"My Sweet Psychologist" GxG Chapter 4
By: Alien Eshu"Patay tayo diyan bebs. Di ka uubra diyan!"
Patuloy pa rin sa pagdaldal si Jinalyn patungkol kay Carly. Nakwento ko kasi sa kanya na may bago akong.. Kaibigan? Magkaibigan na nga ba kami? O magka-trabaho lang?
"Wala naman akong balak Jin." Plain na sagot ko habang nakahilata sa sofa. Nagulat pa nga ako at biglang dumalaw dito si Jinalyn sa bahay. Nagugutom daw kasi siya. Tsk.
"Aba dapat lang! Off limits ang mga kagaya ni Carly. Jusko. Straight na nga religious pa. Ayaw pa kitang masunog bebs huhu"
Nabato ko tuloy bigla si Jinalyn ng kinakain kong chips. Pinulot naman niya ito nang mahulog sa sahig pagkatapos ay kinain. Ew.
"Pero bebs kahit kasing straight pa siya ng ruler, wag mong kalimutan may ruler ring nabebend. Malay mo di ba?"
"Wala nga akong balak"
Bigla naman niya akong tinignan na parang di naniniwala.
"Weh? Maniniwala pa sana ako kung hindi siya meztiza. Hindi vocalist ng isang banda. Hindi matangos ang ilong, hindi chinita at saka hindi mahinhin! Hindi manipis 'yung pinkish niyang labi, kung hindi sana siya feminine, matalino, mabait, magaan kasama at higit sa lahat KUNG HINDI SIYA PUMASOK BILANG IDEAL GIRL MO!"Bigla kong kinuha 'yung unan sa ulunan ko at saka tinakpan 'yung mukha ko at pagkatapos ay nagpapadyak.
"ARGGHHHHH JINALYN WAG MONG GULUHIN UTAK KOOOOOO!!"
"Pero seryoso bebs, malakas kapit niyan kay Lord. Sige ka." Pangongonsenya pa nito sa akin.
Alam ko naman. Na wala talagang pag-asa. Nagbigay na nga siya ng hint di ba? Na hindi siya pabor. Sa tingin ko matalinong approach niya 'yun para iparating sa akin 'yung kung ano mang nakikita niya. Pero.. ganun na ba ako ka-obvious? Hindi naman siguro? Oo may pagka boyish ako pero hindi naman 'yung tigasin talaga. Sabi nga ni Brent hindi naman ako ganun kagaya sa mga lesbian. Medyo boyish lang daw ako kumilos tapos seryoso pa lagi magsalita at saka hindi pabebe. Sabi din naman ni James hindi kasi natural sa babae 'yung kilos ko na simple lang tapos parang pag naglalakad daw ako walang poise. Parang kahawig ko daw maglakad si Alyssa Valdez. 'Yung crush niyang Volleyball player ng Ateneo. Tapos parang lagi pa daw akong mananapak kapag seryoso.
Kinuha ko lang 'yung cellphone ko at saka muli siyang sinearch pero sawi pa rin ako. Hindi pa rin ako inaaccept.
__
"ALIIIIIII!"
biglang bungad ni Brent at naka-open arms pa. Akala siguro niya ih-hug ko siya. No way."Aliiii di mo ba ako namiss?" Tanong pa nito at nagtatampu-tampuhan pero di ko siya pinansin. Nag-focus lang ako sa trabaho.
"Ali! Ali! Hinanap ba ako ni Carly? Kamusta siya? Namiss kaya niya ako?"
Napakunot bigla 'yung noo ko at saka tinignan siya ng masama. Bigla naman siyang nag-hands up na akala mo'y hinoholdap.
"Oh chill lang sorry na. Hindi ko naman alam na magseselos ka Ali huhu"
Napailing nalang ako at saka muling tumingin sa monitor. Habang nagt-type ay narinig kong nagkaron ng ingay mula sa likod.
"Hi Carly!"
"Uy Brent! Kamusta?"
Pero di ko kinaya 'yung banat ni Brent.
"Ito.. Namiss ka."Pwe!
Si Carly naman tumawa lang na para bang isang havey na joke 'yung sinabi ni Brent.
"Good morning Ali" Halos manigas naman ako sa kinauupuan ko ng batiin ako ni Carly.
Ano'ng gagawin ko? Lilingon ba ako? O sasagot nalang ng hindi humaharap?
Bastos man kung iisipin pero sumagot nalang ako ng hindi lumilingon.
"Morning" seryosong saad ko.
"Brent! Halika dito saglit!" Tawag naman ni Ryan na taga engineering department. Agad namang tumayo si Brent para puntahan ito.
Saktong pagkaalis ni Brent ay umupo naman bigla sa tabi ko si Carly at humalumbaba.
Shit.
Pinipilit kong magpoker face at magkunwaring busy sa ginagawa ko pero deep inside parang hinihingal na ako dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
"Magkalaban pala tayo sa Mr. And Ms. Empire Corp." Biglang wika ni Carly na nakakatitig pa rin sa akin.
Ito nanaman at namamawis nanaman ako. Feeling ko natutunaw ako.
"H-huh? Ano'ng ibig mong sabihin" Empire corp. ang pangalan ng company namin. At 'yung Mr. And Ms. naman ay isang palaro para sa anniversary namin sa susunod na araw.
"Ako 'yung pinili nilang lalaban para sa HR dept. Nakakainis nga e kasi kahit ano'ng ngawa ko ayaw nila pumayag na mag-back out ako. Tapos sa finance naman, ikaw 'yung napili--"
"Ano?!" Biglang naibulalas ko at saka napatingin sa kanya. Bigla naman siyang ngumiti dahil sa reaction ko.
Ano ba Carly?! Binabaliw nanaman ako ng mga ngiti mo.
"Napasa na 'yung list. Ikaw 'yung nilagay nila e. Natuwa nga ako nung nalaman kong kasali ka kasi makikita na kitang nakaayos at naka-dress. Magmumukha ka sigurong prinsesa"
No. Fvcking. Way. At talagang sinali nila ako ng wala manlang consent?!
"Kailan pa nangyari 'yan? Bakit wala akong alam?" Medyo naiinis kong tanong. Ang ayoko kasi sa lahat ay pinapangunahan ako sa mga desisyon.
Pero 'yung inis na nararamdaman ko ay napalitan ng kilig ng bigla niyang hawakan 'yung kamay ko na nakahawak sa mouse.
"Ano ka ba Ali. Okay lang 'yan! Kasali din naman ako." Pag-eencourage pa niya. Gustuhin ko mang umangal pero hindi ko na magawa. Bakit ganun? Kapag siya 'yung nagsasalita parang lagi nalang akong napapa-oo.
"Ay Ali mabuti pa i-check mo sa Company Page natin sa FB 'yung criteria. Daliii gusto kong makita" Naeexcite na wika niya pagkatapos ay napisil pa niya 'yung kamay kong hawak pa rin niya unconsciously.
Wala na akong nagawa kundi sundin ang Queen of hearts ko. Ang cheesy di ba? Hindi naman ako ganito dati pero ewan ko ba. Madalas kasi akong humindi kaysa um-oo. Pero ngayon kapag si Carly na ang nag-command ay parang tumitiklop na ako.
Ni-log in ko 'yung FB account ko at dahil kailangan kong magtype ay tinanggal na niya 'yung kamay niya sa pagkakahawak sa akin.
Habang tinatype ko 'yung website ng company page ay bigla siyang nagsalita.
"Wait? Ikaw si Aeson Aeson?! Ikaw 'yung nag-add sa akin sa FB?"
Bigla akong nakaramdam ng hiya.
"Uhm.. Oo." Sagot ko sabay kamot sa likod ng tainga."Hala sorry! Hindi ko alam na ikaw pala 'yun!"
Nginitian ko siya at sinabi na okay lang. Pero naisip ko bigla na ngayong alam na niya na in-add ko siya ay ma-aaccept na niya ako.
"Pero.. Bakit Aeson Aeson ang name mo sa FB?"
Muli akong napakamot sa likod ng aking tainga.
"Uhmm may bunsong kapatid kasi ako. 4years old na siya ngayon pero dati kasi hindi niya mabanggit 'yung 'Alison' kaya Ate Eyson ang natatawag niya. Tapos ayun, nakyutan ako kaya pinalitan ko ng Aeson Aeson."
"Wahhhh. Ate Aesoooon" Tawag ni Carly na nag-baby talk pa talaga para mang-asar. Bigla akong natawa pagkatapos ay sinakyan na rin 'yung trip niya.
"Yes Baby?"
'Yung matamis na ngiti niya ay agad nawala. Bigla siyang umiwas ng tingin pagkatapos ay tumayo.
"Basta Ali sumali ka sa pageant ha. Sige balik na ako sa upuan ko" ngumiti siya ng tipid pagkatapos ay bumalik na sa station niya.
Ano'ng nangyari?
__
___
Anyare? O.O
Please don't forget to hit the like button. Thank youuuuuu <3
BINABASA MO ANG
My Sweet Psychologist - GxG
RomanceIsang misteryosang babae ang aking nakilala matapos kong mag-leave ng isang linggo mula sa trabaho. Sa unang tingin, inakala kong ito ay si.. ngunit hindi. Imposible..