Anaya 13

1.5K 18 1
                                    

4 na araw kong ginagawa yung ginawa namin para mabuntis siya, bakit ba? Gusto ko talaga siyang anakan, gusto ko maging tatay ng anak namin.

Hindi ako malibog, sinisiguro ko lang na mabubuntis ko siya haha.

Biyernes na ngaun at 2 araw pa ay aalis na ako, at ayoko man ay kailangan ko.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay..

"Ayoko"bungad agad sa akin ni Anaya, na ikinatawa ko

"Bakit?"natatawang tanong ko

"Parang sira, pag nabuntis talaga ko"nakangusong sabi niya

Agad akong tumabi sakanya at hinalikan siya sa noo.

"Edi mabuti, tatay na ako"nakangiting sabi ko sakanya

"Okay sana kung ikaw manganganak eh"

"Haha gusto ko ng kambal"

"Ikaw na lang ang magbuntis! Akala mo ba madaling manganak!"

Niyakap kona lang siya at tinawanan.

"Tapos, kapag nabuntis ako, wala ka naman sa tabi ko"nakayukong sabi niya

Tumayo ako at lumuhod sa harapan niya saka siya hinalikan ng mabilis.

"Araw araw tayong mag video call, okay? Papaalagaan kita kila Paula, ayokong lalaki ang magaalaga sayo. Para pag magaling na ako ng tuluyan, okay na lahat, bibili ako ng sarili nating bahay tapos magtatrabaho ako at ikaw aalagan ang mga anak natin"nakangiting sabi ko dito

"Gusto ko man na nasa tabi mo habang pinagbubuntis mo yung magiging anak natin, hindi pwede. Ayoko din na pagtapos ko magpagamot saka kita buntisin diba? Baka isang round palang bagsak na ko haha, saka baka ndi ako umabot, kaya mas inuna ko yung baby natin"dugtong kopa, pero seryoso lang siyang nakatingin sa akin

"Kapag hindi ka bumalik dito ng maayos ang lagay mo, pinapangako ko talaga, magpapakamatay nako"seryosong sabi nito

Kaya agad akong tumayo at dinaganan siya sa kama.

"Hindi magandang biro Anaya ko, hindi man ako gumaling o gumaling ako, mabuntis man kita ngayon o hindi, mawala man ako o hindi, maayos man lahat o hindi, utang na loob, wag mong gagawin yun. Naniniwala ako isang araw paggising mo, okay na lahat. Ayoko ng maririnig yan mula sayo, naiintindihan mo? Ayoko non, hindi ko kaya, gagaling ako, aanakan pa kita ng 5 dosena"seryosong sabi ko dito

"S-sorry"tugon niya

Hinalikan ko siya ng mabilis saka tinignan ulit sa mga mata niya.

"Just promise me one thing"

"Ano yun?"

"No matter what happened, dont end your life.
Pag ginawa mo yun, parang nawala na yung kalahati ng pagkatao ko"

.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.

Paggising ko kinabukasan ay agad akong bumaba, imbes na maabutan ko si Anaya sa kusina na lagi kong nakagawian ay wala siya dito.

"Paula, nasan si Anaya?"tanong ko dito

Nagulat pa ata siya sa presensiya ko.

"E-eh, hindi po ba sinabi sa inyo?"takang tanong naman nito

"Ang alin?"

"Nasa hospital ho siya, sinugod ang tatay niya dahil nabaril ng hindi kilalang mga kalalakihan ho"paliwanag niya

"S-salamat"utal man at piliin ko mang matulala na lang sa kinatatayuan ko ay agad akong tumakbo sa kwarto ko para kuhanin ang susi ko saka agad ding bumaba para puntahan ang kotse ko at makapunta sakanya.

.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.

Pagkadating ko ay agad kong tinanong ang nurse, pero nasa OR pa daw ito pero pumunta pa din ako para puntahan si Anaya.

Pagkarating ko ay may ilang pulis na nandoon at nakita ko si Anaya na nakaupo at nakasapo ng 2 palad ang mukha niya.

Ng makalapit ako ay agad akong umupo at niyakap siya, napasandal naman siya sa dibdib ko.

"Dapat ay ginsing mo ako, nagalala ako sayo"sabi ko dito, pero tanging hikbi lang ang narinig ko sa kanya

"H-hindi ko alam kung paano ko maiibsan yung sakit Anaya ko, basta andito lang ako"sabi kopa at lalong hinigpitan ang yakap sakanya

Kung kelan naman malapit na ang alis ko saka pa nagkaganito, pwede namang sa isang linggo na lang ulit diba? Saglit lang naman yun, gusto ko lang masiguro na okay ang lahat bago ko siya iwan. Ayoko ng ganito, pati ako nasasaktan.

At kung sino man ang bumaril sa tatay ng mahal ko, nakakasiguro akong kilala kona ang may pakana non.

.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.

Makalipas ang ilang minuto ay nakatulog si Anaya sa mga bisig ko at ang operasyon nv tatay niya ay hindi pa din tapos.

Imbes na gisingin siya para ihiga ng maayos ay hinayaan ko na lang, at dahil nakajacket ako ay dahan dahan kong tinanggal ito sa akin at pinatong sa kanya.

Nakaramdam ako ng kirot sa aking ulo, pero binalewala ko na lang hanggat maaari ayoko ng dagdagan pa yung pagalala na nararamdaman ni Anaya.

"Sir, kaano ano niyo ho yung pasyente?"tanong sa akin nung pulis

"Tatay ko, tatay din niya"turo ko kay Anaya

"Magasawa kami"dugtong kopa

"Ah, nahuli na ang bumaril sa tatay niyo, pero ayaw pa ding umamin"balita niya

"Paggising ng asawa ko saka na natin ho pagusapan"tugon ko

Tumango naman ito at umalis na sa harap ko.

.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.

Tanghali na at kagigising lang ni Anaya, at sakto namang paglabas nung doctor.

As usual tinanong kung kaano ano kami, at syempre sinabi kong tatay niya at tatay ko dahil magasawa kami.

Inakbayan ko si Anaya, at nilapit sa akin ng maigi, ewan ko, gusto ko lang gawin.

"Saktong sa ulo tumama ang bala, sakto mismo sa gitna at sa utak, ginawa namin ang lahat, kung mas mabilis siyang nakarating ay baka maaari pa siyang mabuhay, pasensya na, nakikiramay ako"mahinahong sabi ng doctor at tinapik ang balikat ko saka kami iniwan

Yung totoo? Ang bilis ng pangyayari. Hindi ko alam kung dapat kobang patayin na yung kuya niya o dahan dahanin ko na lang.

"H-hindi totoo yan, p-papalayain ko pa si itay"

Agad ko siyang niyakap ng mahigpit, naiyak na din ako dahil kung sobra siyang nasasaktan ay doble sa akin.

"H-hindi totoo iyon, d-diba Earl? Sabihin mo saking hindi totoo iyon!"hiyaw niya pa habang nagpupumiglas sa yakap ko.

Isinandal ko siya sa pader at pinakatitigan siyang mabuti, pinunasan ko muna ang luha ko bago ako magsalita.

"A-ayokong saktan ka sa kasinungalingan Anaya ko, please, wag ganyan, nasasaktan ako"sambit ko

Nakatingin lang siya sa akin habang patuloy umaagos ang luha niya sa kanyang pisngi.

Pinunasan ko ito gamit ang mga kamay ko, at niyakap siya.

"Andito lang ako, promise, hindi kita iiwan, hanggat maging okay na yung nararamdaman mo"sabi ko pa at hinalikan siya sa ulo.

Anaya (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon