Chapter 4 - Cold Heart

213 12 4
                                    

Dianne's POV

Alam namin ni John na bawal magkita ang ikakasal kinabukasan pero mas naniniwala kami sa pag mamahalan naming dalawa,

"Ito na ang huling beses na single ang civil status natin Honey" hindi makapaniwalang sabi ko kay John

"Oo nga eh! Naalala mo nung nag walk out ako sa inyo?" Natatawang tanong niya sa akin

Napatawa maman ako ng dahil duon. Iyon ang hinding hindi ko malilimutan sa lahat dahil iyon ang araw na minulat ako ni Ken sa totoong nagmamahal sa akin

Flashback (Side stories: Dianne and John)

Hindi pwedeng mawala si John sa akin dahil sa hinaba ng panahon bago ko malaman  kung ano talaga ang nararamdaman ko,

"Dianne" mahinahon na pag tawag ni John sa akin

Napatayo naman ako ng dahil duon, he came back! Buong akala ko iyon na ang huling beses na makikita ko siya

"Bakit ka bumalik?" Tanong ko sa kaniya

"Narealize ko kasi na hindi pa nga nagiging tayo iiwanan na agad kita" nakangiting sabi niya pero may luha sa mata

Ngumiti lamang ako at tumakbo palapit kay John para yakapin siya,

"Alam ko hindi magiging madali na maging tayo agad pero John, I'm willing to take the risks" sabi ko sa kanya

Halata sa boses ko ang sinseridad, totoo lahat ang nararamdaman ko ngayon at hindi ko pag sisisihan lahat ng iyon,

"Huwag kang mag-alala ipaparamdam at ipapakita ko sa iyo kung gaano kita kamahal pero this time sisiguraduhin kong ako na ang unang maiisip mo sa lahat ng gagawin ko" sabi ni John at niyakap ako ng mahigpit

Now I know na sa bawat taong nakakasalamuha at nakakapanakit sa atin, may isang tao ang tahimik na nagmamasid at nag-aalala sa atin.

End of Flashback

"Hindi ka naman nagwalk out noon eh!" Sabi ko sa kanya

"Anong hindi umalis ako sa harapan mo, o anong tawag duon?" Tanong niya sa akin

"Iyon yun eh! Galing" sabi ko sa kaniya

"I love you so damn much Dianne" deretsong sabi ni John sa akin

"I love you too John, my soon to be hubby" sabi ko at hinalikan siya

"Porn!" Singit ni Nathan ng makita kami ni John

"Panira ng moment eh!" inis na sabi ni John

"Reserve niyo na iyan para bukas!" Pang-aasar naman ni Angel

"Nasaan na ang mag-jowa?" Tanong ko sa kanila

Pag hahanap ko kay Jk at Mae. Lagi na lamang late ang dalawang iyon. Hindi naging effective ang plano ni John na isurprise si Brent, baka this time matagal silang magkasama.

Jheya's POV

Invited naman kami ni Dianne eh pero kami lang ni Jhen ang pupunta. Si Ken? Ayun busy ang lolo niyo kay bukas na lang daw siya pupunta,

"Bakit isasama mo pa si Jhen?" Tanong ni Ken sa akin

"Walang mag-aalaga at saka Hon don't worry sa bahay lang naman nila kami eh! Pero sunod ka ha kapag pwede" sabi ko kay Ken at inayos ang tie niya

Nakangiti lang akong nakatingin sa kaniya ewan ko ba! I'm just really happy to have him in my life

"Ihahatid ko na muna kayo" sabi ni Ken at inakbayan ako palapit kay Jhen

To Hate Or To LoveWhere stories live. Discover now