Anaya 10

1.5K 20 1
                                    

Napagdesisyunan kong dalawin ang tatay ni Anaya habang si Anaya ay bumibili ng grocries kasama si Paula.

"Kamusta ho?"tanong ko dito

"Okay lang ijo, mas kampante na, ikaw? Bakit ka napadalaw?"tugon nito

"Wala lang ho, gusto ko lang talaga kayo kamustahin"sagot ko

Nagkwentuhan lang kami at hindi ko kinwento ang ginawa ni Anaya dahil baka magisip lang ito.

.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.

Paguwing paguwi ko ay naginit ang ulo ko sa nakikita ko.

"Pearl! Ano nanaman ba yan ha?!"hiyaw ko dito

Nagulat pa ata siya at agad binitawan si Anaya sa pagkakasabunot, si Anaya naman ay nakayuko lang.

"What?!"galit pa na tanong nito

Agad akong lumapit sa kanya at hinawakan siya ng mahigpit sa braso.

"Ilang ulit Pearl?! Ilang ulit kitang pagsasabihan ha?!"hiyaw ko dito at nakikita ko ang sakit sa muka niya dahil sa hawak ko

Naramdaman kong hinawakan ako ni Anaya kaya nilingon ko siya, umiling siya sa akin, dahilan yun para tanggalin ko ang pagkakahawak kay Pearl.

"I-i hate you! Bakit kinakampihan mo pa yang kaladkaring babae yan h----"hindi na niya natuloy ang nasabi niya ng sampalin ko siya

"Ang tagal ko ng nagtitimpi Pearl ha! Yang bunganga mo tatahiin ko yan, isang beses pa na may marinig akong hindi maganda dyan"galit na sabi ko dito

Nakita kong tumulo ang luha niya at tumakbo paakyat, napahilot na lang ako sa sentido ko dahil kumirot ito.

Humarap ako kay Anaya at kalmado lang siyang nakatigin sa akin.

"Magsorry ka kay Pearl, ngayon din"utos nito sa akin, napanganga na lang ako.

"B-bakit?"takang tanong ko dito

"Dahil pareho kayong mali, pero bilang nakakatanda ka, at mali pa na sinampal mo siya, ikaw na ang magsorry sa kanya"nakangiting sabi nito

"Hay nako, gagawin ko to para sayo"nakangiting sabi ko pero umiling lang siya

"Gawin mo dahil kapatid mo siya, okay?"sambit nito

Yung babaeng minahal ko noon, at mahal na mahal ko pa din hanggang ngayon, hindi ko talaga matanggap na napakabait niya, naiinis ako.

Niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan sa ulo.

"Okay ka lang?"tanong ko dito

"Hindi"deretsong tanong nito na ikinagulat ko, sanay akong nagtatago siya sa akin ng tunay niyang nararamdaman pero agad ko ding nalalaman ang totoo.

"Bakit?"tanong ko dito

Narinig ko siyang umiyak kaya lalo kong hinigpitan yung yakap ko.

"A-ang sakit nung anit ko, hahaha"umiiyak man ay tumawa pa din siya, lukaret to.

"Sira, i love you"sabi ko at hinimas himas ang buhok niya.

Naramdaman ko naman na humigpit ang yakap niya sa akin.

.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.

Magdamag na hindi lumabas si Pearl sa kwarto, kaya ng kakain na ay ako na ang tumawag.

Alam ko naman na mali din ako dahil hindi ko nacontrol ang sarili ko.

"Pearl, kakain na"tawag ko dito habang kumakatok

Anaya (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon