"Tired? Want some drink?" Pag-aalok ni Joon sakin.
"No, wag na, it's okay!" Kakarating lang namin sa unit nya. Oh my he didn't tell me na sa condo unit nya kami pupunta. Ang paalam ko pa naman kay Mom ay sa bahay nya kami mag-aaral. His and my Mom were bestfriends, and they knew Joon so much at pag nalaman ni Mom na kasama ko sya dito tiyak na lagot ako.
"How about soju?" Nagbukas na sya ng ref at naglabas ng soju. Dalawang soju. Tatlong soju. Anim. Anim na na soju ang nasa kitchen counter, nang magsalita ako ay dun lang sya natigilan sa paglabas ng mga bote ng soju nya.
"No, I don't drink, at isa pa you'll help me with this, right?" Habang turo ko ang mga paperworks at librong hiniram namin kanina sa school library.
"No, wag ka na kitang sunduin. No, wag na. No, you don't drink. You always say no to me." He's smirking habang ibinabalik ang mga bottles of soju.
"No, I-I didn't..." agad nya akong pinutol sa sasabihin ko.
"No, you didn't...Again." May sarkastiko sa tono ngunit natatawang sabi nito.
Lumapit sya sakin. Palapit ng palapit. Ang lapit na ng mukha nya sa mukha ko. At hinablot ang mga librong bitbit ko pa rin. Bitbit ko pa kasi ang mga libro dahil ipupukpok ko 'to sa kanya in case of emergency lol. Mabait naman sya, may pagkapilyo lang talaga, kaya ayaw ni Mom na nagsasama ako sa kanya lalo't nasa condo unit nya kami ngayon.
"Let's start, bago ka pa magyelo dyan sa kinatatayuan mo, Babe?" Napansin nya yatang kinikilabutan ako sa mga kilos nya. Nagtayuan yung balahibo ko sa ginagawa nitong mokong na 'to.
"Stop calling me that. Will you?" Pabagsak akong umupo sa sofa at kaunti nalang uuwi na ko. It's not good kapag mataon pang tawagin nya ko ng ganoon habang kasama ko si Ji.
"Okay? So let's start parang mangangain ka na eh hahahahaha! Masarap pa naman ako hahaha..." Di siguradong sagot ngunit may pagtaas ng kamay na tila suko na ito.
Tumigil na sya sa pagtawa nung akmang tatayo na 'ko, agad nyang hinawakan ang kaliwang braso ko para pigilan.
"Seryoso na ko. Umupo ka na." Saad nya, at nang ismiran ko sya nasaksihan ng dalawang mata ko na behave na sya. Bihira kasi syang magbehave. Lol.
Magaling sya sa klase pero isa sya sa sakit ng ulo ng mga profs masyado syang hyper at paminsan ay sarkastiko ang mga sagot nito sa pagdedefense ng design nya pag nagkakaroon ng consultation. But the thing is he always has a point kahit sarcastic ito habang dinidepensahan ang gawa nya. It's his 6th year sa Architecture. Why? Natapos nya na lahat including Design 10, the reason why he's still there is he's taking his PE4 subject. I had no idea kung bakit naiwan nya pa yun.
"It's getting late, tapusin ko nalang 'to sa bahay." Nagdecide na akong uuwi dahil 1am na, at di man lang sumasagot sa mga messages ko si Ji at di rin nagmessage o tumawag sa'kin simula pag-alis ko kanina. Di man lang ba sya nag-aalala sa'kin kung nakauwi na ba 'ko o mag-abala na sunduin ako dito.
"What if, dito mo nalang yan tapusin? Overnight?" Hindi nakatinging umiiling ako habang inililigpit na ang mga gamit ko.
"Matutulog din ako saglit pag-uwi."
"Then let's sleep here." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya. Kahit ayokong bigyan ng malisya ang sinabi nya, alam kong may malisya yun sa kanya. Agad naman din nyang binawi. "Dito ako sa sofa."
"Mom will call. At dadaan pa 'ko sa bahay ni Ji para kuhain yung mga naiwan kong gamit." Pagsisinungaling ko.
"Fine, ihahatid nalang kita." Pumasok naman agad sa isip ko ang nangyari kanina nung sunduin nya ko.
"Wag na." Pagtanggi ko pa.
"Dahil sa boyfriend mo? Tss di ka man lang nga matext." Anong klase bang mata meron ang taong 'to lahat yata nakikita nya? Eh pasimple ko nga lang chinecheck yung phone ko, pero maya-maya lol. So I guess, mapapansin nya nga.
Lumabas na 'ko ng unit nya ng maramdaman kong kasunod ko sya.
"San ka pupunta?" Tanong ko sa kanya.
"Ihahatid ka nalang sa baba. Tss." Parang batang nakanguso naman to dahil di napagbigyan sa gusto nya at agad na nagbago ang form ng labi nya na ngayo'y nakabagsak ang magkabilang sulok ng bibig nito. "Dali na hatid na kita." Sad face pa din sya pag hinto ng taxi sa tapat namin.
"Byeee~!" Nagwave na ko sa kanya bago sumakay sa taxi.
Nakauwi naman ako ng safe. Paglabas ko ng taxi may kotse sa tapat ng bahay. May bisita yata si Mom.