5th Chance

9 1 0
                                    

Mabilis ang mga pangyayari, sa isang iglap ay nakahiga na sa sahig si Joon. I tried to stop him, nang gumanti ito ng suntok sa kanya ay halos di ko na alam kung sino ang aawatin ko sa kanila. Sinubukan kong patigilin ulit si Jisoo pero masyado syang malakas kung haharang ako kay Joon he will stop. Definitely.

"Will you two stop!?" Sigaw ko sa dalawa. Ngunit nang akmang susugurin nya na naman si Joon I shouted at him. "Ji stop please!?" Agad na umamo ang mukha nito, nagbalik sa dating kalmado ngunit cold ang tingin. "I'll explain this." Malungkot ko syang tinignan.

Nanatiling nakatahimik si Joon habang punas ang kaunting dugo sa sulok ng labi nito.

"You don't have to. Your actions explain it all." He stares at me coldly before leaving. May ilang segundo akong nakatulala sa kawalan. Hahabulin ko na sya ng mabaling ang tingin ko kay Joon may bahid pa ito ng natuyong dugo mula sa pagkakasapak nya rito.

Tuluyan ko nang binalewala ang sana'y paghabol ko sa kanya para mabilis na gamutin ang sugat ni Joon. Baka magtanong pa si Mom at Tita kung ano ang nangyari at wala silang kamalay-malay pareho.

Dinala ko si Joon sa room ko. Yes, sa room ko. Hindi sa guest room, hindi dahil sa ginawa ko itong design studio at makalat dahil di naman talaga iyon totoo. Hindi sa guest room dahil kung magkataon na umakyat si Mom bigla at marinig na may tao sa loob nito ay magtataka ito.

"A-ah! Dahan-dahan naman." Pagrereklamo nito. Maingat kong dinadampian ng cotton buds na may gamot ang sugat nito. Saglit din akong napatigil nang maalala si Jisoo, may kaunting dugo din sya sa sulok ng labi bago umalis.

"Sino ba kasing nagsabi na magsapakan kayo?" Diniinan ko ng kaunti ang hawak ko.

"A-aray!" He grabs my wrist now, nang maalala ko ang ginawa nya kanina ay agad ko ding binawi ang pagkakahawak nito sa'kin.

"Hard huh? Guess what? I like it more." Nakangisi pa nitong sabi. Nakasimangot ko naman syang nilayasan.

Hindi ko na namalayan ang pag-uwi nila ni Tita. Pabagsak akong humiga sa kama ko, as I stare at the ceiling blankly.

Your actions explain it all.

Paulit-ulit sa isip ko ang sinabi nyang 'yon.

I pick up my phone and dialed his number. Pero di nya sinasagot. I decided to go to his house kahit pasado ala una na. When I get there, nakailang doorbell pa ako pero di man lang sya sumilip or lumabas. Umuwi din akong walang napala.

Kinabukasan, pagdilat palang ng mga mata ko chineck ko na agad ang phone ko and it didn't surprise me, minessage nya ko. Sabi na di nya talaga 'ko matitiis eh.

When I opened it doon palang ako nasurprised.

It was a photo of him with a girl on his lap, they were at the bar. He look drunk. The picture was sent minutes before I slept.

On my way to school, nakita ko ang kotse nya sa tapat ng office building nya. May lumabas na babae dito, she's wearing a red fitted dress na lampas tuhod nya, mukha rin syang disenteng tignan. Hinihintay ko naman na lumabas sya ngunit hindi. Nanatiling nakatayo ang babae sa drop off, kumaway pa ito sa saradong windshield bago nya pinaandar ulit ang kotse.

Isipin ko palang na galit sya sakin ay di ko na kinakaya. Paano pa ngayon na may kasama syang ibang babae? Habang ako nakapako lang ang tingin sa pwesto ng ngayo'y umalis nang sasakyan habang ang isang kaninang sakay nito ay patawid na patungo sa direksyon ko.

Halos mapigil ko ang hininga ng dumaan ito sa harap ko papasok ng University. I didn't bother checking my phone kung sya yung kasama ni Jisoo sa picture. Ilang saglit akong tulala bago ko ipasok ang kotse sa University, nang ma-park ko na ang sasakyan ay agad na rin akong pumasok sa klase.

Itinuon ko ang buong atensyon sa mga aralin ko. Pagtapos ng klase ay sa library ang tambayan ko habang hinihintay si Jisoo. Pero mukhang ngayon ay walang darating na Jisoo. Di na sya nagmessage matapos kong matanggap ang litratong sinend gamit ang number nya. Alam kong di nya 'ko magagawang saktan. At hindi sa ganoong paraan.

Di na rin sya tumatawag, di nya na rin sinasagot ang mga tawag ko sa kanya. Iniiwasan nya ko.

"Lalim ng iniisip Love?" Agad akong napalingon sa nagsalita.

"I missed you! Tara sa coffee shop!" Sagot ng babaeng katabi ko sa library.

Napabuntong hininga ako pagkatapos kong makitang umalis ang couple. Buti pa sya may sundo. Well, may dalawang paa naman ako! So pupuntahan ko din sya sa office nya! I don't care kahit ako pa ang sumuyo sa kanya tutal ako naman ang may kasalanan.

Agad akong hinarang ng guard sa entrance ng building.

"Ma'am saan po sila?"

"I have an appointment with Mr. Jisoo Kim."

Tinignan naman ako nito mula ulo hanggang paa. Aba! Akala nya ba niloloko ko sya! At ano sa tingin nya ang mapapala ko kung papasok ako sa building na 'to ng walang pakay. Eh sinabi ko na nga na may appointment ako sa boss nila.

Pinapasok din naman ako ng guard. Kausap ko ang receptionist, at ang totoo ay wala naman talaga kong appointment sa kanya. And I don't need that.

"Is Mr. Kim..." Nag-uumpisa palang akong magtanong sa receptionist ng may magsalita sa tabi ko.

"Hija!"

"T-tita kayo po pala."

"You're here to see my son, right?"

"Ah o-opo."

Nginitian naman ng Mom ni Ji ang receptionist at nagdiretso na kami sa elevator. Naunang lumabas ng elevator ang Mom nya dahil may kailangan daw itong asikasuhin sa floor na iyon. Nang mag-angat ulit ang elevator ay bumilis ang tibok ng puso ko. Habang pataas ng pataas ang elevator ay tila dumodoble ang nararamdaman ko.

Bumukas ang pinto ng elevator sa floor ng office nya, di pa ko nakakahakbang palabas ng makita ko syang nakatayo ngayon sa tapat ko. Papasok sya ng elevator samantalang ako ay dapat palabas, tuluyang sumara at nagbukas ulit ang pinto ng elevator ng maiwan akong muli sa loob nito.

Di nya man lang ako pinansin.

Habang kasama ko sya sa elevator kanina hindi man lang bumuka ang bibig ko para kausapin sya at ganoon din sya sakin. Pataasan ng pride? Maybe, no. Naubusan lang din siguro ako ng lakas ng makita kong may kasama sya. Yung babae kanina.

How's your class?

'Yan ang huli kong narinig na sinabi ni Ji sa kasama nyang babae bago sila lumabas ng elevator.

Bumalik ako ng University para sa pang-gabing klase ko. Habang pagabi ng pagabi, padami ng padami yung problema ko.

Nagbalik ako sa sarili nang may kumatok sa windshield ng kotse ko.

"Are you okay?" Tanong ni Joon, may tungga itong soju in can. Inalok pa ako nito. Isasara ko na ulit ang windshield ngunit pinigilan nya ito.

"Aaaah!"

Binuksan ko na ulit para matanggal nya ang mga daliri nyang naipit dito. Inismiran ko rin sya, ihip-ihip nya ang kamay ng magsalita syang muli.

"Can we talk Yerin?"

A Fangirl's ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon