Epilogue

2.1K 36 21
                                    

5 years ago...

Manganganak na si Anaya at kasama niya si Paula sa loob ng sasakyan patungong hospital.

Habang nagmamaneho ang driver ng taxi na sinakyan nila ay biglang may tumawag sa cellphone ni Anaya ngunit si Paula ang sumagot.

Habang kausap ni Paula ang tunawag kay Anaya, si Anaya ay humihinga ng malalim dahil sa sakit na nararamdaman, ni hindi niya maintindihan ang sinasabi ni Paula dahil nangingibabaw ang sakit sa kanya.

"Anaya" tawag ni Paula sa kanya

Nakahawak lang ng mahigpit si Anaya sa kamay ni Paula.

"Si Earl" mahinag sambit ni Paula

Nakaramdam ng kaba si Anaya ng marinig ang pangalan ng lalaking pinakamamahal niya.

"Nagpupumilit daw umuwi dahil manganganak kana, kaso ano.." hindi maituloy ni Paula ang sasabihin niya, dahil baka magpanic lalo si Anaya sa kalagayan niya ngayon

"Ano?" hinihingal man ay nagawa niyang magsalita

"Na ano, naaksidente, pero! Hindi ganun kalala, paa lang daw tinamaan, okay naman siya"paliwanag ni Paula

"Sira talaga" halata mang nagaalala ay mas pinili niyang maging kalmado para sa bata

Medyo malapit na sila sa hospital ng may tumawag nanaman kay Anaya

"Ho?.....Sige po........Salamat po"

"Ano yun?" Tanong ni Anaya

"Wala wala" maangmaangan pa na sagot nito

"Paula, sabihin mona" nahihirapang sambit ni Anaya

"Ate mo nasa ICU, pero wag ka magalala ginagawa naman na nila lahat" pahina ng pahina na tugon nito

"Huh?, manong pakibilisan ho" sa Hospital na pupuntahan nila ay doon din naka confine ang ate niya

"Saglit lang ho mam"

"Manong, napakalapit na ng hospital wag mo ng sundin yung ilaw na pula" natatarantanf sabi ni Anaya

"Maam malapit na po saglit lang"

Biglang tumayo si Anaya at inabot ang manibela, pilit siyang pinipigilan ni Paula pero maingat ito dahil baka mapaano ang bata...

Bigla na lang nangyari ang isang aksidente, isang truck ang bumangga sa taxi na sinasakyan ni Anaya at Paula.
Pagtawid ng taxi nila sa crossing ay isang malaking truck ang mabilis na humaharurot, sa kaliwang bahagi ng sasakyan, agad sumalpok ito sa taxi, dahil malapit sila sa hospital ay may ambulansya na nagsidatingan.

May tama sa ulo si Anaya at ang driver ay patay na, si Paula ay nawalan ng malay.

Ng dumating ang mga doctor ay doon na nila ginawa sa daan ang pagpapaanak kay Anaya, walang malay si Anaya kaya napagdesisyunan na CS ang gagawin para lumabas ang bata, sinubukan nilang gamutin din si Anaya ngunit hindi na kinaya ng katawan niya.

.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-

3 buwan na ang nakakalipas, matapos ang aksidente ay nakauwi na si Earl, kahit hindi pa dapat umuwi ay nagpumilit siya, dahil naoperahan na siya ng mangyari ang aksidente...

EARL'S POV:

2 buwan at kalahati bago ako magising ng tuluyan, pag gising ko ay mga mukha nilang malungkot ang aking nakita, ng makita nila aking gising ay umiyak silang lahat, siguro dahil okay ung operasyon kaya sila ganyan, nginitian ko sila para malaman nilang okay naman ako.

1 linggo, maayos na ako, saka ko nalama ang isang balita na hindi kinaya ng sistema ko.

"B-bakit?! Panong nangyari?! Hindi pwede!" Nagwawala na ako sa sobrang galit at lungkot?, hindi ko mapangalanan ang nararamdaman ko.

Niyakap ako ni mama, papa at Pearl.

"Kuya, tama na, makakasama sayo" bawal sa akin Pearl

"Iuwi niyoko, i-uwi niyo nako, bakit ngayon niyo lang sinabi?! Ni hindi ko man lang siya nakita bago...bago.." ni hindi ko mapigilan ang luha ko,hindi ko matanggap.

.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-

Nasa sementeryo na ako, hawak hawak nilang kong 3, sabi ng hindi ko kailangan ng suporta, kaya ko maglakad....

Nang makarating ako sa harap ng puntod niya ay agad tumulo ang luha ko napaupo na lang ako sa panlulumo.

"Anaya ko, bakit naman g-ganyan? Magpapakasal pa tayo ha? H-hindi ko kaya, m-madaya ka, ang sakit, ang s-akit sakit" humagulgol nako sa sobrang hirap halos bambuhin ko ang dibdib ko sa sobrang bigat, pigilan man nila ako mas nangingibabaw pa din yung sakit

"Mahal kita eh, m-mahal naa mahal, p-pano nako nito? I-ikaw lang magpapalakas sakin, e-edi sana hindi nako nagpaopera, e-edi magkasama tayo ng matagal, h-hindi man lang kita nakausap b-bago mangyari yun, Anaya ko!! Wag naman g-ganito! N-napakadaya mo! M-mahal moko pero iniwan moko! L-lumaban ako p-para sayo, sa i-inyo! Tapos i-iniwan moko! B-bakit?! A-ayoko na! D-dat nagsabay na tayo!" Hindi ko na kaya, napakahirap

"K-kuya! Ano gusto mo sumunod?! Tapos ano? Iiwan mo yung anak niyo?! Tama ba yan?!" Natauhan na lang ako sa sigaw sakin ni Earl

"H-huh? Nasan yung b-baby namin?"

.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-

PRESENT...

Nakakatuwang isipin na bago binawian ng buhay ang mahal ko nasabi niya ang ipapangalan sa anak namin.

Kahit anong gusto niya dun ako.

Ngayon nakaupo lang ako sa park habang pinanunuod maglaro ang anak ko kasama ang ibang bata.

Anaya ko, kahit masakit na wala kana, alam kong hindi mo kami pababayaan ng anak mo.

Remember?
Ikaw at ako kahit hindi hanggang dulo basta ako lang ang mamahalin mo...

Ikaw lang ang mahal ko kahit hindi ka umabot hanngang dulo Anaya ko.

"Ysabel! Let's go? Pupunta pa tayo sa kasal ng Tita Peael mo" tawag ko sa cute kong anak

"Yes dada! Coming" masayang tugon niya

Wala kana pero salamat kasi iniwan mo ang anak natin. Hindi moko hinayaan magisa salubungin lahat ng problema.

For the last time...

Ikaw at ako kahit hindi hanggang dulo basta ako lang ang mamahalin mo...

Mamahalin at mamahalin kita kahit matapos yung dulo.

~The End~

Anaya (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon