Chapter X

17 1 0
                                    

Ilang araw ko nadin siyang di nakikita at di nakakausap. Hanggang sa nakatanggap ako ng text galing kay Just.

"baby ayoko na. itigil na natin to."

Umiyak lang ako ng umiyak nun. Sakit sa puso eh. Dahil nung iniwan niya lang ako nung isang araw ay apaw sa pagmamahal ang puso ko, ngayon.. ano ba to? Joke lang ba? Hindi maganda ang joke na to ha.

Nakipag kita ako kay Zel. Kwenento ko sa pinsan niya nangyari .

Niyakap ko siya at sinabing, "Zel, wala na kami. Nag message siya sakin na tigilan na daw namin to"

"Kagabi sinabi niya din sakin yan, ano bang nangyare sa inyo?" Tanong ni Zel

"Hindi ko alam eh. Bigla nalang nag kaganito"

Wala talaga akong alam kung bakit siya nakipag break. Clueless ako kasi wala naman akong maling nagawa. Wala rin naman siyang nababangit na problema niya sa akin. Akala ko masaya lang talaga kami. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang problema niya. Paano ba? Hindi ko alam ang gagawin. Gulong gulo ako sa araw na to.

After class ay umuwi na ako para ipahinga ang utak ko sa mga pangyayari ngayong araw. Nag babasa ako ng mga sweet messages namin na nakasave sa phone ko. Nag scroll ako ng pictures naming dalawa. Hindi ko alam kung anong nanisipan niya at bigla nalang siyang nagkaganyan. Maayos naman kami e. Wala kaming problema. Nakatulog nalang ako kakaiyak nung gabing iyon.

Dear Just, It's Happily Never After (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon