"Ali!"
Bungad sakin ni Brent na ang lapad ng ngiti.
"Problema mo?"
Walang ganang sagot ko sa kanya at saka umupo sa swivel chair.
Kakapasok ko pa lamang sa opisina ay mukhang chismis nanaman ang ibubungad sakin ng damuhong 'to.
"Ali! Ali!"
Muling tawag nito sakin na parang naeexcite. Unti-unti na akong naiinis dahil sa sobrang kakulitan niya.
"Ano?!" Medyo pasinghal na tanong ko.
"Ito namang si Alison.. Aga-aga ang sungit mo sakin.."
Pakunwaring nagtatampo pa ng mokong at talagang nag-pout pa!"Ano ba kasi yon?"
Walang ganang tanong ko habang tinuturn-on 'yung PC. Halos one week rin akong naka-leave kaya't paniguradong tinambakan ako ng trabaho."Kasi Ali! May bagong hired diyan sa HR department. Crush ko!! Ang ganda niya! Tapos friends na kami wahhh"
Kung hindi lang naka corporate attire 'tong si Brent iisipin kong call boy siya sa kanto. Paano naman kasi lahat nalang ata ng babae dito crush niya. Maski nga ako ay niligawan niya noon pero di siya umubra.
"O tapos?"
Walang ganang tugon ko habang sineset-up 'yung PC. Nag-open ako ng maraming tabs. Kung tutuusin bitin pa itong dual monitor ko sa mga trabahong itinambak sa akin."Kasi di ba may bagong hired.. Ang name niya Carly.. Tapos Ali!! Wahhh"
Napailing nalang ako dahil sa kabaliwan ng lalakeng 'to. Hindi bagay sa laki ng katawan niya ang kiligin. Nagmumukha siyang macho dancer sa bar.
"Tapos Ali! Ayun na nga. Dito kasi siya nakapwesto sa bandang likuran mo"
Sa dulo kasi ako nakapwesto at saka transparent 'yung glass kaya kitang-kita kung gaano kataas itong building. Nasa 32nd floor kami. Ako 'yung nasa pinaka dulo dito sa finance department tapos 'yung nasa likuran ko naman HR department na.
"Tapos Ali! E di ba nasa likuran lang natin siya. Edi tinabihan ko siya saglit. Kaso nagtataka siya ayaw gumana ng keyboard niya. Kaya sabi ko, sakanya nalang keyboard ko para type na rin niya ako. Tapos tumawa siya wahhhh! Ali!! 'Yung puso koooo"
Inuga-uga pa ni Brent 'yung upuan ko kaya sinapak ko siya ng mahina sa may braso. Kahilo kaya. Bwisit talaga 'tong si Brent napaka gaslaw.
Maya-maya pa'y biglang nagseryoso si Brent at saka humarap sa monitor.Abnormal talaga 'tong lalakeng 'to. Napailing nalang ako sa mga kalokohan niya hanggang sa may naramdaman akong ingay sa likod ko kaya napalingon ako.
Isang babaeng nakatalikod na nag-aayos ng table tapos tinurn-on na rin niya 'yung PC niya. Ito na siguro 'yung tinutukoy niyang crush niya. Kaso hindi ko makita 'yung mukha.
Muli akong humarap sa PC ko at saka nagsimulang magtrabaho. Habang nagt-type ako ng sales report naramdaman kong sinipa ni Brent 'yung upuan ko kaya napatingin ako sa kanya.
Halos matawa naman ako dahil nagpipigil pala siya ng kilig pagkatapos ay sumesenyas at itinuturo 'yung babae sa likuran ko. Inopen ko 'yung gmail account ko para mag-chat kay Brent.
"Siya ba crush mo? Gusto mo atrasan ko?"
Bigla naman akong tinignan ni Brent ng masama pagkatapos ay nagtype na rin.
"Nako Ali! Selos ka lang eh. Ikaw kasi binasted mo ako"
Napakunot ako ng noo sa nabasa ko pagkatapos ay binatukan siya. Minsan magdadala talaga ako ng screw para sikipan 'yung lumuluwag na turnilyo niya sa utak.
BINABASA MO ANG
My Sweet Psychologist - GxG
RomanceIsang misteryosang babae ang aking nakilala matapos kong mag-leave ng isang linggo mula sa trabaho. Sa unang tingin, inakala kong ito ay si.. ngunit hindi. Imposible..