klase niya pati na din si Fran dahil tulad ko kame ang top sa klase niya ganun din sa ibang klase pero sa ibang subject may nakakaangat sa amin.
Hindi sa lahat ay kame ang nakakataas dahil ibat iba ang antas ng karunungan ng bawat tao. Merong iba na nageexcel sa math at yung iba naman sa ibang subject, pero natutuwa ako dahil kahit paano nag eexcel kames a bawat klase at nakakasunod kame..
Sumapit ang umaga at halos hindi ko namalayan ang mga araw na hindi na hinahanap ng paningin ko si Crush este Ex Crush.
At masaya ako dahil sa may improvement ang ginagawa ko,
Tulad kahapon ay kinaharap namen ang exam pero sa exam ngayon ay mahirap ang mga tanong dahil masyadong malalalim ang mga tanong dito at kailangan ng matinding pangunawa sa bawat tanong, kahit papaano nakayanan ng braincells at kaagad kameng nag celebrate ng kaibigan ko dahil sa achievement..
Kumain kame sa labas at nag saya kame dahil sa natapos na namen ang exam ng matiwasay.
At sana tulad ng paglipas ng araw ay siyang mabilis na makahanap ng bagong attraction ko.
I mean new Crush ..
YOU ARE READING
Hindi Mo Lang Napansin
Romance# 7 in boyxboy~~ ang storyang ito ay tungkol sa isang Highschool Graduate na dating Basag Ulong Tao na nalaman niyang isa pala siyang Gay sa hindi inaasahan. kaya nung nag college niya ay pinili niyang sa pilipinas mag aral kesa sa states dahil sa...