Chapter 5

3.2K 125 4
                                    

Pagkauwi ko ng bahay ay nagpalit na agad ako ng damit pagkatapos ay nahiga sa sofa.

Hays.

Kinuha ko 'yung cellphone ko at dumeretso sa messenger dahil baka may mga importanteng messages pero agad nalang akong napatayo ng mabasa ko ang di inaasahan.

"Carly Ann Adalin just joined messenger. Say hello with a wave"

Halos pigilan ko ang aking paghinga dahil sa sobrang kaba na nadarama ko. 'Yung parang naninikip 'yung dibdib mo pero ang sarap sa feeling lalo na nung makita ko 'yung pangalan niya.

"In-accept na niya ako!! Wahhhhhhh!!"

Halos mapunit na 'yung labi ko sa sobrang pagkakangiti. Pakiramdam ko'y tumama ako sa lotto sa sobrang saya.

Shit! Bakit ang lakas ng impact mo sa akin Carly Ann Adalin? You're driving me crazy.

Sa sobrang pagkakatitig ko ay biglang nag-green 'yung bilog sa may left side ng chathead niya.

"Online siya!"

Napaisip ako agad ng magandang introduction. Papansin na kung papansin pero hindi ko na papalampasin 'to.

"Hi Carly"

Tinitigan kong maigi 'yung tinype kong mensahe kaso hindi ko naman mapindot 'yung send button. Parang nahiya kasi ako bigla kaya
dali-dali ko itong binura pagkatapos ay pinalitan.

"Salamat sa pag-accept 😊"

Kaso parang ang akward naman ata dahil madalas na rin itong gamitin ng mga nagpapapansin lang sa chat.

Delete. Delete. Delete.

Arghhhhhh!! Ano ba kasing magandang greet? Pati ba naman sa pagbati nahihirapan ako? Good evening nalang kaya? Kaso parang wala naman kasing dating. Arghhhhh Makapag-wave na nga lang!

*You waved at Carly*

Paniguradong mag-w-wave back lang din si Carly kaya dapat ay may maisip na akong magandang panimula para maka-chat siya kaso wala pang ilang segundo ay nakapag-reply na agad siya.

"Huy"

Parang gustong lumabas ng puso ko sa sobrang pagtibok. OA man kung iisipin pero parang may nagkakarera sa loob ng puso ko. Ano ba 'to Carly?! Paano mo nagagawang patigilin ang tibok ng puso ko at the same time ay pabilisin rin ito? At isa pang ipinagtataka ko..

Kailan pa naging nakakakilig ang salitang "Huy"? Dahil sa pagkakaalam ko ay informal way ito ng pagtawag ng atensyon ng isang tao. Pero bakit nung nang-galing na kay Carly parang naging katumbas na rin nito ang salitang 'I Love You'?

Pero kahit na kinikilig ako ay di pa rin dapat ako magpahalata.

Nag-compose ako ng message at saka ito sinend.

"HAHAHAHA!"

O di ba? Napaka-saya ng reply ko.

"Hala nabaliw na si Ali 😂"

Oo Carly. Nabaliw na sayo.

Pero syempre hindi naman ako pwedeng bumanat ng ganun dahil baka mamaya ay mas ma-confirm niya 'yung iniisip niya.. Na baka may something sa sexual preference ko dahil feeling ko talaga ay nagpatama siya tungkol sa same sex relationship.

"Hindi kaya 😅"

Sa totoo lang ay natutuwa ako dahil ang bilis mag-reply ni Carly. 'Yung tipong kakasend mo palang, after a second may reply na.

"Haha weh? 😂😂😂. Nga pala Ali, may lakad ka ba bukas?"

Sabado bukas at walang pasok kaya madalas kapag rest day ko ay nasa bahay lang ako at nanonood ng Movies.

My Sweet Psychologist - GxG Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon