"Can we talk Yerin?"
He called me by my name. Epekto ba yun ng iniinom nya? Lol. But he doesn't look drunk. Mukha din syang hindi lokoloko ngayong araw. Naawa naman ako sa pananadya ko na ipitin sya. Ang kulit kasi. He's everywhere.
"About what?" Pagtataray ko. Medyo wala talaga ako sa mood dahil sa nangyari buong araw.
"About us." Simpleng sagot nya.
Napanganga naman ako. Ano bang sinasabi nito? Lumabas ako ng kotse at hinarap sya.
"I want us." Dagdag nya pa.
"Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo? May boyfriend..." Mahinang sabi ko. Naiinis kong sagot dito pero di nya na ko pinatapos sa sinasabi ko.
"So what?" Sabat nito, na para bang walang paki basta masunod lang ang gusto nya. "Eh nagkakalabuan na din naman kayo, right?"
"Nababaliw ka na." Nanatiling mahina ang boses ko. He's unbelievable. Ganoon ba talaga sya mag-isip?
Tumawa ako ng kaunti bago sya talikuran at babalik na sa loob ngunit agad nyang itinulak pasara ang pinto ng kotse. Muli nya akong ipinaharap sa kanya habang kulong sa mga braso nya. Yung kaninang iniinom nya, I don't know kung saan na napunta. Ang isang kamay nya ay pumirmi sa bukasan ng pintuan, halos pantay lang ng aking balakang, habang ang isa nama'y nasa kabilang gilid kapantay sa mukha ko.
"Nababaliw na nga yata ako sayo." He said those words. May kalakasan ang boses nito. At first he doesn't look drunk, nang ilapit nya ang sarili, I felt his breathe, it was warm and it smells alcohol. Was he controlling himself kanina pa? Because he knew it, hindi ako nakikipag-usap sa kanya ng may nainom sya ang kulit nya kasing kausap, wala syang matinong sasabihin, isa pa kailangan ko din syang iwasan.
Sa totoo lang gusto kong isisi lahat sa kanya. Did he planned all these? I smiled bitterly.
Hinayaan nya din naman akong makaalis na.
How can he be like this? Gusto nya ba talagang tuluyan kaming maghiwalay ni Jisoo dahil lang sa gusto nya? He's ruining everything. Pero ang pinakamahalaga sa ngayon ay maging okay na kami ulit ni Ji. I missed Ji so much. I won't get tired pagdating kay Jisoo I'll do the risk whatever it takes. At isa pa hindi nya 'ko pwedeng balewalain nalang, ako pa rin ang girlfriend nya.
Umaalis na 'ko sa bahay ng mas maaga. Hours before my class starts nag-aabang ako malapit sa office building nya. I don't even know what to do. Para na rin akong stalker sa ginagawa ko. Sa pagod ko sa paghihintay ay sumaglit ako sa coffee shop sa ground floor ng office building. I saw him sitting near the counter, lumapit ako at umupo sa tapat nya. Wala na 'kong sinayang na oras, agad akong nagsalita.
"Hanggang kailan mo ba 'ko iiwasan Love?" Pilit 'kong pinapakalma ang sarili para di magbreakdown sa harap nya. Hindi ko inumpisahang itanong kung sino ang babaeng kasama nya sa picture, or yung babaeng binaba nya sa kotse. I won't start with that, kasi may hints ako kung bakit nya ginawa yun. Binabalik nya sa'kin ang akala nyang ginagawa ko sa kanya. I never cheated on him.
"Eh ikaw? Hanggang kailan mo pa 'ko lolokohin?" Kumuyom ang kamao nyang nasa mesa. Mahina ang boses nito nung una, ngunit nang di ako agad nakasagot nagsalita syang muli and this time mas malakas ang boses nito. "Did you enjoy those moments nung makita ko kayo?" Nang magbubuka na 'ko ng bibig ay nagsalita na naman sya. "Did it sounds great na malaman mong nababaliw yung taong yun sayo?" He said with gritted teeth. Naglingunan sa amin ang ilang tao sa loob ng shop. Pinigilan kong umiyak. I don't know what to say now. Ni hindi ko magawang ipagtanggol ang sarili dahil iba rin ang mga nakita nya. Kung nandoon din sya sa parking lot habang kausap ko si Joon, malamang ay ayun lang din ang naabutan nya at narinig. "Pag-uusapan pa ba natin 'to?" Tila hindi pa sya tapos sa sinasabi ay agad ko syang sinagot. We'll work this out. "Yes, yes Ji please.. " Frustrate kong sabi, sapo na rin ng dalawang kamay ko ang nakakuyom nya pa ring kamay. Ayokong iwan nya 'ko. Hindi pwede.
"Coz for me, it's over. You'll waste your time, hindi na rin naman kita pinaniniwalaan." Pagtutuloy nya. Tinanggal naman ng isang kamay nya ang mahigpit na pagkakahawak ko sa isa nyang kamay. Tinapunan nya ulit ako ng malamig nyang tingin. He doesn't really want to hear my explanations. Nang tumayo na sya ay nagsalita pa rin ako. "Hindi mo na ba 'ko mahal?" Nararamdaman ko nang unti-unting nagbabasa ang mga mata ko. Tinanong ko sya knowing na marerealize nyang mahal nya ko, na mahalaga ako sa kanya, at mali na iwanan nya ko. "Hindi na." Hindi nakatinging sagot nya at agad na umalis.
Tumulo na ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Gusto nya bang maghiwalay na kami? Didn't he trust me? Ganoon na lang ba yun? Hindi nya na 'ko mahal?
Ilang minuto pa 'kong nagtagal sa coffeeshop nang makabawi ako mula sa pagkakaiyak ay bumalik na ko sa kotse. I picked up my phone and dialed her number.
"Sah.." Umiyak na naman ako.
"What happen to you?"
"Galit sya sa'kin."
"I'll be there in a minute."
She's my bff Sarina, Sah for short. Jisoo's younger sister. Palagi akong nag-oovernight sa bahay nila nung highschool palang kami. Doon ko rin unang nakita si Ji. Hindi naman ganoon kahirap sa highschool pero pag may hindi kami alam ay nagtatanong sya sa kuya nya, especially sa Math doon kami medyo mahina. Nahihiya ako kay Ji sa tuwing tinuturuan nya kami dati. Distructed ako kung minsan, imbes kasi sa notes na tinuturo nya ako nakatingin ay natutuon ang pansin ko sa kanya. Kinakabisado ng mga mata ko ang bawat pagkurap ng mga mata nya. Ang mga munting kilos nya habang ang atensyon nya'y nasa notes ko lamang. Bahagyang kumunot ang noo nya. Sumaglit noon sa kusina si Sah para kumuha ng makakain namin. Nakasalampak naman ako sa sahig habang si Ji nama'y nakaupo rin ngunit nakatiklop ang mahahabang binti. Kumunot ulit ang noo nya. Tandang tanda ko, nahuli nya kong titig na titig sa kanya. Kung kanina ay sa notes ko sya nakatingin ngayon naman ay sa'kin na. "Hey." Nagbalik ako sa sarili. "A-ano.. O-ok na n-naintidihan ko na." Nahihiya kong sabi. Nag-iwas ako ng tingin. "Ako, di ko naintindihan sulat mo." Ngumiti ito ng nakakaloko at sumandal ng bahagya sa study table ng kapatid. Agad kong dinampot ang notes kong kaninang binabasa nya. At sarili kong sulat 'di ko rin maintindihan. Sobra-sobrang embarassment ang nangyari ng araw na yun. But it was also the day he confessed his feelings towards me. My tears ran down again when I realized that I lost him now.
Tok. Tok.
She knocked at the windshield of my car. Nakita ko si Sah na nakasmirk. Binuksan nya ang pinto at umupo sa shotgun seat.
"What happened Ye?" Panimulang tanong nito.
"He's breaking up with me."
"Bakit daw?" Shocked evident in her voice.
Kwinento ko lahat sa kanya, pati nang araw na sunduin ako ni Joon sa bahay ni Ji. Nakabukod ng bahay si Ji. Samantalang si Sah kasama ang parents nila, pero madalas ay nasa abroad ang mag-asawa kaya parang solo lang din sya. Kaya walang kamalay-malay si Sah minsan, di rin ako madalas magreport sa kanya because of his kuya. Ayaw ni Ji na kaunting bagay kinukwento ko, I got his point naman, he wants privacy pagdating sa amin. Ako din ang dahilan kung bakit sya bumukod. I wasn't agree noong una kasi 'di nya naman kailangang gawin yun lalo't naiiwan ding mag-isa madalas ang kapatid nya sa bahay ng parents nila. But the very first time I slept over at his place, we did the thing, doon ko narealized na okay na din yun. Lol.
"I told you naman kasi na never accompany Joon."