Kasalukuyan kaming nasa seaside ni Carly. Kakatapos lang namin kumain kanina kasama 'yung dalawang pulubi. Halos ilang oras rin kaming naglibot kasama 'yung dalawang bata. Pasado ala-singko na nang hapon ng magpaalam 'yung mga bata na uuwi na at pagkatapos nun ay nagmeryenda kami sandali ni Carly. At kahit kakakain lang namin ng meryenda ay tahimik pa rin niyang pinapapak 'yung binili niyang banana chips dun sa dalawang bata. Para siyang walang kabusugan.
"Gusto mo?" Alok nito sa akin ng isang pack habang subo-subo 'yung kinakain niya.
"Nope. Thanks." Tanggi ko naman.
Walang na kaming imikan pagkatapos nun. Tahimik lang si Carly na pinagmamasdan 'yung sunset. Di ko na matiis ang nakakabinging katahimikan kaya binasag ko na ito.
"Carly.."
"Hmm?" Nakatingin lang siya sa mga ulap at hindi manlang nag-aksaya na sumulyap sa akin.
"Alam mo ba--"
"Hindi pa" biglang basag nito. Napatingin tuloy ako sa kanya bigla habang siya nama'y painosente pero nagpipigil ng ngiti.
Bilang ganti ay tinusok ko siya sa tagiliran. Hindi ko akalain na malakas pala ang kanyang kiliti kaya lalo ko pa itong ipinagpatuloy habang siya nama'y hinuhuli 'yung mga kamay ko para pigilan.
"Ali naman-- wagggg.. Tama na kasiiii!! Isa! -- wahhh"
Pulang-pula na siya kakatawa kaya bago pa ako masapak ay tumigil na ako. Mahirap na baka naiinis na pala siya.
"Seryoso na kasi Carly"
"Oo na sige na. Game makikinig na ako" sagot naman nito.
Huminga ako ng malalim pagkatapos ay nagsalita. Hindi ko na kasi yata kayang patagalin pa 'to. Masyado nang lumalalim 'yung di matukoy na bagay na nakabaon sa puso ko. At sa tingin ko.. Ito na ang tamang oras para hugutin ito.
"Dito ako sinagot ng Girlfriend ko"
Isang malamig na hangin ang umihip. Ramdam ko 'yung ginaw at kasabay nito ay ang pagbabago rin ng awra ni Carly.
Nakatingin lang ito sa papalubog na araw. Hindi umimik. Hindi nagsalita.
"Siya ang first love ko" pagpapatuloy ko. "1st yr. High school ako nang makita ko siya. Valentine's day nun. Pumasok sila sa Classroom para mangharana. Bali babayaran mo sila ng 10pesos then pwede kang mag-request ng song. Siya 'yung vocalist nung acoustic band nila at siya talaga 'yung pinaka nag-stand out"
Napa-reminisce tuloy ako bigla nung mga panahong high school pa ako. Lagi ko siyang pasimple na sinusulyapan para hindi obvious. Nung mga panahong 'yung confused pa ako pero simula nung makilala ko si Charlie.. 'yung first love ko. Parang naging sigurado na ako tungkol sa sexual preference ko.
"Tapos ayun.. Ang daming nagrequest. Nung kumanta na siya lalo akong namangha.. Sobrang lamig ng boses niya. Kaboses niya 'yung vocalist ng MYMP. Kinikilig ako na inaantok sa boses niya sa sobrang lamig. Pagkatapos nun hindi na ako nagpaghuli pa.. Nag-request na rin ako."
Bigla akong napangiti nang maalala 'yung mga pangyayari. Sinadya ko pang isanggi 'yung kamay ko sa mga palad niya nung nagbayad ako ng sampung piso. Pagkatapos nirequest ko sa kanya 'yung usong kanta ng mga panahong 'yun..
"Sa isang sulyap mo.. Ay naakit ako. Para bang himala ang lahat ng ito.. Sa isang sulyap mo lalala~"
Parang naririnig ko sa isip ko 'yung mala-anghel niyang boses. Kahit wala siya rito feeling ko katabi ko lang siya.
"Years after.. Basta naging best of friends kami hanggang college. But before kami grumaduate ng high school umamin na ako sakanya. Fortunately.. Hindi siya nailang. Unfortunately.. Basted ako. Religious kasi 'yung family niya. Kagaya mo. Born again Christian rin siya. Diba against kayo sa ganun.. Pero tuso talaga ang tadhana.. A year after. Di ko alam kung anong magic pero naging kami. And yes. Sinagot niya ako. Patago nga lang kami.. Actually same kayo ng course. Psychology rin course niya.. "
BINABASA MO ANG
My Sweet Psychologist - GxG
RomanceIsang misteryosang babae ang aking nakilala matapos kong mag-leave ng isang linggo mula sa trabaho. Sa unang tingin, inakala kong ito ay si.. ngunit hindi. Imposible..