Chapter 6

3.2K 120 2
                                    

*Phoebe changed sa chat color*

*Jinalyn mentioned you in the conversation*

*Anna changed the group name to 'Di kami Gwapo, Pogi lang'*

Ano nanaman kaya itong pinag-gagagawa ng mga kaibigan ko sa group chat?

Pagkaopen ko ng messenger ay labas ng labas sa notification ko 'yung mga recent activities at laking gulat ko dahil lahat pala sila ay minemention ako.

"Aliiiii Bebs notice the Pogiiiiies!!"

"Aliiiiii! Kwentooooo!!"

"Alison wag mo kaming i-seen!! Napapaligiran ka na namin!!"

"Ano'ng meron?" Reply ko.

"ALIIII SINO SI CARLYYY KYAHHHH!!"

Si Phoebe 'yun. Isa sa mga bestfriend ko.

"Oo nga Aliiiii! Patingin ng pictureeeee!!"

Si Anna naman ang nagsabi nun. Actually apat kaming magkakaibigan. At kagaya ko, bisexual din sila.

"BEBS! Ano na?! Seen-seen nalang?"

Pasimuno talaga 'to palagi si Jinalyn. Patay sakin 'to kapag nakita ko.

"So, Sino nga si Carly?!!"

Muling message ni Phoebe.

"Guys. Wag ako. Alam kong nakwento na ni Jin lahat 😑"

"HAHAHAHAHA! 🙈🙈🙈 labyu Bebs"

"PICTURE KASIIIII!!"

"Onga Onga!! Pictureeeeeee!"

Wala naman sigurong masama kung magsesend ako di ba?

Agad kong sinearch 'yung FB ni Carly. Actually bigla akong na-excite dahil magkikita kami mamaya sa Moa. Ano ba 'yan. Kinikilig nanaman ako. Argh.

Kinclick ko 'yung profile picture ni Carly sa Facebook pagkatapos ay sinave.

Hayyy. Ang genuine ng smile niya sa picture na 'to. Ang swerte talaga ng taong mamahalin niya.

Habang tinititigan ko 'yung picture ay nagp-pop out sa taas ng notification ko 'yung messages nung tatlong itlog. Lahat sila sinasabi "Asan na! Asan na! Pictureeeeee"

Muli kong binuksan 'yung group chat pagkatapos ay sinend 'yung picture.

"Daaaaamn!! Ang hoooot!!"
Kumento ni Phoebe.

"Ang gandaaaaa halaaaaa! Uwi na kamo siya sakin. Di na ako galit 😍😍"
Reply din ni Anna.

"HAHAHAHAHA! BASTED KA NANAMAN BEBS! Basahin mo 'yung nakasulat sa T-shirt niya HAHAHA!"

Dahil sa curiosity ay muli kong tinignan 'yung picture at ang nakasulat sa t-shirt nito.

"I belong to Jesus"

What.the.fvck.

Di ko napansin 'yun kanina.

"HAHAHAHA Wawa naman si Ali. Iyaqqq!"
Pang-aasar ni Phoebe.

"Hahahaha! Bayan Bebs! Ang agwat niyo hindi langit at lupa eh. Kundi Langit at Impyerno HAHAHA!"

*Aeson Aeson left the group*

*Anna added you to the group*

"Problema niyo? 😠"
Biglang reply ko.

"HAHAHAHA! Sorrna kasiii bebs"

"I have to go. Laturs"
Paalam ko naman sa kanila pagkatapos ay nag-log out na.

Dumeretso na ako sa banyo para maligo. Dapat hindi ako ma-late dahil nakakahiya naman kay Carly kung siya pa 'yung mauuna dun.

My Sweet Psychologist - GxG Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon