"Ilang oras ka pa ba dyan Love?"
"5 minutes Babe." Inawang ko ng kaunti ang pinto ng dressing room ko para na rin silipin ang kanina pang naiinip na date ko. Lol.
"You don't have to wear ball gown, dinner lang ang pupuntahan natin Love." Aniya habang nakaupo sa kama ko at nakatingin sa relo nya.
"Syempre haharap tayo sa Mom mo, kailangan maganda at presentable akong tignan sa suot ko."
"You're always beautiful, kaya bilisan mo na dyan." Sumilip na naman ako at nakatingin na sya sakin, tanging ang kapiraso lang ng mukha ko at kapiraso ng balikat ko ang kita mula sa pag-awang ng pinto. Agad na bumaba ang tingin nya sa balikat ko. Habang ako naman ay napatingin sa adam's apple nya na gumalaw ng bahagya tila napalunok ito sa nakita. Ay hala di ko naman sinasadya mangtease ha! Sinarado ko na din agad ang pinto at baka saan pa mapunta at di na kami makaalis ng bahay.
Nang makalabas na kami ng bahay ay sumakay na kami agad sa kotse nya. May inilabas sya mula sa bulsa ng coat nya at isinuot nya sa akin ang necklace na may maliliit na bato sa pendant. "Look's good on you. Let's go." Sabi nito, ngumiti ako bilang pagtango dito. Agad nalalag ang puso ko at parang naiwan naman ang kaluluwa ko ng ipinaharurot nya na ang sasakyan nya. Jusme.
"Good evening po." Bati ko sa Mom nya. Humalik naman si Ji sa pisngi nito.
"It's a pleasure to meet you hija." Sabi ng Mom ni Ji.
"Ganoon din po ako sa inyo ma'am." Pagbabalik ko dito.
"Take a sit hija." Hinawakan ni Jisoo ang upuan para iatras ng bahagya at paupuin ako. Umupo na din sya sa tabi ko. Madami din kaming napag-usapan ng Mom nya tungkol kay Jisoo ang karamihan. Nalaman ko din kung bakit di namin kasama ngayon sa dinner ang Dad nya. Nasa HK ito para sa isang business meeting. At syempre ang tungkol din sa relationship namin, nagsimula kasi ang panunukso ng Mom nya.
"Sabi ko nga dito kay Jisoo bakit ang tagal ng apo ko sa kanya." Napayuko naman ako sa sinabi ng Mom nya, feeling ko pulang pula na ang pisngi ko ngayon.
"Mom!" Gulat na pagsaway ni Jisoo sa Mom nya. At nang magtaas na ako ng mukha para ngitian ang Mom nya ay parang may kuryente ding humahatak sa'kin upang tignan sya. Sa pheriperal view ko may ilang na tignan nya din ako.
"Why? Doon din naman yan papunta, diba hija?" Bumalik na naman ang tingin sakin ng Mom nya na parang nagpapakampi ito.
"Ah hehe kaya nga po." May hiya ngunit wala sa isip na sagot ko.
Around 10PM nang pauwiin na kami ng Mom nya, nagpaiwan naman ito dahil may darating pa daw itong ka-meeting. Umuwi ang Mommy nya dito sa Philippines para makausap ang business partner nila dito, kinuha na din nito ang pagkakataong mameet ako personally.
Hinawakan ko ang pisngi nya at binigyan sya ng isang mabilis na halik sa labi. Nang bubuksan ko na ang pinto sa shotgun seat ay naglocked ito. Palingon palang ako nang mag-umpisa na syang magsalita. "I-I'm sorry kanina about d-doon sa..." Itinaas pa nito ang isang daliri na parang may tinuturo ito sa gilid ng windshield nito at nag-iwas ng tingin. "...doon sa sinabi ni Mom." Dagdag pa nya bago yumuko.
Omg! Baka kaya ngingiti-ngiti sya kaninang umaga habang may kausap sa phone ay dahil talagang ang Mom nya ang kausap nya at binanggit na din iyon sa kanya.
"O-ok lang yun ano ka ba." Naiilang kong sagot.
"Sorry kaninang umaga Love." Dagdag ko pa habang tagu-tago ang mukha sa pagkakayuko. Para nga kaming baliw ngayon, nag-uusap kami pareho nang nakayuko at may iilang beses lang na titingin kami sa isa bago magumpisa sa sasabihin. Naging awkward yata yung moment dahil sa panunukso ng Mom nya sa amin kanina.
"It's okay. Nakakapagselos naman talaga 'tong mukha na 'to Baby." Pagpapacute nya na. Nahampas ko naman sya ng mahina sa braso nya, tatawa-tawa na kaming pareho ngayon. Nagbalik na sya sa dati, kung kanina ay mababakas mo talaga sa mukha nito ang hiya, ngayon ay wala na itong hiya! Lol joke.
Natapos ang gabi na kausap namin ang isa't-isa sa phone. We talk about ramdon things, we laugh at each others faces kanina doon sa dinner, he noticed that my face turned red when his Mom teased us both. Nang antukin na 'ko ay nagsabi sya na matulog na kami ng sabay, kunwari daw ay magkasama pa rin kaming natutulog sa iisang kwarto.
10AM nang magising ako ay bumaba ako upang magtungo sa kusina para kumain ng agahan. "Good morning to me!" Bati ko sa sarili dahil ako lang rin naman ang tao sa bahay, 7AM palang kasi ay nasa office na si Mom. "Good morning Babe!" Napaigtad ako ng marinig ang boses ng nagsalita. May kalakihan ang boses at pamilyar ito sakin. Nang hanapin ng mga mata ko ang pinanggalingan ng boses, nagulat ako nang makita si Joon. Nakasalampak ito sa sahig habang ang magkabilang siko nito ay nakapatong sa sofa at may hawak na joystick. Mukhang seryoso sya sa ginagawa nya. Pero teka, bakit pala nandito sya?!
"Anong ginagawa mo dito!?" Nagtungo ako sa sala at nagpameywang sa gilid nya.
"What do you think Babe?" Sarcastic nitong sagot habang nakafocus ang mga mata nito sa screen ng tv. Naglalaro sya ng playstation.
"Seryoso ako!" Sigaw ko dito.
"Bakit akala mo ba ako hindi?" Agad naman syang tumigil sa ginagawa at tiningala ako, Puno ng emosyon ang tono nito na tila may ginagaya itong palabas na pangdrama. Agad ko naman syang pinukpok ng remote.
"Aray! Sinamahan ko lang si Mom para makita ka! Masama ba yun!?" Pinukpok ko ulit.
"Aray! Pag ako nabobo di mo na ko makakasama sa overnight." Pagrereklamo nya. Natawa naman ako agad sa sinabi nya, poging-pogi talaga sya sa sarili.
"Bakit ka ba kasi nandito?"
"Kasama ko si Mom. Ang hirap pa naman bumisita dito ng sarili ko lang, 'kala naman kasi ni Tita kagandahan ka." Halos pabulong na lang ang mga huli nitong sinabi. Hahampasin ko na sya ulit nang mahablot nya ang kaliwang braso ko at tumapon ng tuluyan ang katawan ko sa kanya. Napahawak ako sa bandang dibdib nya para maalalayan ang sarili.
"Oo nga maganda ka nga talaga." Nang-aasar na sabi nito habang may pag-obserba naman itong ginagawa sa mukha ko.
Dahil sa pagkasubsob ay nakita ko rin ang ngayo'y binti ng lalaki, nakatayo ito sa may tapat ng pintuan nang mag-umpisang magsalita.
His stares we're cold.