Nagising ako ng nasa ibang kwarto na ako.
Umupo ako at tinignan ang paligid ko....
...
...N-nasa bahay na ko?
Paano?
Nasa galaan kami ni Anaya eh.
Ah oo nga pala! Nakauwi na kami..-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.
Pagbaba ko nakarinig ako ng pagkabasag ng pinggan, kaya dali dali akong tumakbo sa kusina, at nakita kong ibabagsak nanaman ni Pearl ang pinggan kaya si Anaya ay pinupulot.
"Wag mong wawalisin yan"mataray na sabi ni Pearl
"Kumuha ka ng walis Pearl"madiin na utos ko dito
Nagulat ata siya ng makita ako.
"A-at bakit?! Siya ang nagbasag niyan!"palusot nito
"Konti pa Pearl, pag nasagad mo ako, makakarating to kila papa"banta ko dito
"No! I hate you! Youre not my kuya anymore!"hiyaw niya sa akin at tumakbo paakyat
"Ayos ka lang ba?"tanong ko kay Anaya habang pinupulot pa din niya ang mga basag na pinggan
Hindi niya ako pinansin at patuloy pa din sa ginagawa niya.
Kinuha ko ang kamay niya at tinayo siya, ngunit nakayuko pa din siya.
"Ayos ka lang ba?"ulit na tanong ko dito
Dahan dahan kong iniangat ang ulo niya pero agad niya itong iniwas.
"Anaya"maotoridad na tawag ko dito
Ginawa ko ulit yon at nakita kong may cut yung labi niya, buset.
"A-ayos lang ako"sabi nito
Tatalikod na sana ako para puntahan si Pearl pero pinigilan niya ako.
"Wag na, ayos lang ako"nakangiti ng sabi nito
"Hanggang kelan mo ipagtatanggol ang iba?"seryosong sabi ko dito
"Hanggat maaari. Hanggat kaya ko. Hanggat ayokong nagkakagulo ang paligid ko"deretsong sagot niya
Hinawakan ko siya sa baba at hinalikan ng marahan ang labi niyang may hiwa.
"Masakit pa?"tanong ko dito
Nakita ko naman na masama ang tingin niya sa akin.
"Manliligaw kita bat ba halik ka ng halik ha?"masungit na sabi nito
Natawa na lang ako sa inasta niya.
Kaya mahal na mahal ko ang babaeng ito eh..-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.
Maaga akong gumising dahil day off ni Anaya ngayon, gusto kong malaman kung saan siya pupunta.
Dumiretso ako sa kwarto niya at nakita kong gumagayak na siya, yung iba niyang kasamahan ay ginagawa muna ang dapat gawin bago umalis.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko dito
"H-huh? Sa ano, sa hospital"gulat na sagot niya
"Sasama ako"sabi ko dito
"Wag na"nakangiting tugon niya
Um-oo na lang ako kahit ayoko at dahil makulit ako sinundan ko siya ng palihim.
.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.-.
Naglalakad siya sa eskinita at alam kong sa kuya niya nanaman siya pupunta.
Tumawag ako ng pulis. Matagal ko ng pinagplanuhan na gawin to. Nasabi kona din sa mga pulis ang mga pangyayari. Naniwala sila dahil madaming saksi dito sa lugar nila.
BINABASA MO ANG
Anaya (COMPLETED)
General FictionAnaya is a selfless woman, she will do anything for her love ones. Isang katulong si Anaya, at lagi siyang pinahihirapan ng magkapatid na si Earl at Pearl dahil sa isang dahilan. Miserable ang buhay ni Anaya, simula bata pa lamang siya, her family h...