Anaya 11

1.5K 15 2
                                    

Hinanap ko sa buong bahay si Anaya pero sabi ng mga kasambahay eh umuwi daw muna ito sa kanila.

Agad naman akong nagtungo doon, at tulad ng inaasahan ay hindi ito nakalock dumeretso ako sa kwarto nila at nakita ko siyang nakaupo at umiiyak.

Agad ko siyang nilapitan at tinayo saka niyakao ng sobrang higpit.

"A-anong ginagawa mo dito?"tanong nito

"Hmm? Magkakonekta kasi yung puso natin kung nasaan ka dapat andun din ako kasi kapag hindi nagnhihina ako"tugon ko dito saka tumawa ng konti, hindi naman siya kumibo

"Anaya ko, I love you. Sabihin mo lang sakin kung may problema ka ha? Andito lang ako lagi, promise"sabi ko at hinalikan siya sa ulo.

.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.

Habang hinihinmas ko ang buhok niya ay kinakantahan ko siya kahit alam kong tulog na siya.
Hinalikan ko siya sa ulo at inulit ang ginagawa ko kanina.

"Anaya ko, mahal na mahal na mahal kita"sabi ko dito at tumulo ang luha ko sa sobrang daming dahilan

"Sa totoo lang Anaya ko, natatakot akong magpaopera kasi baka, baka...iwanan kita, ayoko nun.
Pwede ba Anaya ko? Hayaan mo na yung kuya mo, pwede bang hayaan mo ako na tulungan ka sa lahat, Anaya ko, nasasaktan na ako ng sobra, ayokong nahihirapan ka, kasi ang sakit sakit sa dibdib parang iniipit, ayokong umiiyak ka, nawawasak ako eh"sabi ko habang tumutulo pa din ang luha, kahit hindi niya ko naririnig okay lang, gusto ko lang sabihin kahit sa ganitong paraan.

.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.

Nagising ako na walang Anaya sa tabi ko, kaya agad akong tumayo para hanapin siya, at nakita ko siya sa kusina na nagluluto, napapraning na ako.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya at niyakap siya sa likod.

"Goodmorning, I love you"sabi ko dito

Nakita kong sumilay ang ngiti sa labi niya.

"Goodmorning, I love you too, kain na, tapos na to oh"sabi nito sa akin pagtapos ay hinarap niya ako at hinalikan sa labi pero smack lang.

Habang kumakain at nagkukwentuhan lang kami ng biglang tumawag si manang.
At sa paguusap namin ay sumiklab ang takot at pangamba ko.

"Pst, ano sabi? Sino ba yun?"tanong ni Anaya ng makabalik ako

"Tara na muna"seryosong sabi ko dito

"Bakit? Ayos ka lang ba?"

"Maayos pa, tara na Anaya ko, may pupuntahan tayo"

"Bakit? Sabihin mo anong nangyayari?"

Napahilamos na lang ako, dahil bakit ngayon lang tumawag si manang, nakakains.

Lumapit ako at niyakap siya ng mahigpit saka hinalikan ng sunod sunod saka siya tinignan sa mata.

"Yung kuya mo, papunta ngayon dito, nakatalas daw"seryosong sambit ko

Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

"Okay lang yan, andito ako, wag kang magalala"sabi ko dito saka niyakap siya

Tunawag na din ako ng pulis pero mukang matatagalan pa dahil, nakarinig ako ng katok? Oh kung yun ba ang tawag sa ginagawa niya.

"Papasukin moko Anaya!"hiyaw ng kuya ni Anaya

Nginitian ko lang si Anaya saka sinenyasan na wag maingay.

"SISIRAIN KO TONG POKPOK KA!"

Hawak ko ang malalamig na kamay ni Anaya, hanggat maaari ayokong lumabas kami, mas makakabuti iyon.

Anaya (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon