"Why do I still came? Dahil I'm worried about my sister kung aalis syang mag-isa." Nakatalikod pa rin sya.
"Liar." I said between tears. "Face me at sabihin mo 'yan sa'kin."
Ramdam kong nagsisinungaling lang sya at mahal nya pa rin ako. Nagpunta sya dahil nag-alala sya sakin hindi lang basta nag-aalala sa pagpunta sa'kin ng kapatid nya nang mag-isa.
Muli syang humarap.
"Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan." Walang emosyon nyang sabi.
"Ok, fine! Hindi kaya ikaw ang talagang nagsend ng picture nyo ng babae mo?" Pinunasan ko ang luhang nasa pisngi ko.
"Hindi pa tayo officially break pero may binaba ka nang babae sa kotse mo." Dagdag ko pa. Ngayon ko palang sinabi sa kanya ang mga ito. Gusto kong malaman nya na nasaktan nya rin ako.
"Yes I did that. Eh kayo? How's the feeling to be with him? Ginawa nyo na rin ba yung mga ginawa natin?" Nanatiling walang emosyon nyang sabi.
I slapped his face.
Umiiyak na naman ako.
"Hurt me. Pero sabihin mo sakin ngayon, ako ba ang unang nagloko?" With the tone of his voice it's like he's very confident with what he asks.
"You know I can't do that to.." Pinutol nya 'ko sa pagsasalita. Kinusot ko ang mga mata ko dahil sa sobrang labo na ng paligid dahil sa luha na humaharang sa mga mata ko.
"But you did." May diin na sabi nya.
"Hindi mo kasi ako pinapatapos sa sinasabi ko. Hindi mo ko hinahayaang magpaliwanag!" I'm pissed off now. May kalakasan na ang boses ko habang tingala sa kanya, kumuyom ang mga maliliit kong kamay habang patuloy ang pagbagsak ng mga luha ko. Bahagya naman syang ngumisi bago magsalita.
"For what? Sige, pa'no mo ieexplain sa'kin yung nakita at narinig ko? That you're on top of someone. Someone you know that I'm jealous of. That someone's confessing his feelings with you!" Mas malakas ang boses nyang baling sa'kin.
"Fucking explain that to me!" Sigaw nyang muli.
Maski, ako ay hirap hanapin ang tamang salitang gagamitin lalo't parehas na kaming hindi kalmado. Di ko agad maisip kung saan at paano ko sisimulan ang pagpapaliwanag, kada sigaw nya ay para akong nagpapulpitate. Tuluy-tuloy ako sa pag-iyak at pakiramdam ko ay kakapusin na ko sa paghinga.
Huminga sya ng malalim bago muling nagsalita.
"Stop crying." Mahina na ang boses nya. Nakaiwas na ang tingin nya sakin ngayon dahil sa pagdating ng isang kotse. Hindi ako nakatingin sa pumaradang kotse tanging narinig ko lamang ay ang pag busina nito, wala na 'kong paki kung may makakita sa'king umiiyak. But it seems like he want to stop me from crying.
Tumahimik ang paligid. Lumakas din ang pag-ihip ng malamig na hangin.
Pagtanggal ko ng mga kamay ay may tila humarang sa akin at naramdaman ko ang katawan at magkabilang brasong nakayakap na ngayon sa akin.
"Stop crying."
Humigpit ang yakap nito. Ang isang kamay nito ay nasa likod ko at ang isa nama'y nasa likod ng ulo ko.
"Ssh.. stop crying."
"N-no. Get off me, mahal nya ko alam ko yun mahal nya pa ko." I sobbed.
Pumiglas ako sa pagkakayakap nito sa'kin.
"Bitawan mo 'ko please, si Ji, susundan ko si Ji." Habang umiiyak ay yakap pa rin ako nito. Hindi nya pa rin ako binibitawan.
"Lalo syang magagalit sa'kin."
"Please, get off me." Sunud-sunod kong sabi. Napaluhod ako dahil sa pagod.
"Pagod ka na. Pumasok na tayo." Naka-alalay pa rin sya.
"No!" Sigaw ko sa kanya. "Magagalit na naman sya." Ramdam kong basa na ang shirt nito sa luha ko.
"Umalis na sya. Pumasok na tayo."
"Dahil sa'yo kaya galit sya sa'kin." Sinimulan ko syang hampasin sa dibdib.
"Hurt me, kung 'yan ang magpapatigil sa'yo sa pag-iyak."
Tinigil ko ang pagpiglas at paghampas sa kanya.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nagsalita syang muli.
"I'm sorry."
Hindi ako sumagot.
"I'm sorry, nang dahil sa'kin.."
Ayoko nang makinig, tumayo na ko at pumasok. Hindi nya na rin ako sinundan sa loob. Si Sah naman ay sumalubong sa'kin. "Bakit nandito si Joon? Nasaan si kuya? Nakita ba sya ni kuya?"
Hindi ko sya sinagot pero malungkot ko syang tinignan.
"Umiyak ka?"
"Akyat muna 'ko Sah. Ikaw na munang bahala sa mga bisita." Wala sa sarili kong sabi rito.
Nang makaakyat ako ay naglock ako ng pinto ng kwarto, nang mahagip ko ang repleksyon ko sa mirror wall ay namumugto ang mga mata ko. Mukha rin akong stress. Sobrang stress. Naawa akong bigla sa sarili ko.
Aw! Aw! Aw!
Paglingon ko sa paper bag na nasa lapag ay gumagalaw ito.
Lumapit ako at pinakawalan si puppy sa kwarto.
Tumakbo ito palayo sa'kin pagkatapos ay nagtago sa ilalim ng kama ko.
"I hate you para ka ring si Ji. Kung hindi ka tumatakbo palayo, nagtatago ka naman." Bulong ko sa sarili.
5AM ay bumaba ako para kumuha ng maiinom. Nang silipin ko ang sala ay nandoon pa rin sila.
Tulog na silang lahat.
Nabaling ang tingin ko kay kuya L, may nakaupo sa lap nya, ang kaninang babae na katabi nya.
Napatakip ako ng bibig ng maalala ang mukha ng babae na nakakalong kay Ji at sa ngayo'y nakakalong kay kuya L.
Nagbalik na naman sa akin ang alaala na iyon.
Siguro'y bumalik sya dito kanina para sunduin si Sah.
Nang mapansin kong bahagyang nakabukas ang pinto ay nagtungo ako doon para isara. Baka nakalimutan ni Sah na isara kanina nang umuwi.
Nagulat ako ng mapansing may tao pa sa bakuran.
Kahit ang isa'y nakatalikod sa'kin at ang isa nama'y nahaharangan ay kilala ko na agad kung sino sila.
They were kissing.
Almost eating each other's faces now.
Ang kamay ng babae ay nasa baywang ng kahalikan. Ang isang kamay ay nasa batok naman upang mapadiin pa lalo ang paghahalikan nila.
"Hmm.. Ye.." He moaned.
I shut the door.
It's Sah and Joon.