7th Chance

3 1 0
                                    

"I told you naman kasi na never accompany Joon."

Sinermonan nya ko dahil 'di sya tiwala rito. He was her ex-boyfriend during our highschool days. May pagkababaero talaga si Joon, dahilan para matapos sa loob ng 1 week ang relationship nila. She called it fake puppy love kasi 1st year highschool palang kami noong naging sila samantalang si Joon ay ahead lang ng 1 year sa'min. Secret on pa sila but not that secret kasi alam ko. Hindi daw ganoon ka-serious yung nararamdaman nila before dahil mga bata pa. Natatawa nga sya pag naaalala nyang naging sila she calls it "ang highschool" tapos tatawa bigla. Looking back is not that bad especially to the one whose always immature as her, nacocompare nya daw yung old self nya sa new one.

"He's really a wrecker. A relationship wrecker. Tignan mo nga pati yung samin ni-wreck nya." Tumawa naman ito na may paghampas pa sa braso ko. Kung minsan talaga hiyang hiya sya sa sarili nyang decisions eh.

But It's not like kinakampihan nya ang kuya nya.

"Gusto mo awayin ko yun sa office nya mamaya eh! Ano?" Natawa na ko. Alam kong nagbibiro lang sya dahil takot talaga sya kay Ji, tapang tapangan lang sya kunwari.

"Sira! Bumalik ka na doon sa office mo. Sinabi ko lang sayo para mabawasan yung nararamdaman ko kahit kaunti."

She graduated last year. 4 year-course ang kinuha nya, ako naman ay 5 year-couse kaya nag-aaral pa ko. Hindi pa man sya nakakagraduate noon ay matagal na syang may pwesto sa sariling company nila.

"Magiging okay din kayo. I know how much my kuya loves you! Tignan mo nga sya may sariling bahay na tapos iniwan pa 'ko for you. Pero dahil bff tayo ita-try ko syang kausapin for you." Nakapout ito. Kung hindi ko sya kilala iisipin kong mukhang nagseselos sya sa'min, pero hindi talaga. Coz I know her. May boyfriend din sya at hindi alam ni Ji at ng parents nya, it was our secret. Strict kasi masyado si Ji. I remember when I asked him about Sah's suitors. Sabi nya protective lang sya sa baby sister nya dahil kilala nya daw ang mga lalaki. Napatawa naman ako sa isip ko. Yeah he's right, he's the one who took my innocence, the day I experienced so much pain, pero pagtapos ay hinalikan nya ko sa noo. He told me his dreams and his promises to me. But today, inaalala ko na lang ang lahat sa'min.

Pilit akong ngumiti at kumaway paglabas nya ng kotse. Ngumiti rin ito bago bumalik papasok sa building. Medyo gumaan ang pakiramdam ko matapos kong sabihin kay Sah ang lahat. Bago umuwi ay nagstop-over ako sa nadaanan kong petshop. Nagpunta ako sa mga cute puppies, lilibangin ko lang sana ang sarili bago umuwi. I wasn't planning to buy, but sa sobrang cute nila napabili ako ng isa, para may kasama rin ako sa bahay pagwala si Mommy.

"How's your day, anak?" Salubong sa'kin ni Mom. I check my wristwatch. Maagang umuwi si Mommy ngayon.

"Tiring." Nag-iwas ako ng tingin para 'di nya mapansin na namumugto ang mga mata ko dahil sa pag-iyak kanina. Dumiretso ako sa kusina at binuksan ang ref para kumuha ng milk namin ng bago kong puppy. Nang mag-angat ako ay doon ko palang napansin ang cake sa kitchen counter. It's a box of strawberry cake. Birthday ko nga pala ngayon. I stressed myself out not remembering that it's my day today.

Lumapit si Mom sa'kin and kissed my cheek.

"Happy birthday to you! Happy birthday to you!

Nagkantahan ang ilang tao sa paligid namin. Nakita ko ang ilang pinsan ko pareho ni Mom ay sinasabayan nila ng pagpalakpak ang Happy Birthday song. Nakita ko rin na nandito si Sah, ngunit 'di katulad nila Mom, medyo tahimik ang pagkanta nya at hindi ito pumapalakpak. Alam nyang malungkot talaga ko ngayon.

"Happy birthday, happy birthday! Happy birthday to you!" Saktong natapos ang kanta nang makita ko si Jisoo sa bandang likuran. Nahaharangan sya ni kuya L. Isa sa mga pinsan ko.

"Regalo ba yan sa'yo ni Jisoo, anak?" Sinilip ni Mom ang malaking itim at plain paper bag na pinatong ko sa counter. Nandoon ang sleeping puppy ko nakakulong sa cage nya. Inilagay ko sya sa paper bag ng branded na sapatos ko na nakita ko lang sa compartment ng kotse, iniiscratch nya kasi yung upuan ng kotse. Kaya 'yan naka-paper bag sya.

Napatingin ako kay Jisoo, nakatingin din sya sa'kin. Mabilis syang umiwas sa pagtatama ng mga mata namin at binalingan ng tingin ang paper bag na pinansin ni Mom.

Tumingin si Mom sa mga bisita, tila may hinahanap ito.

Biglang nawala si Ji sa paningin ko ng lumapit na sa'kin ang iba at binati ako, ang huling lumapit ay si Sah.

"Bessy, hindi ba awkward sa inyo?"

"Paano mo sya nabitbit dito?" Nakakaamaze talaga si Sah kung minsan.

"Sorry bessy, ang sabi ko kasi sa kanya samahan nya ko dahil may emergency sa bahay nyo at wala kang kasama." Kagat-kagat nito ang kuko habang nagpapaliwanag.

"W-what!?" O_O

"Sorry talaga, pero sabi ko naman sa kanya kanina pagdating namin dito na gawa-gawa ko lang 'yun. Nararamdaman ko nang papagalitan nya 'ko kanina buti na lang sinalubong kami ni Tita nang mabungaran kami sa pinto."

"Hindi nya ba sinabi kay Mom?" Pag-usisa ko.

"Mukha namang hindi, kasi akala pa yata ni Tita si kuya ang bumili nito para sa'yo." Ngumuso ito bilang pagturo sa paper bag. Tumingin ako sa veranda, nakatingin sya sa'kin. Lumapit naman si Mom sa kanya.

"Hijo, bakit nandyan ka? Join them." Palapit na sa'min si Mom, kasama nya na si Ji. "Sunod kami Mom." Sabi ko nang daanan nila kami nginitian naman kami ni Mom bilang pagtango.

Sumunod na rin si Sah sa sala para maki-join. Inakyat ko muna sa kwarto ang puppy ko. Nang makababa ay natigil ako sa paglalakad palapit sa kanila. Ngayon ko lang napansin ang babaeng kasama nila kuya L. Mukha syang girlfriend ni kuya dahil sinusubuan sya nito. Ang sweet nila. Parang nakita ko na sya before. Hindi ko lang matandaan kung saan. Nang umupo ako sa tabi ni Sah ay sya namang pagtayo ni Ji. "It's getting late. Tawagan mo nalang ako kung magpapasundo ka na." Baling nito sa kapatid. Nakatalikod na si Jisoo nang tumango si Sah.

"Teka!" Tumayo ako para sundan sya. Hindi nya ako pinansin. Dirediretso lang sya sa paglalakad palabas. Masyadong malalaki ang mga hakbang nya kumpara sa'kin plus the fact na todo iwas sya kaya mabilis din ang lakad nya.

"Wait!" Habol ko sa kanya. Napahinto ako dahil sa pagharap nya. Totoo ba 'to? He turn his back on me.

"Nagpunta lang ako dahil ang sabi sakin ng kapatid ko ay may emergency dito at mag-isa ka." Salubong ang mga kilay nyang sabi sa'kin at tumalikod na sya.

Muling tumulo ang luha ko.

"Then why do you still came?"

A Fangirl's ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon