Habang papasok ako sa elevator ay nagugulo 'yung isip ko. 24hours nang nakalipas pero di pa rin inaaccept ni Carly ang friend request ko. Iba kasi 'yung name ko dun kaya baka hindi niya ako nakilala at baka rin dinelete nalang niya 'yung FR ko. Ayoko naman siyang i-add ulit dahil baka isipin niyang persistent ako. Hays.
"Sabi ko na nga ba tibo ka e"
Nagulat naman ako sa nagsalita kaya napalingon ako. Nasa loob rin pala ng elevator si James.
"Baliw! Ang aga mo namang mang-buwisit" medyo pabirong sagot ko.
"Sus. Kaya pala nakikipag-ibigan ay este kaibigan ka na dun sa taga HR dept."
Bigla kong narealize na.. Oo nga no? Sa totoo lang medyo may war kasing namamagitan between HR Dept. at sa aming Finance dept. Kaya walang nagpapansinan sa amin kahit magkatalikuran lang kami.
"Saka Ali, di ka naman dating madaldal pero kapag kausap ka ni Carly naa-unleashed niya 'yung pagiging makulit at masayahin mo. Tapos kapag magkausap kayo para kayong.."
Ano ba 'tong si James pabitin pa.
"Parang Ano?""Parang may sariling mundo" sagot nito. "Kagaya kahapon. Kausap mo ako abt. sa Painting pero sumingit siya nagkaron na agad kayo ng mundo. Sa pagkakaalam ko kasi naiinis ka kapag may sumisingit na tao tapos di naman sila yung kausap mo. Bakit si Carly hindi mo binara gaya ng ginagawa mo sa ibang tao na 'hindi ko hinihingi ang opinyon mo'. "
Napaisip ako bigla sa nasabi ni James. Ganun ba talaga ang nangyayari kapag magkausap kami? Para kasi sa akin parang normal lang naman 'yung tawanan namin. Baka hindi lang sila sanay na madaldal ako.
"Basta! Hindi ako Tibo. Saka straight si Carly no!" Muling sambit ko naman kay James habang pilit binubura 'yung kakaibang obserbasyon niya sa akin nitong mga nakaraang araw.
"So.. Siya lang 'yung straight?" Muling tanong ni James. Sakto namang bumukas 'yung elevator kaya naman nauna na akong lumabas pero bago tuluyang lumayo ay nilingon ko si James.
"Straight Ako."
__
Hindi na ako tumabi kay Carly unlike kahapon. Hindi ko rin siya gaanong kinakausap para makapag-focus naman siya sa ginagawa niya.
Tumayo ako at pumunta sa may water dispenser para kumuha as usual ng tubig. Pero ang totoo ginawa ko lang 'yun para masulyapan saglit si Carly na seryosong nakatingin sa monitor.
Shit. Ang ganda.
Kung pwede lang sana na titigan ko siya buong araw ay gagawin ko kaso ayoko namang maging akward sa kanya 'yung mga inaakto ko.
Bumalik na ako sa station ko at wala kaming imikan hanggang sa biglang may nagpatugtog ng rock song. Medyo nawindang pa ako dahil baka mamaya mainis si Carly sa ingay nung kanta. Ignorance by Paramore kasi 'yung nagp-play. Pero imbis na madistract ay laking gulat ko ng sabayan niya ito. Shocks!!
"Fan ka rin ng Paramore?!!"
Biglang sambit ko at inikot ko pa talaga 'yung swivel chair ko. Hindi magpagsidlan 'yung saya ko nang malaman na mahilig rin pala siyang makinig ng rock songs."Hmm medyo? Favorite kasi 'yan ipakanta ng mga kabanda ko"
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.
Shiiiiiitttttt! Hindi lang siya mahilig sa music at magaling sa pagkanta. Nagb-banda rin! Wahhhh shockssss! Nahawa na ako kay Brent.
"Pero alam mo Ali, hindi dapat natin sila ini-idolo tapos tayo 'yung Fan? Maadapt kasi natin 'yung ugali o lifestyle nung idol natin. So ang mangyayari, hindi na natin alam kung ano 'yung totoong tayo kasi masyado nang nag iba 'yung pananaw natin dahil naka-depende tayo sa idols natin. Na dapat ganito rin tayo gaya ng idol natin. Ang nangyayari kasi.. Nawawalan tayo ng sariling identity. Nagiging shadow nalang tayo. Kumbaga 'ah si Alison ba? 'yung mahilig sa paramore?' .. "
"Idolatry is a sin" biglang naibulalas ko.
"Yep! Book of Exodus. Chapter 20, verses 3 to 5"
Fck. That makes me think..
"Are you a Christian?"
Ngumiti siya na parang namamangha.
"Galing ah! Pano mo nalaman?""Born again?" Muling tanong ko.
"Oo! Hala ang galing. Pano mo nahulaan?"
"Secret" medyo natatawang sagot ko pagkatapos ay bumalik na sa pagt-trabaho.
"E Ikaw?"
"Catholic"
Tumango-tango naman si Carly sa sinagot ko pagkatapos ay muling nagsalita.
"Alam mo ba 'yung LGBTQ? Hindi naman ako against sa kanila saka di ba sabi it's either nature or nurture. Kung pagka-panganak ay ganun na sila talaga or naimpluwensyahan lang. Para sa akin.. Hindi lang sila nagabayan ng tama. I mean, kapag kung ano kasi 'yung madalas nilang makita 'yun yung naaadapt nila. Halimbawa. 'Yung gays. Nakatatak na sa isip nila na para sa lalake sila at akward kung magkakagusto sila sa babae. Pero kung may tatanggap sa kanilang babae na magmamahal talaga sakanila? Tingin ko babalik sila sa dati. Sa totoo lang may mga lalake talagang dominant lang 'yung feminine side kaso dahil nga mapanghusga 'yung society, pinapag pair na 'yung bakla sa lalake. Saka di ba? Sa bible.. 'yung genitals ng lalake ay pinares sa genitals ng babae. So kung pareho kayong babae di ba mali na 'yun?"
Sa mga ganitong diskusyon ay hindi talaga ako nagpapatalo lalo pa kung usapang LGBT. Pero sa pagkakataong ito ay napatango nalang ako sa kanya. Siguradong itatakwil ako ng mga kaibigan kong bisexual nito pero ano'ng magagawa ko? Opinyon niya 'yun.
"Actually, it's LGBTQIAPD.. " tanging nasabi ko nalang.
"Talaga? Naku. Sigurado mas hahaba pa 'yan! Ano naman 'yung IAPD sa LGBTQ+?"
"Intesex, Asexual, Pansexual, Demisexual" Actually madami pa. 'Yan lang 'yung kabisado ko.
"Naku. Kung ako magkaka Bf na gay? Tatanggapin ko siya kaso naisip ko 'yung magiging anak namin ang mags-suffer. Kasi makikita niya hanggang paglaki niya 'yung tatay niya malambot. So magagaya niya rin yun. Magugulo 'yung isip niya. Basta ang gulo. Simple lang naman 'yung buhay ewan ko bakit naging kumplikado"
Hindi na ako nakasagot sa mga sinabi niya. Sa kabilang banda ay may punto rin siya. Pero bakit ganun? Iniimagine ko palang siyang pormahan parang binasted niya na agad ako? Naamoy ba niya agad ako? Kaya siya nag-open bigla ng topic regarding LGBT? Na hindi niya gusto ang same sex relationship dahil sagrado itong ipinagbabawal? And yes aaminin ko. I'm a bisexual.
__
__
AWIEEEEEEEEEE HAHA! Like niyo 'to mga oy! Hahahaha thank youuu
BINABASA MO ANG
My Sweet Psychologist - GxG
RomanceIsang misteryosang babae ang aking nakilala matapos kong mag-leave ng isang linggo mula sa trabaho. Sa unang tingin, inakala kong ito ay si.. ngunit hindi. Imposible..