Nasa hospital si Anaya at ako ay nasa presinto, magbabagong taon na mamaya kaya dinalaaw ko ang tatay ni Anaya.
"Oh ijo bakit nandito ka?"bungad sa akin ni mang mando
"Advanced happy new year ho"panimula ko na lang at tumawa
"At ganun din sayo, haha may kailangan kaba?"
"Wala hong meron" kamot ulong sagot ko
"Gusto mo ang anak ko hano"nakangising tugon nito
Napalunok naman ako sa kaba, masyado ba akong halata?
"Hahahaha, tama ka ng nagustuhan"dugtong nito na ikinagulat ko
"Ho?"takang sabi ko
"Ikaw na dumiskarte sa anak ko, hindi naman ako ang manliligaw, wag kang magalala boto ako sayo"
"Mang Mando, si Amaya ho ba ay ganun talaga kabait?"
"Oo."seryosong tugon nito
"Simula bata pa lang si Anaya ay siya na ang paborito ko, wag kang maingay sa kanya magagalit iyon haha. Nung maliit pa sila nawala ang baon ng ate niya na bente pesos hindi makita at umiyak ang ate niya, humingi siya sa akin ng sampo at dinagdag niya sa baon niya akala ko eh may kailangan bilhin pero binigay niya sa ate niya at sinabi na 'Ate! Nakita ko na ang pera mo!'. Naalala ko din ng minsan na kinuha ng kuya niya ang baon niya ng isang linggo, imbes na magalit ang bunso ko eh nagbaon na lang siya ng mga biskwit, ni hindi niya sinabi sa akin iyon dahil alam niyang magagalit ako pero nalaman ko din dahil sinabi sa akin ng ate niya haha, close na close ang 2 babaeng anak ko kaya natutuwa ako hindi man nila gaanong close ang kuya nila ay kita kong mahal na mahal nila ang isa't isa"mahabang kwento nito sa akin
"Oh bat ka umiiyak?"sa tanong niya ay natauhan ako bigla
Umiiyak ako? Ng hipuin ko ang mata ko ay umiiyak nga ako.
Nasasaktan ako para sa tatay ni Anaya, at oo hindi niya sinabi na dapat masaktan ako.
Bakit hindi niya ipaalam."W-wala ho, natuwa lang ako"palusot ko dito
"Kung inaakala mong wala akong alam sa mga nagyayari kay Anaya ay nagkakamali ka"seryosong sabi nito at agad akong napatingin ng deretso sa kanya
"A-alam niyo ho?"takang tanong ko dito
Ngumiti siya ng mapait.
"Alam ko lahat. Simula sa kuya at ate niya. Maging sa iyo ay alam ko, ngunit hindi ako galit sayo nagpapasalamat pa nga ako at may magtatanggol na sa kanya."paliwanag nito
"Bakit ho hindi niyo siya pagsabihan! Na wag ng umuwi doon sa lintek niyang kapatid! Bakit hindi niyo siya sabihan na wag ng pilitin ang ate niya na tanggapin siya ulit! Siya lang ho ang nasasaktan sa lahat!"napalakas ata ako sa pagsabi, nagagalit ako eh, nakakagalit.
"Iho huminahon ka, kilala ko ang anak ko. Sa oras na malaman niya na alam ko lahat ng masasakit na pinagdaanan niya lalo siyang masasaktan at mahihirapan. Masasaktan siya dahil alam niyang triple triple ang sakit sa akin, mahihirapan siya kakaisip kung paano sosolusyunan lahat lalo na at alam ko pa. Hindi ako nagsusumbong sa pulis dahil alam mo naman na nakakulong ako hindi ba? Wala akong sapat na ebidensya. Kaya hiling ko sayo iho, ilayo mo ang anak ko sa buhay na hindi ko ginustong mangyari sa kanya. Nasasaktan ako araw araw dahil wala akong magawa para protektahan siya sa lahat"lumuluhang sabi niya
"Pasensya na ho, pangako ilalayo ko siya sa buhay na hindi nararapat sa kanya" nakangiting tugon ko dito at ngumiti din siya sa akin
.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.
BINABASA MO ANG
Anaya (COMPLETED)
General FictionAnaya is a selfless woman, she will do anything for her love ones. Isang katulong si Anaya, at lagi siyang pinahihirapan ng magkapatid na si Earl at Pearl dahil sa isang dahilan. Miserable ang buhay ni Anaya, simula bata pa lamang siya, her family h...