Chapter 3 - Check up

205 12 6
                                    

Brent's POV

On rounds ako ngayon mabuti naman at hindi kagulo ang eksena ngayon sa emergency room

"Doctor" tawag sa akin nang patient na inoperahan ko

"Yes?" Nakangiting tanong ko

"Thank you po" nakangiting sabi niya at inabot yung lollipop sa akin

"It's my duty! Palakas ka ha! Tapos balik ka sakin para matingnan natin kung talagang magaling ka na" nakangiting sabi ko

"Salamat talaga Doc" naluluhang sabi nang nanay nung bata

"Walang ano man po" sabi ko sa kaniya

Nakamasid lamang ako sa pag-alis nang mag-ina dito sa Hospital. Hindi ko alam kung bakit mga bata ang gusto kong gamutin ewan ko ba kung bakit

"May patient ngayon si Doc. Shina?" Tanong ko sa mga nurse ng makita kong nakalock yung pinto ng office niya

"Opo Doc ang gwapo nga po nung bata! Parang kayo!" Kinikilig na sabi nung nurse

Hindi ko inaalam pangalan nila well wala naman kasi akong pakielam sa kanila kasi sa pagiging abala ko sa trabaho uunahin ko pa ba iyon?

"Patingin ng profile nang mga bata" utos ko sa kaniya

Kailangan din naman kasi namin tingnan ang list nang mga patient na nagpupunta dito sa Hospital

"Sino itong bata na ito?" Tanong ko dun sa Nurse at pinakita sa kaniya ang profile

Breiyl Yohan Imperial? Madami naman Imperial sa mundo catchy lang nung name

"Siya po ang patient ni Doc Shina" sagot naman niya at tumango na lamang ako bilang sagot babasahin ko pa sana iyong profile pero bumukas na ang pinto ng office ni Shina

"Mabuti naman at malakas ka ano? Tama iyon kailangan healthy tayo!" rinig kong sabi ni Shina sa bata

"Of course!" proud na sagot nang bata, ang cute niya napatingin naman siya sa akin

"Why are you laughing?" puno ng pagtataka na tanong niya sa akin

"Nothing, just that" sagot ko sa kaniya

"Where is your mother baby?" Tanong naman ni Shina sa kaniya

Oo nga, bakit mag - isa itong bata dito sa Hospital?

"My mommy is looking for a condominuim" sagot naman niya

English speaking ang bata na ito baka isa sa magulang niya ay may lahi, kaya ganito siya kung makipag - usap. Nakakatuwa lamang ay sa magalang na paraan siya sumasagot.

"Then who's with you?" Tanong ko sa kaniya

"My yaya" sagot niya sa akin

Ahh parang nakikita ko sarili ko sa kaniya kasi hindi ba wala na ang mommy ko at si daddy naman busy sa pagpapatakbo ng school namin noon

"Excuse me po Doc Shina pero may rounds pa po tayo sa third floor" singit nang assistant nurse niya

"Brent! Paano ito?" bulong na tanong niya sa akin

Nagkibit balikat naman ako sa kaniya. May rounds pa rin ako eh, so sinong titingin sa bata?

"I'm just going to wait for my Yaya here" sabi naman nung bata at tumakbo sa may mga chair

"Ikaw na muna bahala dyan, Bye!" sabi ni Shina at mabilis na tumakbo

Paano naman ako? May rounds pa ako eh! Hindi naman pwedeng isama ko itong bata na ito, baka makakuha lamang ng sakit.

To Hate Or To LoveWhere stories live. Discover now