Chapter 5 - Sweet - Bitter

204 13 7
                                    

Jeiyla' s POV

Kinakabahan ako, paano kung may makapansin kay Breiyl? Ang laki pa mandin ng namana ni Breiyl kay Brent,

"Mommy why are we here?" tanong ni Breiyl sa akin

"Do you remember the boy who carry a rings in movie we watched in Korea? You will do the same thing" pagpapaliwanag ko sa kaniya habang isinusuot ang damit niya, buti na lamang at kasya kay Breiyl

Napansin ko ang necklace na suot ni Breiyl. Iyon ay kalahati ng necklace ni Brent ewan ko lang kung napansin niya na wala ang kabiyak ng kwintas niya. Kasama ng necklace ni Breiyl ang wedding ring ko noon. Agaw pansin sa tao ang necklace na ito kay itinago ko muna iyon, baka ito pa ang maging dahilan para makilala ni Brent si Breiy,

"Siya si Yohan?" tanong ni Angel at Mae ng makalapit na sa amin

"Yes that's me!" nakangiting sagot ni Breiyl sa kanila

Buti na lamang at hindi sinabi ni Breiyl ang first name niya. Masyado kasing malapit sa pangalan ni Brent.

"Ang pogi niya" kinikilig na sabi ni Mae at pinisil ang pisngi ni Breiyl pero hindi malakas

"Mag sisimula na ba?" tanong ko sa kanila

"Hindi pa naman. 30 minutes pa" sagot ni Angel

"Mommy I'm just going to play there" pagpapaalam ni Breiyl kaya napalaki ang mga mata ko, nakalimutan ko na mommy niya nga pala ako malamang tatawagin niya akong mommy

"Mommy?" gulat na tanong ni Angel

"Anak mo?" gulat rin na tanong ni Mae

Paano ako lulusot sa kanila? Wala ng way para makapag dahilan ako dahil si Breiyl na mismo ang nagbigay ng hint sa kanila.

"Okay don't go any far" utos ko kay Breiyl

Sabihin ko na ba? Paano kung sabihin nila kay Brent iyon? Hindi pwede, ayaw ko na malaman ni Brent

"Explain" sabi ni Angel sa akin

"Fine. Anak ko siya" alanganing sabi ko, wrong move na pumayag talaga ako sa pagiging ring bearer ni Breiyl

Halata ang sobrang pagka gulat sa mga mata nina Mae at Angel dahil sa sinabi ko. Sino ba ang hindi?

"Sino ang daddy?" tanong ni Mae

"Si Brent" simpleng sagot ko

"Seryoso?" Gulat na tanong ni Angel

Tinakipan ko naman ang bibig ni Angel ang bibig talaga nito, rinig sa buong church eh!

"Sa atin lang sana ito? If pwede iniingatan ko lang ang anak ko" pakiusap ko sa kanila

"That's why? Kaya hindi ka nagtatagal sa gimik kasi gawa nang bata" seryosong sabi ni Mae

"Pero don't you think karapatan rin ni Brent na malaman ito?" tanong ni Angel sa akin

"Hindi ko alam. Kung pwede nga lang huwag magkaroon ng kahit anong koneksyon kay Brent eh, but right time will come alam kong malalaman niya rin iyon" sabi ko habang nakatingin kay Breiyl

"Anong pangalan niya?" Tanong ni Mae

"Breiyl Yohan Imperial" sagot ko sa kaniya

"Ayaw daw ng kahit anong koneksyon kay Brent pero ang pangalan halatang - halata!" natatawang sabi ni Angel

"Bakit?" takang tanong ko

"Brent + Jeiyla = Breiyl, hindi ba? Anyways, dahil iyan ang desisyon mo suportahan ka na lang namin. Kung malalaman man ni Brent ang tungkol sa anak ninyo dapat ikaw mismo ang magsasabi sa kaniya nuon" mahinahon na sabi ni Angel at hinawakan ako sa balikat

To Hate Or To LoveWhere stories live. Discover now