Chapter 31: Between Boys and Girls

80 2 1
                                    

Jeiyla's POV

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin dito sa mga kaibigan ko. Ano bang problema nila? Well nandito lang naman kami kay na Dianne dahil itong si babae tumawag ng umiiyak edi sa pag - aalala ko tinawagan ko din sina Angel at Mae. Ang ending chorus yung tatlo sa pag - iyak!

"Hindi ko naman alam kung anong dahilan ng pagiging tulala ni John! Inasar ko lang s'ya na kung iniisip na naman n'ya yung babae nya tapos waaaa umamin nga s'ya! "Oo Dianne! Sa sobrang pagiging maarte mo nambabae na ako!" Naiyak na sabi ni Dianne

Grabe! Alam n'yang buntis si Dianne! Kailangan kumalma ng babaeng ito kung hindi baka makunan s'ya!

"Shhh! Baka naman hindi iyon ang iniisip ni John! Mag - usap kayo ng mahinahon mamaya! Isipin mo na lang yung baby n'yo" advice ko sa kanya pero umiiyak pa rin s'ya

Hays ano ba ang dapat kong gawin sa kaniya? Jusme baka kung anong mangyari sa kanya eh! Nasaan na ba kasi si John?

"Ikaw anong problema mo?" Tanong ko naman kay Angel

"Inlove na ata ako kay Nathan! First time na may magtanggol sa akin lalo na sa embarrassing moment! Tapos sinabi pa n'ya yung tungkol sa ring! Pero parang wala lang sa kanya yung sinabi n'ya! Hindi ba niya alam na ilang beses pumasok sa utak ko yung sinabi n'ya!" Naiyak na sabi ni Angel

"Shhh! First, tingnan natin kung anong nangyayari kay Nathan ngayon! Remember ilang days mo na s'yang iniiwasan" advice ko naman sa kaniya

Hays first time ko ata makitang umiyak ng ganito si Angel dahil lang sa akala n'ya inlove s'ya!

"Break na kami ni Jk" seryosong sabi ni Mae

"What?" Sabay - sabay naming tanong kay Mae

"What happened?" Tanong ni Angel

"Oh my gosh" react naman ni Dianne

Ito lang pala makakahulas sa dalawang ito! Teka kung break na sila baka naman pwede pa silang mag - comeback

"Remember nung parehas kaming wala ni Jk. I followed him kasi diba lagi s'yang missing in action? Kaya balak ko sana na isurprise s'ya ang hindi ko alam ako pala yung masusupresa, gosh I really thought he was just attending a business party but little did I know it was his own engagement party" kwento ni Mae sa amin

Grabe ang sakit nun! Parang nito lang ang sweet nila ni Jk tapos ngayon ito nangyayari sa kanila. Sa lahat ng problema nila parang ito yung masakit!

"I Love him so much but I have to say 'best wishes' to the love of my life. Kung kayo yung nasa position ko nung araw na iyon mahihiya kang gumawa ng eksena! Just looking on his fiancee I can't even say a thing, she looks so innocent!" Naiyak na sabi ni Mae

"Tahan na girl, compare sa problema ko mas masakit yung sayo" seryosong sabi ni Angel

"Me too" parang bata na sabi ni Dianne

"Nag explain na ba s'ya?" Tanong ko kay Mae

"Sabi ko sa kanya ayaw ko ng explanation kasi that moment na pumunta s'ya ng engagement party nila tinapos na niya kung anong meron kami" seryosong sabi ni Mae

I can see on her eyes how hurt she is, ibig sabihin sobrang sakit pala kay Mae nung oras na nag proposed si Brent sa akin dahil yung lalaking gusto n'ya lumuhod sa harap ng ibang babae, pero knowing Jk he won't do it without a reason!

Brent's POV

Nagtipon - tipon kaming mga lalaki dahil kailangan ko ng tulong pero ang hindi ko inaasahan sila rin pala may mga problema!

"Tol sinabihan ko si Dianne na may babae ako! Hindi ko alam kung paano ko babawiin sa kanya yun! Kapag may nangyari sa kanila ng anak ko hindi ko mapapatawad sarili ko" problemado na sabi ni John

"Sorry, it was all my fault kung hindi ko sana sinabi sayo kung anong pananakot ang ginagawa ni Shina sakin edi sana hindi ka din magkakaroon ng problema" seryosong sabi ko

"Dapat hindi ka magpatakot sa kanya lalo na kung ikaw yung lalaki! Ikaw si Brent remember? Magpakalalaki ka! How funny it is! Magpakalalaki? Ako nga hindi ko masabi kay Angel kung ano talaga yung nararamdaman ko sa kanya! Tol iniiwasan nya talaga ako!" Tulalang sabi ni Nathan

"Brent basta kung kailangan mo ng tulong nandito lang kami labanan natin yung Shina na yun! Isa lang s'ya marami tayo! Speaking of isa lang! Si Mae lang naman talaga ang mahal ko eh! Mas mabuti na ako yung makulong sa buhay may asawa kaysa naman s'ya yung mag suffer na mag sacrifice sa sarili n'ya para lang maging malaya ako! Malay ko ba na rival family namin!" Problemado na sabi ni Jk

"Bakit hindi mo ipaglaban yung sa inyo ni Mae? Ang babaw ng problema ng relasyon n'yo kayang kaya n'yong lusutan! Pero sabagay ang hirap nga nun lalo na kung parehas ng pananakot parents n'yo. Sabagay mahirap na hindi kaya lahat ng lalaki may respeto sa babae. Kaya mo ba?" Seryosong sabi ni John

Hays hindi ko alam kung kailan ba kami makakaalis sa problema namin eh naturingan kaming mga lalaki tapos ganito! Malampasan sana namin ang lahat ng ito. Alam ko naman na hindi tayo bibigyan ni God ng problema ng walang solusyon! Bigla naman nag ring yung phone ko. It was Jeiyla

"Hello?" Sagot ko

(Brent! Si Dianne dinala namin sa Hospital! Tinatawagan naman namin si John pero patay phone n'ya!)

"What? Sige pupunta na kami!" Sabi ko at bumalik kay na John

"Nasa Hospital yung mga girls tara na bilis emergency si Dianne!" Sabi ko at tumakbo na sa car

Wala sanang masamang mangyari sa mag - ina! Kailangan ko na maging calm dahil baka kami naman ang maisugod sa Hospital.

John's POV

Mabuti naman at nakakapit yung anak namin ni Dianne kung may nangyari sa kanila, hinding - hindi ko mapapatawad ang sarili ko

"Don't worry hindi mo kasalanan ang nangayari it was accident, kukuha sana si Dianne ng tubig pero nadulas s'ya" pagpapakalma sakin ni Jeiyla

"Pero kung hindi ako umalis edi sana hindi s'ya nadulas" naiiyak na sabi ko

"Pre pakatatag ka nga, kaya ng mag - ina mo yan" sabi naman ni Brent

"They love each other and they will fight together. For sure Dianne won't let your baby go" seryosong sabi ni Mae

Bakit naman parang hindi para sakin yun? Parang kay Nathan n'ya sinabi yun pero tama s'ya lalaban si Dianne at ang anak ko

"Right! Dianne really cherish your baby and she won't let you to suffer from despair! The both of you have mutual understanding, everything will be fine" seryosong sabi ni Angel

Kita ko naman na napatingin si Nathan dapat lang na matamaan s'ya! Feeling ko mutual din naman sila eh! Maunawaan sana ako ni Dianne!

"Basta kung ano man ang problema dapat sama samang haharapin! Lalo na kung isang pamilya kayo" sabi ni Jeiyla

Pero for sure wala s'yang pinapatamaan dahil wala naman s'yang alam sa problema ni Brent. Halos lahat naman kami walang alam. Kaming mga boys alam namij yung side ng isa't isa pero yung iniisip ng mga babae nako mahirap! Ang mga babae parang police kung makapaglatag ng pruweba mapapatahimik ka na lang!

"I just really wish everything go back to normal" seryosong sabi ni Brent

Awkward ang tahimik naming lahat lalo na si Dianne, kailangan ko pa nga palang mag sorry dahil sa sinabi ko sana lang maniwala s'ya na wala akong babae!

----------------------------------------------------------------------
----------------------------------------------------------------------
A/N: okay masakit na sa mata mag type HAHAHAHA enjoy guysh! Comment lang kayo

Please vote, comment and support your author. Lovelots.

To Hate Or To LoveWhere stories live. Discover now