Chapter 30: Date like a Teenager

48 0 0
                                    

Nathan's POV

Kahit kailan talaga panira ng lakad si Jeiyla at Brent eh! Bakit ba sa dinami - dami ng pwede nilang pag - iwanan ng anak nila, sa akin pa!

"Tito I'm hungry" pangungulit sakin ni Breiyl

"Anong gusto mong kainin?" Tanong ko naman

"Hmmm adobo!" Masiglang sagot n'ya

"Basic, intayin mo ako dyan" sabi ko na lang

Umakyat ako sa taas para gisingin si Amazona! Syempre sa isang bahay babae talaga ang dapat nagluluto!

"Hoy magluto ka ng adobo para kay Breiyl" utos ko kay Angel

"Bakit ako? Sayo iniwan si Breiyl! Hindi pwede kita mo na oh? Paalis ako, may date ako" sabi n'ya at umalis na sa kwarto n'ya

"Titaaaa I'm hungry"

"You go ask for food to your tito Nathan, okay?"

"Tito I'm hungry na" malungkot na sabi ni Breiyl

May idea akong naisip! Akala ng Amazona na yan magiging masaya ang date n'ya. Hindi pwede na ako lang ang magdudusa sa pamangkin namin!

"Okay! Let's eat outside! We're going to follow your Tita Angel" sabi ko kay Breiyl at hinawakan na yung kamay niya

"Tito where are we now?" Bored na tanong ni Breiyl

"Shhh! She might recognize us" bulong ko kay Breiyl

Nandito kasi kami ngayon sa isang fast food ng Mall. Mula dito sa upuan namin ni Breiyl kita ko si Angel na nag - iintay. Lampas 30 minutes na ah, wala pa rin yung date n'ya

"I'm hungry na" malungkot na sabi ni Breiyl

"Look who's here! Hanggang ngayon ba naman umaasa ka pa rin na seseryosohin ka ni Josh? Never ka naman n'yang minahal. Right babe?"

"Yup"

"So pinapunta mo ako dito para sa ganitong eksena?"

"Oo. Look how desperate are you"

"Excuse me" sabi ko at tumabi kay Angel

Tama kayo kanina pa ako nakikinig sa usapan nila. Playboy pa rin talaga ang mokong na ito!

"We're going to act okay? Anak ka namin ni Tita Angel, we have to save her okay?" Bulong ko kay Breiyl at iniupo s'ya sa harapan namin

"Hello" sabi ni Breiyl sa kanila

"Sino 'to?" Inis na tanong ni Josh

"Our son" seryosong sabi ko

Tumingin lang naman sakin si Angel. Hindi ko s'ya pinansin at tumingin ulit kay Josh

"Oh my gosh may anak ka pero hindi ka kasal?" Mapang-lait na tanong ng hipon na babae

Ahh! Buti na lang dala ko yung couple ring namin ng mga naging ex girlfriend ko. Well hindi talaga namin kasi the moment na isinuot ko sa kanila iyon at kapag hindi kumasya  nakikipagbreak ako

"Suot mo" bulong ko kay Angel

"See? We're privately married, pumunta rin ako dito para tigilan mo na ang pangungulit at panglalandi mo sakin" sabi ni Angel at itinaas yung kamay namin

"Crazy!" Sabi ni Josh at umalis sa harap namin

"Babe wait!"

Hahaha napahiya siguro! Tumingin naman ako kay Breiyl na ngayon ay kumakain na. Nako kawawa naman si Breiyl kanina pa nga pala gutom!

To Hate Or To LoveWhere stories live. Discover now