Chapter 7 - Accidentally

204 10 0
                                    

Dianne's POV

Hiniling ko talaga na ilipat sa isang araw ang honeymoon namin ni John, mahalaga itong nalaman ko at hindi ako pwedeng mahuli sa balitang iyon

"Maganda din naman itong condo na nakuha niyo, maaliwalas sa paningin at safe para kay Brieyl" puna ko sa condo na tinitirahan nila

Hindi namin sinabi kay Jeiyla na sa 3rd floor lang nakatira si Brent at nalaman rin namin na si Tito John Rey ang mismong nagtulak kay Jeiyla na dito tumira. Ewan na lang namin kung bakit ha pero may chance na baka gusto din ni Tito na mapalapit sila ulit sa isa't isa.

"Hindi ba delikado dito?" Tanong ni Angel na nasa terrace

"Hindi naman siguro" sagot naman ni Jeiyla

"Mommy?" mahinang tawag ni Breiyl kay Jeiyla

"Yes baby?" Tanong ni Jeiyla sa anak niya

Ngayon na alam ko na anak siya ni Brent, masasabi ko na small version nga siya ni Brent,

"Who are they?" Tanong ni Breiyl habang nakatingin sa amin

"I'm Tita Angel and this is Tita Dianne" paliwanag naman ni Angel

"From now on you're going to call them Tita okay?" Sabi ni Jeiyla

"Hungry na po si Breiyl" cute na sabi niya kay Jeiyla

Ang cute naman talaga ni Breiyl, gusto ko na tuloy mag - anak kaso hindi biro ang gusto ko, kailangan parehas na kaming handa ng asawa ko hindi ba?

"I'm just going to prepare food for us" natatawang sabi ni Jeiyla sa amin at ibinaba si Breiyl sa sofa

"Hi" sabi ko sa kaniya

"What's your name?" Tanong ni Angel

Hindi pa ba niya alam ang pangalan nang bata? Ilang beses na namin nakasama si Breiyl eh

"Breiyl Yohan Roxas" mabagal na sabi ni Breiyl

Roxas? Pero Imperial ang apelyedo niya! Nalilito ako, can someone explain it to me?

"When you're writing your name, what last name are you using?" malambing na tanong ulit ni Angel

"Imperial" simpleng sagot ni Breiyl

"Alam ko guys naguguluhan kayo. Kahit ako nahihirapan ng itago si Breiyl pero hindi ko pa rin kaya na ipakilala siya" sabi ni Jeiyla at inilapag yung tray na hawak niya

Kumakain na ngayon si Breiyl at kami naman ay nandito sa may mini table, pinag - uusapan itong matters na ito.

Jeiyla's POV

Paano ko ba ipapaliwanag sa kanila ito? Kailan talaga from the beginning? Parang nakakailang naman kung sasabihin ko din sa kanila yung about sa bagay na iyona

"Ehem Dianne do you remember our closing party?" Tanong ko kay Dianne

"Oo naman bakit?" Tanong niya pabalik

"May nangyari samin ni Brent nun" simpleng sabi ko na ikinasamid naman ni Angel

"Wow! Lupet! Ibig sabihin first time niyo gawin yun tapos ano najuntis na ikaw?" Hindi makapaniwalang tanong ni Angel

"Hays! I can't believe this! Yun siguro yung sinasabi ni Brent na malaking bagay na nawala" sabi naman ni Dianne

"No. He's referring to his mother" simpleng sabi ko

To Hate Or To LoveWhere stories live. Discover now