Chapter 2

4K 143 2
                                    

"Ano'ng fullname ni Carly?!"

Kasalukuyan akong nasa bahay ngayon at nagb-browse sa facebook ng maisip kong ichat si Brent para ma-add si Carly.
"Ano muna 'yung pinag-uusap niyo? Kanina pa kayo nagkkwetuhan e pero ayaw mong ishare sa akin! Pinag-uusapan niyo ako no? Aminin mo na Ali. Crush niya rin ba ako?"

Napairap nalang ako sa aking isip dahil sa mga pinagsasabi ni Brent. Sa totoo lang kanina ko pa sinesearch si Carly kaso hindi ko mahagilap 'yung surname niya.

"Dalian mo na Brent!"
Muling reply ko sa kanya. Agad naman nitong sinend 'yung pangalan.

"Carly Ann Adalin"

Hindi na ako nagpasalamat kay Brent at agad hinanap 'yung FB account ni Carly. Nagulat pa ako dahil mutual friend na agad namin ni Carly si Brent. Stalker talaga 'yung mokong na 'yun.

In-add ko na agad si Carly pagkatapos ay inistalk 'yung account niya.

Halos lumundag ang puso ko ng makita 'yung video post niyang naka-public. Kumakanta siya habang nagp-piano.

Sheeeet! She's into music as well!! Mukhang mas magkakasundo kami. 
__
Sa ikalawang pagpasok ko sa opisina ay masaya akong nag-set up ng PC. Bakit Ako masaya? Dahil naka-leave si Brent! Walang mangungulit sakin buong araw!

Habang inaayos ko 'yung spreadsheet ko ay bigla akong tinawag ni Carly.

"Dito ka na! Tabi tayo" Nakangiting wika niya na parang excited. Actually mukhang alam ko na kung saan siya excited. Kahapon kasi wala siyang ibang bukang bibig ang asarin ako kay Gelo dahil bagay daw kami ng pinsan niya. Paulit ulit niyang sinasabi 'yun pero 'yung utak ko paulit ulit ring sinasabi na "Mas bagay tayo".

Tinurn-off kong muli 'yung PC at saka tumabi sa kanya. Mabuti nalang at wala ang mga department heads kaya mangangapit bahay muna ako.

"Kamusta? Gusto mo lakad na kita kay Gelo? Ayieeee"

Hay nako ito nanaman siya. Talagang pinupush niya 'yung pinsan niya sa akin. Ako naman sinasakyan lang siya sa trip niya dahil ayun lang rin 'yung nagiging dahilan para makapag-usap kami.

Habang sineset-up kong muli 'yung PC ko ay dumating naman bigla si James. Naalala ko may pinapa-paint ako sa kanya para idisplay sa kwarto ko.

"James!" Tawag ko sa kanya. "Tapos mo na?" Tinutukoy ko 'yung painting kung natapos na niya. Naeexcite na kasi akong makita.

"Malapit na 'yun chill ka lang" Sagot naman niya pagkatapos ay nagset-up na rin ng PC niya.

"Alam mo James pangarap kong maging left handed gaya mo. Mostly kasi kayong lefties mga artist e. Kasi di ba 'yung ano sa brain niyo nasa right side. While kaming right handed nasa left side"

"Pero ang alam ko na-debunked na 'yung Myth na 'yun"

Agad naman akong napalingon kay Carly na katabi ko. Medyo nakadungaw rin pala siya sa akin kaya ito nanaman malapit nanaman 'yung mukha namin ng ilang sentimetro. Medyo dumistansiya ako kasi parang bigla akong namawis? Ginawin akong tao at sobrang lamig dito sa opisina pero nagtataka ako na parang nagpapawis bigla 'yung noo at kili-kili ko.

"Dati kasi kapag right handed ka ibig sabihin 'yung left hemisphere ng brain mo 'yung dominant  na in charge naman sa pagiging logical, analytic at mathematical ng isang tao. Contrarily, 'yung right hemisphere naman ay sa emotional and pagiging creative. But.. debunked na siya kasi nagkaroon ng pag-aaral. Buong brain talaga 'yung nagf-function at walang mas dominant. Some functions 'maybe' specialized in a particular celebral hemisphere pero ang totoo ginagamit talaga natin si right and left hemisphere equally."

Namangha ako sa bagong kaalaman na nalaman ko. Pero hindi ko maitatanggi na mas namangha ako sa pagkaka explain niya. Parang may idea na ako sa kursong kinuha niya. Base sa kilos niya at approach niya. 'yung pagiging friendly at positive niya.

"Wait. Ano'ng course mo?"

Ngumiti siya bago nagsalita.

"Psychology"

Napahampas ako bigla sa table dahil tama nga ang iniisip ko. Sabi na eh!

"Sabi ko na nga ba!" Medyo may kalakasang sigaw ko pagkatapos ay yumuko dahil baka pagalitan ako sa kaingayan ko. Bigla naman siyang umiling habang tumatawa.

Grabe talaga.. 'yung tawa niya parang ang sarap irecord at i-save sa playlist ko. Nakaka-goodvibes 'yung smile niya. Nakakahawa 'yung pagiging masayahin niya. Ang gaan niyang kausap at parang hindi mo siya makikitaan na magsalita ng masama laban sa ibang tao.

__







___
Awieeee!! <3 Please like this chapter <3

My Sweet Psychologist - GxG Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon