Anaya 8

1.7K 26 1
                                    

"Pauwiin nyo na kasi ako eh"reklamo ko kila mama

"Anak, kadarating mo lang dito, wag kang makulit"seryosong tugon ni mama

Papaano nasa hospital nanaman ako, eh ano kaya kung sumakit yung ulo ko saglit lang naman eh.
Mga 20 minutes lang.

"Tss, hindi nanaman masakit eh"pagpupumilit ko

"Anak naman"pigil na inis ni mama

Aishi, gusto ko ng umuwi nakita kong umiyak si Anaya kanina bago ako dalhin dito sa hospital. Nakakainis.
Ayokong magtago ng sikreto sa kanya, gusto ko totoo lang ang ang sinasabi ko gusto ko alam niya lahat ng tungkol sa akin.
Pero ayokong ng dahil sa akin ay umiiyak siya.
Ayoko ng dahil sa akin ay nalulungkot siya.

.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.

Pagkauwing pag kauwi ko ay si Anaya agad ang hinanap ko.
Alam ng mga katulong namin kung ano kami pati ata si Pearl saka yung mga magulang ko alam din nila, hindi ko alam paano nila nalaman eh.

Gabing gabi na kaya sa kwarto niya ako pumunta pero pagpunta ko dun ay siya lang ang wala sa kwarto nila.

Nasaan naman kaya yun?
Dahil isang lugar lang ang alam kong lagi niyang pinuountahan ay doon na ako dumiretso.

Nakita ko siyang nakaupo sa Bench. Ang hilig niyang tumambay sa Garden, adik ata siya sa bulaklak eh.
De biro lang.
Hindi nga pala siya mahilig sa bulaklak.

Tinakpan ko ang mata niya pero tinaggal ko agad to ng maramdaman kong basa, agad akong pumunta sa harap niya at nakita kong umiiyak siya.

"Ui bat umiiyak ka? Sinong umaway sayo ah?" Tanong ko agad dito

"I-ikaw"tugon niya na ikinabahala ko

"Luh niaano ko yung Anaya ko? May nigawa ba kong hindi mo nagustuhan?"natatarantang tanong ko pero agad siyang umiling

Pinunasan ko yung luhang patuloy na umaagos sa pisngi niya.

"Anong gusto mo?"

"I-ikaw"tugon niya

Ayy baliw na.

"Anaya ko, bakit umiiyak ka?"tanong ko ulit

Alam ko naman kung bakit eh, gusto ko lang talaga siyang lambingin para tumahan na siya.

"A-alam mo bang sa buong b-buhay ko, ngayon na lang u-ulit ako n-natakot"sambit niya

Pinatayo ko siya at niyakap siya ng mahigpit, naramdaman ko naman na niyakap niya ako pabalik.

"Alam mo ba? Kaya ko sinabing may sakit ako para alam mo, ayoko kasing nagtatago sa Anaya ko, ayokong malalaman mopa sa iba yung dapat sakin mo dapat malalaman, kaso parang ayoko na maging honest sayo, nipapaiyak kita dahil honest ako eh"

Narinig kong tumawa siya ng konti at nangiti naman ako.

"Pangako ko sayo Anaya ko, lahat ng pagkukulang ko sayo noon ay pupunan ko lahat ngayon, pangako magpapagamot ako, hindi naman ako mamamatay noh, edi nalungkot yung Anaya ko pag nawala ako"dugtong kopa

Naramdaman ko na lang na niyakap niya ako ng mahigpit.

Hindi ko alam bakit mas natatakot pa siyang mawala ako kaysa sa buhay niya nung mga panahong nasa poder siya ng kuya niya.

Hindi ko ikinakatuwa na nalulungkot siya ng dahil sa akin.

.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.

"Anaya, magkano pa yung kulang mo para mapayansahan si tatay este tatay mo" tanong ko na sinamahan pa ng biro

Andito kami ngayon sa kwarto ko at nakapatong ang baba ko sa balikat niya habang nakapalupot ang kamay ko sa bewang niya.

Wala lang, wala nanaman silang ginagawa, saka namimiss ko siya eh, syempre para fair pati yung iba pinagpahinga kona din.

"Sira, konti na lang"tugon niya

"Tss, halaga kaya ang kailangan kong sagot hindi yung konti na yan"reklamo ko

"Basta kasi konti na lang yun"pagpupumilit niya

"Hindi naman kita bibigyan kung iniisip mo yun"sambit ko

Syempre hindi totoo yun, nagiipon talaga ako para sa pagpyansa sa tatay niya, lahat ng allowance ko na 5K sa isang linggo ay tinatabi ko lahat, simula nung malaman ko na nasa kulungan tatay niya, nagipon na talaga ako. 50K na ang naiipon ko, hindi ko alam kung sapat na ba yun eh.

"100 na lang"tugon niya

"Pesos?"tanong ko

Tumawa naman siya na ikinakunot ng ulo ko.

"Libo kasi yun"natatawang sabi niya

Napangiti na lang ako, may kalahati na ako konti pa.

"Hmmm, i love you"sabi ko sa kanya, hindi naman siya kumibo

"Wala bang i love you too dyan?"reklamo ko

"A-adik ka kasi, bigla bigla kang nagsasalita ng kung ano ano"sabi niya habang nakaiwas ang ulo sa gawi ko

Nangiti ako sa ginawa niyang iyon, ang cute niya kasing tignan.

"Eh bakit? Mahal naman kasi talaga kita, mahal na mahal ko yung Anaya ko, akin lang yung Anaya ko, hindi siya pede sa iba, kasi selfish ako pagdating sa Anaya ko, iiyak talaga ako kapaga nawala yung Anaya ko"

"S-salamat" tugon niya habang hindi pa din sa akin nakalingon

Umalis ako sa pwesto namin at humarap sa kanya pero nakaupo pa din kami sa kama, ng humarap ako ay yumuko siya. Aynako.

"Salamat? Hmmm, mas gusto ko pa din yung i love you too"usal ko

Hinarap na niya ako at ngumiti siya sa akin, sa simpleng ngiti niya ay tumatambol na yung puso ko, bakla ba? Aishi basta kasi, try niyo magmahal.

Nagulat na lang ako ng kiniss niya ako pero smack lang.

"Mahal din kita"sambit niya pagtapos ako halikan

"S-saka ano, s-sinasagot na kita"nakayukong sambit niya na lalong kinagulat at kinatuwa ko

"T-totoo ba?"hindi makapaniwalang tanong ko

"B-babawiin koba?"nakayukong tugon nito

"H-hindi noh! Nagulat lang ako, wala ng bawiian ah! Wala na wala na!!!"hiyaw ko dito kaya tinakpan niya ang bibig ko

"Ang ingay mo naman eh"reklamo niya

Niyakap kona lang siya sa sobrang tuwa ko.

Mas masarap pa rin sa pakiramdam na alam mong sayong sayo na yung taong mahal mo.

January 17, 2018. Ang araw na sinagot ako nung taong mahal ko ngayon mula pa noon.

Hinalikan ko siya ng ilang beses na sunod sunod hanggang sa naging malalim na ang halikan namin, naihiga kona siya sa kama habang naghahalikan pa din kami, ang sarap sa pakiramdam, nabubuhay ang init sa katawan ko, pero bago pa ako hindi makapagpigil, hinalikan kona siya sa noo.

"Hahaha i love you, labas ka muna, baka hindi ako makapagpigil eh"tumatawang sabi ko dito

Ngumiti lang siya sa akin at hinalikan pa ako ng isang beses bago tumakbo palabas, natawa na lang ako sa nagawa ko ngayun.

.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.

Sa mga araw na lumipas ni minsan hindi ako pumalya na pakiligin siya, hindi ako pumalya na samahan siya tuwing dadalaw siya sa tatay at ate niya, hindi ako pumalya na hindi kami nagsasabay sa pagkain. So ayun skl naman.

Alam na nilang kami pati mga magulang ko, syempre gusto kong legal kami, alam na din ni tatay Mando.

At si Pearl? Napaktigas ng ulo, kaya hindi ako umaalis na andito siya dahil pahihirapan lang niya ang Anaya ko.

Ilang beses ko ng pinagsabihan si Anaya na magsumbong sa akin, pero matigas din ang ulo ng isang to.

At isa pang skl nasa hospital ako at hindi alam ni Anaya, bakit? Dadagdag paba ako sa intindihin niya? Wag na.

Tinext ko siya at sinabing may aasikasuhin lang ako, ewan ko pero parang alam na niya din naman dahil yung mga ibang kasambahay doon ay tsimosa.

Nakakainis, ayoko na ngang nagaalala yung Anaya ko eh.

Anaya (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon